"Ilang araw lang akong nawala ng bansa, tapos mababalitaan ko ngayong ikakasal ka na?" hindi makapaniwalang saad ni Kyrene kay Diana nang isang hapong dinalaw siya nito sa kanyang opisina. Halos ilang linggo nga silang hindi nagkita ni Kyrene dahil sa kinailangan nitong puntahan sa Canada ang lolo't lola nito. Nagkasakit ang abuela nito at dahil sa labis na pag-aalala ay talagang pinuntahan ng kanyang kaibigan ang mga ito sa ibang bansa. Ngayon na lamang sila muling nagkita. Hindi pa sana siya nito pupuntahan ngayon kung hindi niya lang sinabi ang tungkol sa 'planong pagpapakasal' nila ni Rafael nang makausap niya ito sa telepono. Diana didn't have a plan to tell Kyrene about it. Pagkukunwari lamang nila iyon ni Rafael at wala na siyang planong ipagkalat pa sa iba ang kasinungalingang b