Atubiling naglakad si Diana palapit sa mesang pina-reserve ni Rafael sa restaurant na kinaroroonan nila. Ang kanyang mga mata ay matamang nakatutok ngayon sa dalawang babaeng prente nang nakapuwesto roon. Kapwa ring nakatitig ang mga ito sa kanila ng binata nang mapansing papalapit na silang dalawa. Hindi niya nga sukat akalaing basta na lamang siyang dadalhin ni Rafael sa lugar na iyon upang ipakilala sa pamilya nito. Ni hindi man lang ito nagpaabiso. And how dare him to say that she was jealous with his sister? Ang lakas manukso! Talagang inisip ng binata na nagselos siya sa kapatid nito kanina, bagay na labis niyang ikinapikon. Though, she couldn't blame him if he thought that way. Her action a while ago was somehow exaggerated. Hindi niya rin alam sa kanyang sarili kung bakit ganoon