CHAPTER 22

2129 Words

Mula sa pagtitig sa bendang nasa kanyang balikat ay napaangat ng kanyang mukha si Diana nang maramdaman niya ang paglapit ni Rafael. Nasa may emergency room pa siya ng ospital na pinagdalhan sa kanya ng binata. Nakaupo siya sa stretcher at tapos nang gamutin ang kanyang sugat. Kasama niya pa ang doktor na tumingin sa sugat niya sa balikat at ang nurse na kasalukuyan na lamang nililigpit ang mga ginamit na panggamot sa kanya. "How is she, Doc?" usisa agad ni Rafael sa doktor. Nagtanong ito habang ang mga mata ay mariing nakatitig sa kanya. Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Diana ang galit na nakiraan sa mga mata ng binata na alam niyang laan para sa taong namaril sa kanya. "There's nothing to worry now. Daplis lang ng bala ng baril ang natamo ng pasyente. Nagamot na namin ang sugat niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD