Agad na napalingon si Diana sa may entrada ng kanyang silid nang marinig niya ang papalapit na mga yabag. Inaasahan niyang si Rafael na iyon. Sila lang naman ang magkasama sa kanyang apartment. "Nakahanda na ang hapunan. Let's eat," masuyo nitong saad sa kanya. Nanatili itong nakatayo sa may entrada lamang ng kanyang kuwarto. Sa kabila naman ng lahat, dama ni Diana na iginagalang ni Rafael ang kondisyon niyang hindi ito maaaring pumasok sa kanyang silid. Hindi niya maiwasang mapabuntonghininga nang maalala na naman ang pag-amin na ginawa nito kanina. He really confessed that he's in love with her. Kahit ang dami niyang problemang kailangang isipin, hindi niya rin naman maitatanggi na may kakaibang dulot sa kanya ang pag-aming iyon ng binata. "What's wrong?" untag pa ni Rafael nang hindi