Chapter Twenty Seven ELORDE BIGLA akong nahiya nang makita kong nakikinig pala siya sa akin at pinapanood ang mga pinaggagagawa ko. Para pa naman akong tanga sa pinaggagagawa ko. Kaya siya nasa bahay ay isesend ko sa kanya yung file na nasend niya raw sa akin. Nakakahiya tuloy dahil narinig pa niya yung sinabi kong dedicated sa kanya yung kanta. Ito namang si Mama ay halatang gustong gusto na nandito sa bahay si Henyo. Grabe pa nga siyang mag-asikaso eh at gusto niyang laging nakangiti si Henyo kaya ako ang ginawa niyang paraan. Pinagtutulungan nila akong tuksuhin habang kumakain pero syempre hindi ko sinabing siya yung taong gusto ko pero hindi ako gusto. Ayaw ko nang madagdagan pa ang ilangan sa pagitan namin kung sakali. KINAUMAGAHAN ay maaga akong pumasok para maaga ding mag-