Chapter Twenty Six HENYO NAGULAT AKO sa nakita ko sa kanyang cellphone. Ginawa niyang wallpaper ang aking larawan. Iyong larawan na iyon ay kuha ko noong binili ko ang kanyang cellphone. Tinesting ko lang naman ang camera nito kung maganda kaya nagselfie ako doon. Hindi ko naman alam na gagawin niya pa lang wallpaper. Nang makabalik siya ay eksakto namang namatay ang ilaw nito. Hindi ko na siya tinatanong at baka mag-iba na naman ang timpla ng kanyang mood. Ano kaya ang ibig sabihin ng iyon? May gusto ba siya sa akin o ano? O sadyang gusto niya lang gawin iyon. NANG maipasa ko sa kanya ang mga documents ay nagpaalam na rin ako dahil baka may gagawin pa siya. Nagpadala na rin ako ng mensahe kay Elysse na hindi na ako babalik doon at uuwi na lamang ako. Mahirap kasing makipag-usap ka