Chapter Twenty Five HENYO NAGISING AKO dahil sa tunog ng aking cellphone. Hingal na hingal akong napamulat dahil sa aking panaginip o mas ituturing ko iyong isang bangungot. Pinahid ko ang luha ko bago kinuha ang aking cell phone. Alas nuwebe na ng gabi at mukhang tulog na ang aking mga kapit bahay. Wala naman akong kasama dito sa bahay dahil hindi pumunta ang pinsan ko. Binuksan ko ang text sa cellphone ko at nakita kong mensahe iyon galing kay Elorde. From: El Nurse, sasama ako sa outing niyo bukas. Anong oras ba? And ano ang iaambag ko? Pagkabasa ko sa text niya ay bigla akong kinabahan at naalala ko ang aking panaginip. Nandoon daw kami sa Villas Beach Resort sa bayan ng Sta. Teresita para mag-outing. Hindi ko alam kung bakit ito ang lugar ng aking panaginip. Nakita ko lang nam