Chapter Twenty Nine HENYO NANG MABASA ko iyon ay itinago ko kaagad sa aking bulsa. Kailangan ko munang mapatunayan ang hinala ko. Sana lang ay nagkamali ako. Sana lang ay hindi tama ang kutob ko. “Pasensiya na kayo Nurse Henyo. May ginagawa kasi ako kaya makalat dito sa may sala,” wika niya habang pinupulot ang mga nagunting na mga piraso ng papel. Nakasuot siya ng maikling shorts at malaking T-shirt na kulay Maroon. Ang kanyang buhok ay nakapusod nang buo na nakakadagdag sa simple niyang ganda. “Anak magmano ka kay Tita El,” utos ko sa anak ko na kampanteng nanonood. Sinunod naman niya ako nang kalabitin ko siya. “Ano ba yang mga ginagawa mo?” “Ah, wala Nurse. Wala kasi akong magawa dito sa bahay kaya gumagawa ako ng mga design sa kwarto ko. Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunt