Chapter Thirty ELORDE “Hah? A..ako na lang po Nurse Henyo. Kaya ko naman eh at saka gulo-gulo na yung buhok ko mamaya,” nahihiyang sambit ko. “Maganda ka naman kahit anong ayos mo,” simpleng sagot niya sabay kindat sa akin. Juice coloooooored! Parang gustong magwala ng aking isda. Kahit pa walang tubig, lalangoy at lalangoy ito. Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya dahil natameme na ako. Bukod sa sinabi niya ay natameme din ako sa angkin niyang kapogian. Tama nga si Niel, mana siya sa kanyang Papa. Parehas silang nakasuot ng kulay Puting V-neck shirt paired with color Black jeans and of course color Black na Maong jacket. Pareho rin silang nakasuot ng Color White na shoes. Parehas pa silang may sunglasses. Ang sarap sigurong maging ilaw ng tahanan kapag ganito ang pamilya. Sana ako