Chapter 17
Her POV
Hindi pa din nag si-sink in sakin ang sinabi ni Doc kahit na nakaalis na sya kanina pa at iniwan samin ang test result ko! Buntis ako! Hindi ko mapigilan ang emosyon ko at unti unting tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ako nag ingat at pinabayaan ang sarili kong magkaganito! Ano na lang ang ihaharap ko sa mga magulang ko dahil sa nangyari. Napakatanga ko! “Samantha.” Tawag sakin ni Erica kaya nilingon ko sya. “Anong gagawin ko Erica?” umiiyak na tanong ko sa kanya kaya niyakap nya ko. Hindi ko naiisip na magbubunga ang ginawa namin ni Treyton. “Samantha magiging okay din ang lahat!” sabi nya at umiyak lang ako sa bisig nya. Nag tagal ako sa ospital ng ilang oras saka na discharge pero bago ako umalis dumaan muna ako sa Obgyne doctor dito sa ospital para matingnan ang lagay ng bata sa sinapupunan ko. Ang naalala ko sumakit ng masakit ang puson ko dahil akala ko meron akong menstruational cramp at nagkaroon ako ng period kaya nag aalala ko sa lagay ng bata. “Sasamahan pa ba kita sa loob?” tanong nya sakin pero umiling lang ako at ngumiti sa kanya. “Kaya ko na toErica, Salamat!” sabi ko at pumasok sa loob ng clinic.
“Paki fill-up na lang po!” sabi sakin ng nurse at inabot ang isang form kaya sinimulan ko ng lagdaan ang mga dapat ilagay don at pagkatapos ibinigay sa kanya. “Pwede na po kayong dumiretso kay doc.” Sabi nya kaya naglakad na ko papunta sa opisina ni Dra. Cruz. “Have a sit Misis” sabi nya. “Miss pa lang po” sagot ko sa kanya. “Okay pasensya na. I guess kaya ka andito para malaman ang lagay ng baby mo?” sabi nya sakin at tiningnan ang chart nya. “Opo, ang naalala ko po kasi noong nawalan ako ng malay ay sumakit po ang puson ko saka bago po yon nagkaroon po ako ng period kaya po nagtataka ako kung bakit ako nabuntis kung dumating po ang monthly period ko” paliwanag ko. “Nagkaroon ka ng spotting which is normal lang dahil first trimester mo pa lang naman pero kailangan mong mag ingat at inumin ang mga rineseta ko sayong gamot!” bilin nya sakin. “Nga pala kung hindi ka pa din naniniwala pwede naman tayong mag test ulit” sabi nya pa at may inilabas na tatlong test kit. “Take it! And after that mag u-ultrasound tayo.” Sabi nya at itinuro sakin ang CR kaya kinuha ko ang tatlong pregnancy test kit at nag tungo sa banyo para gamitin yon.
Pag pasok ko sa banyo binasa ko muna ang instruction bago gamitin yon. Nang magamit ko na umupo ako sa toilet bowl at initay ang resulta. Kahit papaano umaasa ako na negative ang magiging resulta kahit na asa harapan ko na lahat ng senyales na nagsasabing buntis ako. Huminga ako ng malalim saka tiningnan ang tatlong pregannacy test na ginamit ko at lahat sila iisa lang ang nilalaman nilang resulta yon ay “Positive” sambit ko. Tumulo na naman ang mga luha ko! Kaya ko to makakaya ko to! Huminga muna ko ng malalim at pinunasan ang luha ko bago lumabas. “Dra. Cruz, okay na po.” sabi ko sa kanya at ipinakita ang tatlong pregnancy test na lahat ay positive. “Okay icheck na natin ang baby mo!” sabi nya kaya sumunod ako sa kanya at itinago sa bag ko ang pregnancy test. Pinahiga nya ko sa isang higaan at inangat ang damit ko saka may pinahid sakin na isang malamig na gel at may ipinatong na parang bagay saka nagsimula na nyang tingnan sa screen ang loob ng tyan ko. “Did you see that?” sabi nya at tinuro ang screen, tumango naman ako bilang tugon sa kanya. “Yan nag baby mo. Maliit pa lang sya pero may heart beat na sya kaya kailangan mo ng mag ingat at wag ma stress!” bilin nya sakin. Tiningnan ko ang screen kung saan andon ang sinasabing bata sa sinapupunan ko. Napakaliit nya lang parang candy. “Bibigyan kita ng kopya nyan!” sabi ni doc kaya tumango ako at nag simula na syang punasan ang tyan ko saka ako inalalayang tumayo. Bumalik kami sa opisina nya at doon nya inabot sakin ang ultrasound picture at ang ilang test ko kanina. “Hindi ko na tatanungin kung asaan ang ama ng anak mo! Basta mag iingat ka sa susunod at bumalik ka sa susunod na check up mo!” sabi nya sakin at nag paalam na ko saka umalis. Paglabas ko napahawak ako sa puson ko. May bata na sa loob ng sinapupunan ko at isa na kong ina.
“Samantha ano nangyari?” tanong sakin ni Erica at inalalayan akong maupo. “Buntis nga ako Erica.” Sabi ko sa kanya at sumandal sa balikat nya, hinawakan naman nya ko sa kamay. “Kaya mo yan Sam! Alam kong kaya mo yan!” sabi nya sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung paano ko to sasabihin sa mga magulang ko. Alam kong hindi ko to kayang itago sa mga susunod na buwan lalo na paglumaki ang tyan ko pero ang kailangan ko munang pag tuunan ng pansin ngayon ay ang kalmahin ang sarili ko para hindi mapahamak ang bata sa sinapupunan ko.
Tumayo na ako at ganun din sya. “Uwi na tayo!” sabi ko sa kanya at sinabayan nya kong maglakad palabas ng ospital. Buong byahe namin tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa apartment na tinutuluyan ko. Inalalayan akong bumaba ni Erica hanggang sa makapasok kami sa loob ng apartment. “Ikukuha kita ng tubig” sabi nya at nag punta sa kusina para kumuha ng tubig. Umupo naman ako sa upuan at ipinababa ang bag ko sa lamesa. “Uminom ka muna!” sabi nya at inabot sakin ang tubig ng makabalik sya. “Salamat!” sabi ko at ngumiti ng pilit sa kanya. “Sam pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari?” tanong nya sakin at umupo sa tabi ko.
Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin kay Erica ang lahat pero alam kong nagtataka na sya kung bakit ako nabuntis at alam kong alam nyang hindi si Greg ang ama nito. “Erica may ginawa akong isang malaking pagkakamali!” sabi ko sa kanya at nagsimula ng tumulo ang luha. “Sam andito lang ako pwede mo saking sabihin ang lahat!” sabi nya at hinawakan ang kamay kong nanginginig. “This started when I was in Hawaii and Greg cheated on me. Nagkakilala kami sa Hawaii at sya ung tumulong sakin noong niloko ako ni Greg at hindi sinasadyang may nangyari sa aming dalawa! Nagising na lang kami parehas sa iisang kama at parehas na walang damit. Nag usap kami na kakalimutan na lang ang nangyari dahil isang pagkakamali yon. Tapos nitong nag anniversary ang firm para kaming pinaglalaruan ng tadhana at nagkita ulit at noong gabi na yon may nangyari samin sa ikalawang pagkakataon. Hindi ako nag iisip Erica! Ang tanga tanga ko!” umiiyak na sabi ko. Pinunasan nya ang mga luha ko “Sam hindi ka tanga okay!” umiling ako sa kanya. “Erica may mahal syang iba! May girlfriend sya! Anong laban ko don!” sabi ko at lalong umiyak. “Tapatin mo nga ako Samantha si Mr. Montero ba ng tinutukoy mo?” tanong nya sakin at tumango ako. “Sabi ko na eh! Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga nangyayari sayo nitong mga nagdaang araw bago ka pumunta sa Palawan! Lalo na nung anniversary, lasing man ako pero napansin ko ang pagiging malapit mo sa kanya! Samantha nag punta ng Palawan at kasama mo sya don! Umamin ka sakin may nararamdaman ka na ba sa kanya?”
Tiningnan ko sya sa mga mata na. “Pinipigilan ko Erica dahil alam kong hindi tama!” sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana sya ng tumunog ang cellphone senyales na may tumatawag kaya sinagot nya yon. “Hello Attorney Cy!” sabi nya at tumingin sakin. “Yes Attorney! Okay po pupunta na ko dyan!” sabi nya at ibinaba ang tawag. “Sige na umalis ka na kaya ko naman na!” sabi ko sa kanya. “Babalik ako mamaya!” sabi nya at kinuha ang gamit nya pero bago sya umalis may sinabi pa ako sa kanya. “Erica please wala sanang makaalam nito!” sabi ko sa kanya. “Kilala mo ko Sam, umasa kang walang makakaalam nito!” paninigurado nya sakin saka umalis na. Tumayo naman ako at pumasok sa kwarto ko at doon nahiga at tumingin sa kisame. Binalikan ko ang mga nangyari sakin nitong mga nagdaang linggo. Madalas akong mapagod, antukin, mag crave ng mga pagkain na hindi ko naman kinakain dati, naging sensitibo din ang pang amoy ko at madalas sumama ang timpla ko kaya nag susuka ako. Akala ko normal lang yon dahil masyado akong busy nitong mga nagdaang araw kaya hindi ko pinagtuunan ng pansin pero hindi pala. Hinawakan ko ang tyan ko at hinaplos ito. Hindi ko alam kung paano maging ina at paano haharapin tong mag isa. Kailangan kong tatagan ang loob ko para sa bata sa sinapupunan ko.
Napabangon ako ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yon at sinagot ang tawag. “Anak!” sabi sa kabilang linya. “Ma!” sabi ko.
“Kamusta ka na dyan anak? Hindi ka na nakakatawag samin ng papa mo! Na mimiss ka na namin!” sabi nya kaya unti unti naman tumulo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung dala ba to ng hormones ko at mabilis akong maging emosyonal. “Miss ko na din po kayo!” sabi ko at pilit hindi ipahalata ang pag iyak ko sa kabilang linya. “Anak kakain kang mabuti ah! Mag isa ka lang dyan at ang bilin namin sayo ng papa mo na wag basta basta nag tiwala sa hindi mo kilala!” sabi ni mama “opo ma!”
“Anak mo ba yang kausap mo?” narinig kong sabi ni papa sa kabilang linya. “Oo! Samantha anak gusto ka daw kausapin ng papa mo” sabi ni mama at ibinigay kay papa ang telepono. “Pa!” sabi ko at pinasigla ang boses. “Anak okay ka lang ba dyan?” Tanong nya sakin. “Opo ayos lang po ako dito pa!” sabi ko.
“Bakit parang umiiyak ka!”
“Hindi po Pa ayos lang po ako!” sabi ko at pinunasan ang tumutulong luha sa pisngi ko. “Sigurado ka anak?”
“Opo! Wag po kayong mag alala sakin kaya ko po ang sarili ko!” sabi ko sa kanila. “Eh kelan k aba uuwi dito baka mamaya pag uwi mo dito may apo na kami ah!” sabi ni mama kaya naman lalong tumulo ang mga luha ko sa sinabi nya. “Hoy ano ba yang sinasabi mo sa anak natin! Kaya sya asa maynila para magtrabaho hindi para mag asawa at magkaroon ng anak!” sabi ni papa kay mama.
Hindi ko alam ngayon kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang sitwasyon ko! Tama si papa andito ako sa maynila para magtrabaho hindi para magpabuntis sa taong may mahal ng iba! “Diba anak?”
“Opo pa!” sagot ko sa kanya, sa totoo lang ngayon pa lang nawalan na ako ng lakas na loob para aminin sa kanila ang pagbubuntis ko.
“O, sya sige na baka may ginagawa ka at nakakaistorbo kami! Paalam na mag iingat ka dyan ah mahal na mahal ka namin!” sabi nila. “Mahal ko din po kayo!” sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Pagkababa ng tawag doon na bumuhos ng walang humpay ang mga luha ko. Ano na lang ang sasabihin nila sakin pag nalaman nilang buntis ako at ang ama ay may kasintahan na. Anong klaseng gulo tong pinasok ko! Kahit ano man ang mangyari hindi ko papabayaan ang batang to! Tanggapin man o hindi ng mga magulang ko papalakihin ko ang batang to! Bunga man sya ng isang pagkakamali mahal ko pa din sya kahit anong mangyari at buo na ang desisyon ko. Bubuhayin ko ang bata ng ako lang.