Chapter 16
Her POV
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sanitary pad ko kaya napatakbo ako sa kwarto para tingnan ang phone at chineck ang period schedule ko. Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang ilan linggo na akong delayed ako simula noong may nangyari sa amin ni Treyton. Never pa akong na delayed sa period ko dahil hindi naman ako irregular. I was too occupied this past week’s kaya hindi ko na napansin. Napaupo na lang ako sa kama at nagsisimula ng kabahan. I need to calm down stay positive na baka irregular lang ako this month. Sabagay may nga pagkakataon kasi na pag nag tatravel ako nagiging late ang period ko! Ayoko ng mag isip ng kung ano ano dahil alam ko naman na hindi mangyayari yon! Tumayo ako at pumasok sa banyo para maligo para makapgpahinga na. Bukas babalik na ako sa manila dahil tapos naman na ang convention. Pagkaligo ko at pagkabihis agad kong inayos ang mga gamit ko sa maleta ko para bukas ng maga wala na kong iintindihin.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko pilit na bumabalik sakin ang mga nangyari sakin these past few days. Una na hilig ako sa burger pangalawa nag susuka ako at nahihilo pero hindi naman siguro basehan yon diba! Bumuntong hininga ako saka tumayo para kunin ang mga dokumentong pinirmahan kanina sa convention at inilagay yn sa hand carry bag ko kasama ng laptop ko. Suppose to be sa isang araw pa ang balik ko ng manila pero sa nangyari ngayon mas gugustuhin ko ng bumalik bukas. Wala naman na kasing event tomorrow! Free day na lang yon para sa mga participants pero para sakin gagamitin ko ang time na yon para bumalik na sa manila. Nang masiguro kong ayos na ang gamit ko nahiga na ko sa kama at pumikit na ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nag message sakin sa email.
From: Mr. Montero
Hi! Are you busy tonight? May gusto lang sana akong idiscuss about sa isang contract if you have a spare time tonight can we meet? I will pick you up!
Yan nag laman ng email nya kaya tumayo ako at kinuha nag mga papeles sa bag ko at nag palit ng damit saka nag ayos ng sarili at saka sya nireplayan. Tiningnan ko ang oras at medyo maaga pa naman. Seven o’clock pa lang naman pala. Nahapo siguro ako sa nagyari kanina sa event saka sa pagsusuka kaya gusto ko ng matulog pero kailangan kong magtrabaho kaya kesa matulog makikipag kita ako kay Treyton para sa trabaho.
To: Mr. Montero
Okay.
Reply ko at lumabas ng cavana para intayin sya sa labas. I waited maybe around thirty minutes before he arrived. Lumapit ako sa kanya at inabot ang mga folder. “Get in!’ sabi nya kaya pumasok ako sa sasakyan nya at nag drive sya papunta sa kung saan. “Where are we going?” tanong ko sa kanya. “Sa villa ko! Andon sila Alex at ang team!” sabi nya kaya tumango ako. Habang asa byahe kami medyo nahilo ako dahil sa amoy ng air freshener nya pero hindi ko na lang pinahalata sa kanya. Ayokong isipin nya na ang arte ko kaya tiniis ko na lang ang mabahong amoy ng air freshener nya.
Nang makarating kami sa Villa nya bumaba na agad ako at ang sumalubong samin ay si Mr. Romeo na kinuha nag dala ko. Pumasok kami sa loob at iginaya nya ko sa may sala kung saan andon ang iba nyang mga empleyado. “May problema ba sa kontrata?” takang tanong ko sa kanila ng makaupo ako. “We just need to verify something!” sabi nya kaya naman inilatag ko sa kanila ang mga papel na ibinigay nila sakin kanina at isa isa namin yon tiningnan. “Can I have water?” sabi ko sa kanila kaya naman inabutan ako ng tubig ni Alex. Medyo nahihilo kasi ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko. Inimom ko ang tubig na binigay ni Alex at bumalik na sa ginagawa. “Sir I already saw it” sabi g isa nyang tauhan at ipinakita kay Treyton ang isang kontrata. “This is the bulk order!” sabi ni Alex at inabot sakin ang papel.
“May problema ba dito? We can change it dahil hindi pa naman naka finalize to with attorney Cy! We can contact them to arrange another meeting!” sabi ko sa kanila dahil mukang magkakaroon sila ng problema dito. “No, we just need to verify kung tama nga na bulk order sila!” sabi ni Alex kaya tumango ako at inayos ang mga papeles na inilabas ko kanina. “May kailangan pa ba kayo?” tanong ko sa kanila ng matapos ayusin ang mga papel. “Can a have a word with you Samantha!” seryosong sabi ni Treyton kaya tumayo ako at sumunod sa kanya. “Mr. Montero may problema ba?” tanong ko sa kanya pero umiling lang sya at iginaya akong umupo sa harap nya. Andito kami ngayon sa may lanai. “Kung wala naman palang problema ano ang sasabihin nyo sakin?” tanong ko sa kanya. “I want to talk about what happened between us two weeks ago!”
Napabuntong hiniga ako sa sinabi nya. Akala ko ba okay na kami sa topic na yon? Kinalimutan ko na nga yon eh! “Ano pa bang pag uusapan natin tungkol don?” tanong ko sa kanya. Walang nakakaalam sa nangyari samin noong gabi na yon kaya dapat lang nakalimutan na! Kaya ko nga din sya iniiwasan! “alam kong ayaw mo ng pag usapan yon pero gusto ko lang na magkalinawan tayo” sabi nya sakin. Malinaw naman ang lahat sakin! Ang nangyari samin noong gabi na yon ay isang kasalanan! Hindi ako pinalaki ng magulang ko para nanira ng relasyon ng ibang tao kaya alam ko sa sarili ko na hindi dapat yon nangyari. “Malinaw para sakin ang mga nangyari Mr. Montero! Wala kang dapat ipag alala kung iniisip mo na ipagsasabi ko ang nangyari your wrong! Hindi ako ganung tao at alam kong alam mo yan dahil una pa lang sinabi ko na sayo na magkalimutan na lang tayo!” diretsong sabi ko sa kanya. “I know but don’t misunderstood me gusto ko lang humingi ng tawad sayo at kung may gusto kang kapalit you are free to tell me!” sabi nya kaya medyo natawa ako ng bahagya.
“I accept your apology pero hindi ako humihingi ng kapalit! Alam natin parehas na nagkamali tayo at nakagawa ng kasalanan at kung may pagkakataon ako gusto kong humingi ng tawad sa girlfriend mo. Don’t offer me anything kasi parang sa lagay na yon ipinagbili ko ang p********e ko!” sabi ko sa kanya saka tumayo. Medyo na offend lang ako sa huling sinabi nya about offering me something because of what happened. “Samantha don’t get me wrong hindi ganun ang ibig kong sabihin!”
“Alam ko! Treyton isa lang ang hihilingin ko sayo!”
“Ano yon?”
“When we go back let treat each other as a stranger tulad ng sinabi ko sayo sa Hawaii! Wag na din natin balakin pa na maging magkaibigan.” Nakangiting sabi ko sa kanya saka nag paalam pero pinigilan nya ko at may inilagay sa kamay ko. “Take it, Samantha!” sabi nya. “No Treyton, hindi ko matatanggap to! Hindi para sakin to!” sabi ko sa kanya saka umiling at ibinalik sa kanya pero hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. “Samantha please kahit ito na lang! Take the ring!” sabi nya kaya huminga ako ng malalim at tumango saka sya tinalikuran. Iniwan ko sya don at naglakad na palabas ng marinig ko si Alex na nagsasalita habang nanonod ng TV. “Ang ganda talaga ni Ms. Annabeth! Ang swerte ni Treyton sa kanya!” sabi nya na nagpalaki ng mata. Ibig sabihin sya ung girlfriend ni Treyton? “Oh Ms. Samantha tapos na kayong mag usap ni Treyton?” tanong nya sakin ng makita ako. “Oo tapos na!” Sabi ko at kinuha na ang gamit ko saka lumabas na ng vila. Hindi na ko nag abala pang magpahatid sa kanila at nilakad na lang ang daan papunta sa cavana. Tama lang ang desisyon ko na putulin na ang anumang ugnayan namin ni Treyton. Anong panama ko sa girlfriend nya? Magmumuka lang akong kaawa awa at pagtatawanan ng iba pag nalaman ang nangyari samin ni Treyton. Isang international model ang girlfriend nya na hinahangaan ng lahat! Sino ba naman ang isang hamak na tulad kong empleyado lang ang tatapat sa kanya.
Nakarating ako sa cavana ko ng hindi ko namamalayan. Pumasok ako sa loob at nagpalit ng damit saka dumiretso sa kwarto at nahiga sa higaan. Pinikit ko ang mga mata ko at nagpadala sa agos ng antok. Nakakapagod ang araw na to!
Kinabukasan na bigla ako ng bangon ng para bang hinahalukay ang sikmura ko kaya tumakbo ako papunta sa banyo at doon sumuka ng sumuka. Hindi na tama tong nangyayari sakin na to! Tumayo ako at nag mumog saka tiningnan ang sarili sa salamin. Medyo lumaki ang balakang ko at dibdib, namumutla din ako. Dali dali akong naligo at nagbihis saka lumabas ng banyo para kuhanin ang mga gamit ko. Kailangan kong bumalik ng manila para makumpirma kung ano ang nangyayari sakin. Ayokong mag isip ng hindi maganda sa katawan ko pero kinakabahan talaga ko. Nang masiguro kong dala ko na lahat ng gamit ko lumabas na ko ng cavana at sumakay sa shuttle service papunta sa main hall para mag check out. After kong mag check out sumakay na ko sa Van na maghahatid sakin papunta s Airport, habang asa byahe ipinagdadasal ko na sana pag dating ko sa manila maging okay ang lahat.
When I arrive at the airport nag check in lang ako at nag intay ng flightng biglang sumakit ang puson ko kaya nag tungo ako sa banyo. I felt relief ng may makita akong dugo sa underware ko, kinuha ko ang sanitary pad ko at nagpalit ng underware saka lumabas ng CR. Nakahinga ako ng maluwag! Akala ko kung may ano ng nangyari sakin dahil nga delayed ako pero buti na lang hindi dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin kung sakali.
Nang tinawag ang flight ko sumakay na ako sa eroplano at katulad nga ng dati sandali lang ang naging byahe ko pabalik. Lumapag ang eroplano namin ng ligtas at ligtas din kaming nakababa. Kinuha ko na din ang luggage ko at lumabas ng airport ng biglang sumakit ng sobrang sakit ang puson ko! Para kong sinusuntok kaya napahawak ako at napaupo na lang sa isang tabi dahil sa sakit na naramdaman. Ngayon lang nangyari sakin to everytime na nagkakaperiod ako normal naman lahat. Hindi ko na maintindihan ang sakit na nararamdaman ko kay ng may nakita akong isang airport personnel nanghingi na ako ng tulong. Unti unti na din kasing nanlalabo ang paningin ko at umiikot ang paligid ko hanggang sa nawalan na lang ako ng malay.
Nagising na lang ako na asa ospital na pala ako at naka dextrose. “Samantha okay kalang?” tanong sakin ni Erica ng makita akong nakagising na. “Erica anng nangyari sakin?” tanong ko sa kanya. “Nawalan ka daw ng malay sa airport buti na lang natulungan ka ng isang personnel don at tinawagan naman nila ko dahil ako ang asa speed dial mo.” Sabi nya sakin at inabutan ako ng tubig kaya tinanggap ko yon at ininom. “Anong sabi ng doctor? May sakit daw ba ko? Ang huli ko kasing naalala sobrang sakit ng puson ko dahil sa period ko kay ako nahilo”sabi ko sa kanya.
“Hindi pa bumabalik ung doctor na tumingin sayo kaya hindi ko pa din alam ang lagay mo. Nga pala ung gamit mo ipinadala ko na sa apartment tapos ung mga papeles sa opisina na para hindi ka na mag alala pa!” sabi nya sakin saka kinuha ang baso sa kamay ko at inilagay yon sa lamesa sa gilid. “Thank you!” sabi ko at sakto naman na may pumasok na dalawang doktor. “Good morning Ms. Villareal!” bati sakin ng isang doktor kaya ngumiti ako sa kanila. “Doc okay lang po ba ang kaibigan ko?” tanong ni Erica sa kanila. “You don’t have to worry she is fine, Normal lang ung mahilo sya sa kalagayan nya kaya I will refer you to Doctora Cruz! If you’ll excuse me I will leave you guys to talk” sabi nung isang doktor at iniwan kami kay Doctor Cruz, bumaling ako kay Doktora at nagtanong.
“Doc. May problema po ba?” tanong ko sa kanya at ngumiti lang sya. “You’re normal but you need to be very careful dahil sa nangyari sayo kanina, I will prescribe a supplementary vitamin for you para hindi na yon maulit dahil medyo diliakdo yon sa lagay mo ngayon. You just need to drink the medicine that I will give you para naman lumakas ka” sabi nya pero nagtataka na talaga ako sa nangyayari.
“Doc, hindi ko po talaga maintindihan! Ano po ba ang sakit ko? Bakit sumakit ng ganon ang puson ko?” nagtatakang tanong ko sa kanya.
“Ms. Villareal you are two weeks pregnant!” sabi nya na ikinabigla namin ni Erica.
I-I’m P-pregnant? Buntis ako?