Chapter 14

2863 Words
Chapter 14 Her POV Sandali lang ang naging byahe ko papuntang Palawan, mas matagal pa nga ang inintay ko sa airport kesa sa byahe. Paglapag ng eroplano sa Palawan medyo nakaramdam na ko ng konting pagkahilo dahil siguro sa byahe kaya ng makuha ko na ang maleta ko agad ko ng hinanap ang sasakyan kong magdadala sakin sa hotel na tutuluyan ko na kung saan din doon gaganapin ang convention. Buti na lang mabilis kong nakita ang service at nakaalis agad kami dahil ung bahagyang hilo ko kanina napapalitan na ng sakit ng ulo! Sandali lang ang naging byahe namin papunta sa hotel resort at madami naman staffs ang nag aasikaso sa mga guess nila kaya laking pasalamat ko ng mabilis nila kong asikasuhin at dalin sa Cabana na tutuluyan ko ng ilang araw. Ibinaba ko ang gamit ko sa lamesa at dumiretso sa kwarto para mahiga at magpahinga! Mabilis akong dinalawa ng antok at ng magising ako hapon na kaya agad akong bumangon, buti na lang bukas pa ang first day ng convention hindi ngayon. Napapansin ko na nitong mga nagdaan na araw ang bilis kong antukin at mapagod hindi katulad dati na kahit magpuyat ako kinabukasan kaya ko pa pero ngayon pag nalalapit ako sa higaan bagsak agad ako. Tumayo na ko at dumiretso sa maleta ko na iaayos ang gamit ko sa cabinet, isa isa ko syang sinalansan at ng matapos ako nagpasya akong lumabas para maghanap ng pagkain sa hotel. Buti na lang may map na ibinigay ang mga staff para sa bawat guess. Meron silang parang street food place na kung saan puro street food and local foods ang tinda! Nung nakita ko ang picture sa flyer parang gusto kong kumain ng seaweeds salad saka ng danggit at kanin! Biglang kumalam ang sikmura ko sa naisip kong pagkain kaya nagmadali ako sa paglalakd para mapuntahan yon. Pagdating ko sa lugar medyo madaming tao pero hindi naman crowded, sakto lang. Sumalubong na agad saking ang samo’t saring amoy ng mga pagkain na niluluto kaya naman lalo akong nakaramdam ng gutom. Agad hinanap ng mga mata ko ang seaweed salad at ng makita ko yon agad akong umorder for takeout, sandali lang ako nag intay at nakuha ko na ang sunod ko naman hinanap ay ang danggit! Buti na lang madaming natitinda ng inihaw ng danggit kaya mabilis lang akong nabili pati na din ang kanin. Nang mabili ko na ang gusto ko agad na akong bumalik sa cavana ko para doon kumain. Pagpasok ko sa loob sa lamesa agad ako dumirets at nilantakan ang binili kong pagkain. Nakakailang subo pa lang ako nung salad bigla na lang bumaligtad ang sikmura ko kaya napatakbo ako sa lababo para doon sumuka. Halos sinuka ko din ang kinain ko! Nang matapos akong magsuka nagmumog ako at uminom ng tubig saka naupo. Hindi yata nagustuhan ng tyan ko ang kinain ko kaya nag suka ako. Bumalik na lang ako sa kwarto at hindi na tinapos ang pagkain saka nahiga sa kama. Medyo sumama na din kasi ang pakiramdam ko nung magsuka ako. Hindi ko alam ang dahilan ng pagsusuka ko pero sana naman hindi yon ganun kalala. Pumikit na lang ulit ako saka nagpahinga, napagod ako sa pagsuka ko at wala naman na kong gana para bumalilk pa sa pagkain. Nakakaramdam ako ng medyo kakaibang pagbabago sa katawan ko dahil siguro puro trabaho na lang ang inintindi ko kesa ang sarili ko. Sa pagpikit ko na yon nag dirediretso na akong nakatulog at nagising na lang ako umaga na pala. Tumayo na ko sa higaan ko para mag ayos ng sarili dahil aattend ako ng convention mamaya kaya lumabas na ko ng kwarto para magtimpla sana ng kape ng hindi ko na naman nagustuhan ang amoy ng kape kaya hindi na lang ako kumain at gumayak na para sa convention na pupuntahan ko ngayong maga! Hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko at napapansin ko din na ung mga dati kong gustong kainin ay ayaw ko na ngayon tapos ung mga hindi ko kinakain un pa ung madalas kong hanapin! Ang weird talaga. Bago ko maghanap ng susuotin na damit tiningnan ko muna kung ano ang schedule ko at kung ano ang mga activities na gagawin sa convention mamaya. “Intoduction of participants” basa ko sa gagawin mamaya. Busy ako sa pagtingin ko ng schedule para mamaya ng may tumawag sakin kaya ibinababa ko muna ang hawak kong papel saka sinagot ang tawag. “Samantha!” “Cldye bakit?” casual na sabi ko sa kanya. “How was your flight and your stay?” pangangamusta nya sakin. “Okay lang and getting ready for today’s convention!” “Great, I already talk to the client na ikaw ang mag rerepresent ng firm for their adviser!” sabi nya sakin. “Okay pero hindi ko pa alam kung sino ung client! Ayoko naman na manghula pag dating don kung sino ung kakausapin ko!” sabi ko sa kanya. “Don’t worry you know him! You’ve met each other at the anniversary kaya isa din yon sa rason ko para ikaw ang ipadala dyan dahil you seem’s close to each other!” sabi nya kaya nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung sino ang tinutukoy nya! “Are you referring to Mr. Treyton Montero?” pagkumpirma ko sa kanya. “Yes! Kaya do your best! Bye!” paalam nya at ibinaba ang tawag. Pag nga naman pinaglalaruan kami ng tadhana! Sa dinami dami ng kliyente namin talagang si Treyton pa ang makakasama ko dito. Nagbihis na ko ng akmang damit para mamaya at nag ayos ng sarili saka ng mga gamit na dadalin ko mamaya. Sa totoo lang wala akong maihaharap na muka kay Treyton dahil sa nangyari saming dalawa pero gustuhin ko mang hindi pumunta at umalis na lang nakakahiya naman kay Clyde dahil sakin nya ipinagkatiwala to tapos aalis lang ako for personal reason! I will just act civil and focus on my works no personal feelings involve. Tiningnan ko ang oras sa relo ko at nang makita ko ang oras tumayo na ko at binitbit ang bag ko saka lumabas ng cavana para pumunta sa venue ng convention dito sa resort. Sumakay ako sa service shuttle nila papunta sa conferece hall at nang makarating ako don medyo madami ng tao. “Good day Ma’am” bati sakin ng isang usherette at iginaya ako sa registration booth para mag register. “May I see your invitation letter ma’am” sabi ng babae kaya kinuha ko sa bag ko ang binigay sakin ni Clyde na letter at ng makita nila yon pinapirma lang nila ko at iginaya na papasok sa loob. The usherette guided me until I reach my respective seat then she leaves me. Naupo na lang ako sa upuan ko at inintay na magsimula na ang convention. Asa isang round table ako at ang nakalagay na pangalan don ay ang pangalan ng company ng client namin which is Montero Empire, ibig sabihin eto ang kumpanya ni Treyton. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng brochure na nakalagay sa lamesa at tiningnan yon. May iba’t ibang furniture company na naka lagay at ang mga litrato ng produkto ng kumpanya nila. Dumako ang paningin ko sa produkto ng Montero Empire, they are famous for making a high-quality furniture, yet it is so delicate and beautiful. May iba’t ibang produkto din sila na ino-offer bukod sa pag gawa ng furnitures tulad ng cleaning soap para sa mga furniture nila at hindi lang sila kilala sa furniture industry kung hindi pati na din sa hotel chain! Sobarang lawak ng Montero Empire and they really deserve to be called an empire. Nagulat ako ng may biglang umupo sa tabi ko at kinuha ang hawak kong brochure. “Heyy---” reklamo ko pero hindi na natuloy ng makita ko kung sino ang gumawa non. Isang masayang ngiti ang ibinungad nya sakin kaya yumuko ako at binati sya ng pormal. “Good morning Mr. Montero, I’m here in behalf of Attorney Cy to represent him as your adviser for today’s event” sabi ko sa kanya at ngumiti. “You’re to formal Samnatha!” sabi nya sakin pero ngumiti lang ako at itinuon ang atensyon sa stage ng magsimula na ang program. Pilit kong ipinapaalala sa sarili ko kung bakit ako andito at un ay ang trabaho wala ng iba.  Medyo nakaramdam ako ng hilo kaya napahawak ako sa ulo ko. “Are you okay?” tanong nya pero ngumiti lang ako at ibinalik na ulit ang atensyon sa harap. Hindi kasi ako kumain kanina kaya siguro na hihilo ako. Uminom na lang ako ng tubig na isinerve kanina. Medyo guminhawa naman ang pakiramdam ko. Gutom nga siguro ito. The whole duration ng event kinakausap ko lang si Treyton kung related sa trabaho at wala ng iba. Nahalata nya siguro na umiiwas ako sa kanya kaya hindi na nya ko masyadong pinansin na ipinagpapasalamat ko naman. The event was just a half day, then tomorrow will be the whole day, introuduction lang naman kasi ngayon and we are free to check some of the sample piece of each company that join the convention. Nang matapos na ang lahat tumayo na ang iba para umalis at ganon na din ako ng may pumigil sa braso ko. “Bakit po Mr. Montero?” tanong ko sa kanya ng pigilan nya ko. “Alex mauna na kayo may pag uusapan lang kami ni Ms. Villareal!” sabi nya sa assistant nya kaya nagpaalam na ito at ngumiti samin kasama ng team nila. “Mr. Montero ano po ang pag uusapan natin?” tanong ko sa kanya at binawi ang braso kong hawak nya. Hindi naman sya nagsalita at hinila ko sa exhibit kung saan kaming dalawa pa lang ang tao dahil karamihan ng mga participants ay umalis para kumain ng lunch. “Mr. Montero!” tawag ko sa kanya at hinila ang kamay ko. “May problema ba tayo Samantha? You’re to formal!” sabi nya sakin. Ngumiti ako sa kanya at umiling. “Wala po tayong problema at ginagawa ko lang po ang trabaho ko! You are our client at hindi naman po maganda kung tatawagin ko kayo sa pangalan nyo!” sabi ko sa kanya. “Kung yon lang po ang sasabihin nyo sakin aalis na po ako at magkita na lang po tayo bukas para sa actual exhibit event.” Sabi ko sa kanya at tumalikod na. “Your avoiding me because of what happened two weeks ago!” sabi nya kaya huminga ako ng malalim at hinarap sya. “I’m not avoiding you Mr. Montero, I’m just being polite to our client and I am here for business and inbehalf of my boss, your legal adviser. Hindi naman po ata tama na mag usap tayo ng ibang bagay bukod sa trabaho! And if you will excuse me babalik na po ako sa cavana ko para magpahinga at kumain.” Sabi ko sa kanya at tinalikuran sya. Tulad ng sinabi ko ayoko ng mainvolve pa sa kanya at hangga’t maari gagawa ako ng paraan para iwasan lang sya. Hindi na tama na maging magkaibigan pa kami at mag usap na para bang walang nangyari samin dalawa. Isang malaking pagkakamali ang nangyari saamin sa Hawaii pero isang malaking katangahan naman ang nangyari samin two weeks ago! Isang katangahan yon dahil alam kong kahit nakainom kami non alam namin parehas ang ginagawa namin pero hindi kami tumigil. Ang pagkakamali hindi inuulit pag naulit yon hindi na yon pagkakamali, kasalanan na yon. Kaya bago pa ko makagawa ng bagay na pag sisihan ko titigil na ko. Lumabas na ko ng conference hall at doon ko naabutan si Alex ang assistant ni Treyton. “Hi Ms. Samantha” bati nya sakin kaya binati ko din nya. “Hi Mr. Romeo” bati ko sa kanya. “Si Treyton?” “Asa loob pa po, if you’ll excuse me aalis na po ako!” sabi ko sa kanya at akmang aalis na ng may magsalita sa likod ko. “Why don’t you join us for luch Ms. Villareal” sabi nya kaya lumingon ako sa kanila. “No thanks Mr. Montero!” sabi ko. “I insist! Join us” sabi nya at hinila ko papasok sa kotse nya at dinala sa isang restaurant sa labas ng hotel. Nang bumaba sya lumapit sya kay Mr. Romeo at may ibinulong, bumaba na din ako at sumunod sa kanyang pumasok sa loob ng restaurant. “Table for how many sir?” tanong sa kanya ng waiter. “Table for Two” sabi nya at inassist naman kami ng waiter at dinala sa lamesa namin. Akala ko kasama namin si Mr. Romeo. Ipinaghila nya ko ng upuan para umupo ako kaya umupo ako at sya naman pumunta sa kabilang side at umupo. Nag simula na syang umorder ng ibigay ng waiter ang menu samin. Tingnan ko sya at nagsalita “Akala ko kasama natin ang assistant mo.” Sabi ko sa kanya. “May iba syang aasikasuhin!” sabi nya at bumaling sa waiter. “I will have lamb steak and give us a red wine for drink.” “How do you want your lamb to be cook sir” “Medium rare please!” sabi nya at bumaling naman sakin ang waiter para kunin nag order ko. “I’ll have salt and pepper squid and lemon lime and bitters for the drink” sabi ko kasi bigla akong nag crave sa squid ng makita ko ung pictue nya sa menu. “Okay Ma’am, Sir thank you” sabi nya at umalis na at naging awkward na ang paligid namin dahil wala ng nagsalita samin ni Treyton. “Samantha if you keep ignoring me because of what happened two weeks ago, I want to apologize” he sa said “I’m not ignoring you, like what I said a while ago I am just being polite!” “By being formal! I though we’re friends?” “I think we should not consider the idea of being friends after what happened dahil hindi naman po ata maganda na maging magkaibigan pa tayo pagkatapos ng nangyari nayon” sabi ko sa kanya at biglang nanuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng tubig. “So inamin mo din na kaya ka umiiwas dahil sa nangyari!” “Mr. Montero---” he cut me off “Call me by my name!” sabi nya kaya napabuntong hininga ako. “Fine! Treyton ayoko na magkaroon kayo ng conflict ng girlfriend mo ng dahil sa nangyari! I’m living with guilt because of what happened. Kalimutan na lang natin yon and move on with our lives! Let’s be civil!” sabi ko sa kanya. “Samantha alam ko ang ginagawa ko!” umiling ako sa sinabi nya. “Hindi Treyton! Nadadala ka lang sa nangyayari! We should not see each other again at kung magkikita man tayo we are just associate!” sabi ko sa kanya at sakto naman na dumating na ung order namin kaya nagsimula na kaming kumain at wala ng nagsalita samin. I was just in middle of eating the squid ng makaramdam ako pagbaliktad ng sikmura. “Excuse me” sabi ko saka tumayo at nagpunta sa cr para don sumuka, sinuka ko sa sink ang kinain ko ngayon. Nang maisuka ko na lahat nag mumog na ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo maputla ako! Hindi talaga pwede sakin ung nabibigla ng kain dahil nagsusuka ko! Lumabas ako ng banyo at bumalik na sa table namin. “You look pale! Are you okay?” tanong sakin ni Treyton ng umupo ako. “Okay lang nabigla lang ako ng kain!” sabi ko sa kanya at uminom ng tubig pero hindi ko na ipinagpatuloy ang pagkain dahil masama na ang timpla ko at ayaw ng tanggapin ng sikmura ako ang order ko. Napatingin naman ako sa pagkain ni Treyton at biglang natakam! Sana pala yon na lang ang inorder ko! Nagulat ako ng bigla nyang kinuha ang plato ko at ipinalit sa plato nya. “Let’s exchange plate!” sabi nya. “Wag na okay lang ako!” tanggi ko pero ng maamoy ko ang pagakain nya natakam talaga ko! “I’m good saka napansin kong parang gusto mo ung pagkain ko kaya okay lang sakin!” sabi nya at kinain na nya ang pagkain ko kanina kaya naman kinain ko na din ang pagkain na ibinigay nya. Hmmmm ang sarap! Sabi ko sa sarili ko ng maisubo ko ang karne! Hindi ko namamalayan na naubos ko na pala ang pagkain nya dahil sa sobrang sarap. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din pala sya sakin. “Ang gana mong kumain! Ang sarap pagmasdan.” Sabi nya kaya napayuko ako dahil sa hiya. “Pasensya na at gutom lang talaga ko!” sabi ko sa kanya “Nothing to worry” he said at nag bill out na. Nagulat ako ng lumapit sya sakin at biglang pinunasan ang gilid ng labi ko. “May sauce ka sa labi.” sabi nya kaya naman namula ako sa hiya sa ginawa nya. Tinawanan nya lang ako at nagyaya ng umalis ng makuha na nya ang card nya. Sumakay kami sa kotse nya at  bumalik na kami sa hotel nag volunteer na din sya na ihatid ako sa cavana ko at wala akong nagawa kahit na tumatanggi na ko. Nang asa tapat na ko ng cavana ko bumaba na ko sa kotse nya at nagpaalam sa kanya. “Thank you!” hingi ko ng pasalamat. “Don’t ignore me and call me by my name not Mr. Montero!” sabi nya saka pumasok sa sasakyan bago pa man ako makasagot.Umalis na sya kaya naman pumasok na ko sa loob. Hindi ko alam kung nananadya ba ang tadhana para paglaruan kami dahil palagi kaming nagkikitang dalawa sa mga pagkakataon na hindi naman dapat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD