Chapter 13

2575 Words
Chapter 13 Her POV Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng may nangyari samin ni Treyton! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para tugunin ang mga halik nya at pumayag na may nangayri samin ulit! Hindi na ko nadala! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nag iisip! Isang katangahan na naman ang nagawa ko! Sana pala hindi na lang kami nagkitang dalawa! Bakit ba lagi na lang kaming pinagtatagpo ng tadhana at tuwing magkikita kami may hindi magabdang nangyayari! Alam ko kung hanggang saan lang ang limitasyon ko pero bakit hindi ko napigilan ang sarili ko! Mali ang nangyari! Ano bang pumasok sa isip ko para patulay si Treyton! Aaminin ko may gusto ako sa kanya dahil hindi naman sya mahirap gustuhin pero may girlfriend sya! Napasabunot ako sa sarili ko sa inis! Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari noong gabing yon pati na din ang nangyari samin sa Hawaii na kinalimutan ko na pero parang kabuteng bigla na naman sumulpot sa isip ko! Mabait si Treyton at habang nakasama ko sya ng kahit sandaling oras lang sa Hawaii masasabi kong hindi sya ung taong na nanakit ng babae katulad ni Greg kaya hindi ko masisi ang sarili ko kung bakit nagkaroon ako ng pagtingin sa kanya pero ngayon puputulin ko na yon at sisiguraduhin ko na hindi na magtatagpo ang mga landas naming dalawa at kung pagtugpuin man kami ng tadhana ako na ang unang iiwas! Kung ano ano na ang –tumakakbo sa isip ko at nakalimutan ko ng nagtitimpla nga pala ko ng kape kaya naman tinapos ko na agad ang pagtitimpla saka lumbas ng pantry. “Samantha!” napalingon ako sa tumawag sakin at nakita kong tumatakbong sinalubong ako ni Erica. “Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kanya ng makalapit sakin. “Hinahanap ka ni Attorney sa opisina nya!” sabi nya na ikinakunot ng nook o. Si Clyde? Bakit naman kaya “Sige, pupunta na ko!” sabi ko sa kanya saka inabot ang hawak kong mga kape na pinatimpla ng mga ka-opisina ko sakin. Umakyat ako sa office ni Attorney Cy at bago ko pumasok kumatok muna ko ng tatlong beses. “Come in!” sabi nya kaya pumasok na ko. Hindi ko alam kung bakit ako ipinatawag ni Clyde. Simula ng matapos ang anniversary ng firm ngayon na lang ulit kami magkikita. Isa din kasi sya sa iniiwasan ko dahil ayokong magkaroon ng chismis sa aming dalawa! “Attorney pinapatawag nyo daw po ako” sabi ko sa kanya. “Sit down, May importante akong sasabihin sayo!” sabi nya kaya at itinuro ang upuan sa harap nya para umupo ako kaya naman sinunod ko ang sinabi nya. “Attorney ano ang sasabihin nyo sakin?” takang tanong ko sa kanya at inintay syang magsalita.  “May natuklasan ako tungkol sa nangyari noong anniversary at concern sayo to!” sabi nya na ikinakunot ng noo ko. “Ano po yon?” tanong ko sa kanya. Imposible naman na tungkol to samin ni Treyton dahil walang nakakaalam na magkakilala kaming dalawa. Kahit na si Erica hindi ko sinabi at lalo naman kay Clyde, kahit na ba kaibigan ko silang pareho ayokong maungkat kung ano man ang namagitan samin ni Treyton. Kung kelan ko lang nalaman na isa pala si Treyton sa VIP client ng firm at si Clyde mismo ang legal adviser nila. Pag nga naman mapaglaro ang tadhana! “Remember the contest about the proposal project for the firm?” sabi nya pero si Sally ang nanalo don kahit na ba ako ang nagpakahirap na gumawa non. “Si Sally ang nanalo don kaya bakit ako ang pinatawag mo dito?” takang tanong ko sa kanya kaya naman may inilabas syang USB at papel sa drawer nya. “Yan ang proposal na sinasabi mong ginawa ni Sally pero hindi ako naniniwala na sya ang gumawa non. It is the same proposal to your own thesis project! Sa tingin mo magagawa ba ni Sally ang proposal na yon kung ang nilalaman non ay halos puro idea na galing sa thesis proposal mo noong college na tayong dalawa lang ang nakakaalam!” “Okay fine ako ang gumawa pero hayaan na natin kay Sally ang project na yan! Pag inilabas mo to Clyde magkakaroon lang ng gulo!” sabi ko sa kanya. Wala akong pakielam kung malaman nya na hindi si Sally ang gumawa o nakuha man sakin ni Sally ang dapat na sakin! Ayokong magkaroon ng gulo dahil lang don! “Samantha that was your idea not her!” “Walang maniniwala na ako ang gumawa non dahil wala naman tayong ebidensya saka hindi nya ninakaw yon! Ako mismo ang gumawa at nagbigay sa kanya dahil ipinagawa nya sakin yon!” “Samantha hahayaan mo na lang ba mawala ang bagay na pinaghirapan mo!” “Attorney Cy hindi naman buhay ko ang pinaguusapan! Kung sya ang nagkaroon ng credit sa project okay lang sakin dahil madami pa naman opportunity para sakin! Ayoko lang na magkaroon pa ng gulo dahil lang dyan! Let it pass!” sabi ko sa kanya. Umiiling na tinago nya ang flash drive at papel. Ibig sabihin non hahayaan na nya ang nangyari! “This is the last warning for you Samantha! Sa oras na maulit pa ang ganito gagawa na ako ng aksyon!” sabi nya kaya ngumiti ako sa kanya saka nagpasalamat. “Thank you” sabi ko at tatayo na sana ng pigilan nya ko. “Hindi pa natatapos dyan ang usapan natin kaya kita pinatawag dito.” “Ano pa ang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya. “Ipapadala kita sa Palawan for a four days convention!” “For what?” tanong ko saka Palawan? Malayo yon ah! “It is a business convention about furniture manufacturing! Alam kong may alam ka sa ganitong bagay kaya ikaw ang ipapadala ko don! All expense by the company and you will leave for tomorrow kaya mag under time ka na lang ngayon! I will talk to the HR about your under time at ang pag attend mo sa convention kaya wag kang mag alala!” sabi nya saka may inabot na envelope sakin kung saan nakalagay ang plane ticket and accommodation. “Bakit ako? You can choose sir Rolly or even Attorney Erica to attend the convention, pero bakit ako pa? Alam mo naman na isa lang akong administrative assistant dito sa firm at nakakahiya kung ako ang ipapadala mo!” sabi ko sa kanya pero umiling sya. “Ipapadala kita dahil may alam ka sa ganitong bagay! One of our clients will launch their new design and they will be part of the convention as their legal counsel kailangan kong magpadala ng tao ko na nakakaintindi sa ganong bagay! You grow up with that kind of industry kaya alam kong kaya mo!” sabi nya kaya wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang envelope saka nagpaalam at lumabas na ang opisina nya. Sa probinsya namin kilala ang pamilya namin doon sa pag gawa ng mga furniture at pagmamanage nito! But not my father! Hindi yon ang linya ng tatay ko. Isang engineer si Papa pero kahit na ganun alam ko pa din ang flow ng mga bagay tungkol sa mga furnitures, kahit na engineer si papa hinahayaan pa din nya ko noong bata ako na makielam sa pagawaan ng mga gamit noon kaya pamilyar ako sa kalakaran nito. Pero nang tumuntong ako sa kolehiyo at sa maynila nag aral kung saan ang kinuha kong kurso ay Political science hindi Architecture o Engineering na wala bigla ang focus ko sa bagay na yon. Itinuring ko na lang na parte yon ng pagkabata ko dahil iba na pagdating sa kolehiyo. I study Political Science para sana mag abugado pero pag hindi mo nga talaga calling hindi maibibigay sayo! Hindi na ko sumubok na ipagpatuloy pa ang pag aabugado kaya eto ako ngayon. Kung magkakaroon ako ng oras at pagkakataon gusto kong mag aral kahit pa tungkol na lang sa interior design, Huli ko na kasi nalaman na hindi pala talaga pag aabugado ang gusto ko. Pero wala akong pinagsisihan! Dumiretso ako sa desk ko para ayusin ang gamit ko at umalis na. Dumaan lang saglit ako sa HR para magpaalam tapos dumiretso na kong umuwi. Nang makarating ako sa bahay biglang kumalam ang tyan ko kaya nag hanap ako ng pagkain sa ref na pwede kong lutuin. Pagbukas ko ng ref ko biglang lumukot ang muka ko ng wala akong makitang pagkain na gusto ng tyan ko! I’m craving for some specific food pero wala ako non sa ref ko! Gusto kong kumain ng burger tapos fries and sundae! Ini-imagine ko pa lang ang mga pagkain na yon natatkam na ko kaya dali dali kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at nag dial ng fastfood delivery! Umorder ako ng dalawang burger, tatlong large fries at dalawang sundae! Nagpalit lang ako ng damit ko at lumabas na sa may sala para manood ng tv habang iniintay ang pagkain ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nag crave sa ganung pagkain pero dahil minsan lang naman sasagarin ko na. Inabot ng kalahating oras bago dumating ang order ko kaya naman ng may mag doorbell agad ko yong binuksan. Agad na nagningning ang mga mata ko ng makita ko ang pagkain. “Good day ma’am! Order for Ms. Samantha” “Yes!” “Here’s your order ma’am” sabi ng delivery boy at inabot sakin ang order ko, ibinigay ko naman sa kanya ang bayad ko at sinara ang pinto ng makaalis sya. Agad kong binuksan ang paper bag ng pagkain saka isa isang nilabas yon! Hmmm ang sarap! Naamoy ko pa lang nagugutom na ko! Agad kong nilantakan ang burger tapos ang fries na sinawsaw sa ice cream! Ang sarap nya! Enjoy na enjoy ako sa pagkain ko habang na nonood ako ng TV. Nanonood ako ng isang kilalang fashion show ng isang brand at manghang mangha ako sa mga nakikita ko. “Let me introduce to you our newest lead model! Annabeth!” sabi ng host at biglang lumabas ang babae at rumampa! Pinanood ko syang rumampa habang papalapit sya sa camera. Teka parang nakita ko na sya! Inisip ko kung saan ko sya nakita! “Ahhh sya ung babae na nagbigay sakin ng cardigan nya sa Hawaii noon! Model pala sya” manghang sabi ko at pinanood sya. Ang ganda nya talaga! Panigurado kong madaming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya dahil sa ganda nya at perfect ng buong katawan nya! She is everyman’s dream! Kung may boyfriend siguro sya panigurado kong napakaswerte nito sa kanya. Hindi ko namamalayan na naubos ko na pala lahat ng pagkain na binili ko! Ang lakas kong kumain ngayon. Tinapos ko lang ang pinapanood ko saka niligpit na ang pinagkainan ko, busog na busog ako! Ramdam ko ng ang laki ng tyan ko dahil sa dami kong kinain. Pagkaligpit ko pumasok na ko sa kwarto at nag ayos na ng gamit na dadalin ko bukas para sa convention. Mostly puro business attire ang dala ko at ilang casual clothes lang. Hindi naman bakasyon ang ipupunta ko don kung hindi convention to represent my boss. Pagkatapos kong mag pack ng gamit agad naman akong dinalaw ng antok kaya nagpasya akong mahiga na kahit na maaga pa naman! Paghiga ko sa higaan ko hinila agad ako ng antok kaya pumikit na ko at natulog. Bigla akong nagising ng parang hinahalukay ang sikmura ko kaya dali dali akong tumayo at dumiretso sa banyo para mag suka.  “Acckkkk” suka ko! Parang naisuka ko lahat ng kinain ko sa dami! Nang masiguro kong tapos na ko tumayo ako at nag mumog saka nag hilamos. Sobrang dami ko sigurong nakain kaya hindi kinaya ng simura ko at nagsuka ako! Lumabas na ko sa banyo at bumalik sa higaan ko, Kinuha ko ang cellphone ko at nang makita ko ang oras nagulat ako! Alas kwatro na pala ng madaling araw! Sobrang haba ng naitulog ko! Ngayon lang ako natulog ng ganon kahaba! Hindi na ko bumalik sa pagtulog at gumayak na para sa pag alis ko! Ang flight ko papunta sa Palawan ay nine o’clock in the morning kaya tama lang tong gising ko na to! Inayos ko ang mga papeles na dapat kong dalin at inilagay yon sa bag ko kasama ng laptop ko! Sa antok ko hindi ko pala naisara ang maleta ko kaya inasikaso ko pa yon. Nang masiguro kong ayos na ang lahat ng gamit ko lumabas na ko para magluto ng pagkain ko. Usually ang kinakain kop ag umagahan ay tinapay lang at kape pero ngayon nagluluto ako ng heavy breakfast dahil yon ang gusto ng tyan ko! Binuksan ko ang lalagyan ko ng kape para sana magtimpla pero hindi ko na nagawa dahil nabahuaan ako sa amoy ng kape! Weird pero ipinagwalang bahala ko na lang! pagkatapos kong magluto naghain na ako at kumain. Sobrang gana kong kumain ngayon pansin ko lang! Halos maubos ko na ang sinangag na niluto ko at ang ulam ko na tuyo saka itlog! Sabagay nakakamiss nga naman ang ganitong ulam! Sa probinsya kasi ganito lagi ang ulam namin dahil paborito to ni papa. Hinugasan ko ng ang pinagakinan ko at pagkatapos naligo na! Sandali lang akong naligo at agad akong naghanap ng damit na pwede kong suotin papuntang airport. Pinili kong mag pantalon na lang at mag suot ng simpleng shirt na isinakop ko at may dala na lang ako ng coat kung kailangan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nagsuot na ng contact lense! Hindi ko na kasi naasikaso na magpagawa ng salamin dahil sobrang occupied ng isip ko sa mga nagdaan na araw, pinili ko na lang din na mag suot ng sneakers kesa may takong na sapatos para kung magmamadali man ako hindi ako mahihirapan. Nang masiguro kong okay na ang sarili ko at nakapag ayos na din ako ng muka at buhok lumabas na ko ng kwarto bitbit ang mga gamit ko na dadalin papunta sa Palawan. Nag book ako ng taxi paputa sa airport at inintay yon! Maaga pa naman meron pa kong tatlong oras bago ang flight ko pero knowing here in our country na laganap ang traffic hindi ako pwedeng magpataan masyado sa oras. Nang maconfirm ko na andyan na ang taxi ko lumabas na ko ng apartment at nilock ito saka sumakay sa taxi! It took me about one-hour bago makarating sa airport dahil sa traffic kaya tama lang talaga na maaga ako. Bumaba na ako ng taxi saka nagbayad at pumasok sa airport para icheck in ang bagahe ko at ng matapos ako inintay ko lang ang tawag namin for departure dahil medyo maaga pa naman at may isa’t kalahating oras pa ko natitira! Umupo muna ko sa may vacant seat malapit sa gate ko at nagbasa ng ilang papeles tungkol sa convention. I was busy reading the notes ng may umupo sa tabi ko at kinalabit ako kaya tiningnan ko sya! “Hi Sam!” bati nya sakin at kumaway pa. Siya ung lalaking nagligtas sakin noong muntik na kong masagasaan! “Hi!” bati ko din sa kanya at ngumiti! “Saan punta mo?” tanong nya. “I’m off to a convention in Palawan” sabi ko sa kanya at ibinalik na ang atensyon sa pagbabasa. “Ay sayang! I was supposed to go to Palawan but suddenly my schedule change at sa Cebu na ako pupunta!” sabi nya. “Ahh okay!” sabi ko sa kanya. “See you when I see you” sabi nya at nagpaalam na dahil tinawag na ata ang flight nya. Nawala na sya sa paningin ko at kasuod non tinawag na din ang flight ko papunta sa Palawan kaya inayos ko na ang gamit ko at pumasok sa gate namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD