Chapter 19
Annabeth POV
Mahirap man para sakin pero kailangan kong iwan si Treyton para matupad ang pangarap ko dahil kung mananatili ako sa tabi nya noong araw na yon wala ako ngayon sa posisyon ko na to. Alam ko kung gaano nya ko gustong manatili sa tabi nya ng mga panahon na yon pero ang magiging kapalit ng pananatili ko ay ang matagal ko ng inaasam na pangrap kaya wala akong nagawa kung hindi ang iwan sya! Naintindihan naman nya ang rason ko at yon ang ipinagpapasalamat ko dahil sa daming beses ko syang nagawang iwan para sa pangarap ko nagawa pa din nya akong intindihin.
I was busy with my full packed schudele today at alam kong nawawalan na ako ng oras para kay Treyton pero kailangan kong magtrabaho at kailangan ko tong gawin dahil ito ang matagal ko nang pangarap. Alam kong hindi tama na iniwan ko si Treyton sa Hawaii pero kung hindi ko yon ginawa wala ako ngayon sa posisyon ko na to! Mahal ko sya pero mahalaga din sakin ang mga pangarap ko at hindi ko basta basta pwedeng talikuran yon! Alam kong maiintindihan nya ko at tanggap nya ang nangyari. Sa anim na taon naming pagsasama kilala nya ko at alam nyang sobrang halaga nito para sakin at hindi ko to kayang palagpasin pa. Bata pa lang ako pangarap ko na to at lahat gagawin ko matupad lang ang pangarap ko at hindi ko hahayaan na makuha pa to ng iba sakin! “Annabeth ready ka na ba para sa shoot mo?” tanong sakin ni Ges na syang tumatayong manager ko. “Yes, I’m ready” sabi ko sa kanya saka tumayo at lumabas sa tent para sa photoshoot na gagawin ko. Eto ang una kong project simula nang tinanggap ko ang offer sakin ng Star Agency, the number one modeling agency in the world and being part of this agency is one of my dream kaya hindi ako tanga para palagpasin to! After ng photoshoot ko na to mag sisimula na kong pumirma ng kontrata sa kanila bilang isa sa bago nilang talent at ambassador! “Next pose, Annabeth! Very good” sabi ng photographer ko kaya mas lalo ko pang ginalingan. Ginawa ko lang ang mga sinasabi nya ng matapos na kami! Gagawin ko ang lahat para maging maayos lang ang trabaho ko. “Great shoot!! Thank you, Annabeth, you really are a gem!” he said and bid his goodbye. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Bumalik na ko sa loob ng tent at doon nag palit ng damit para mamaya sa contract signing kung saan alam kong madaming press ang dadalo. “Are you ready for later?” tanong sakin ni Ges ng makapasok sya sa tent at tiningnan ako sa mga mata. “Of course, Ges! Alam mong matagal ko na tong pangarap!” sabi ko sa kanya at naupo at tumingin sa salamin. “Sabagay kaya nga nagawa mong iwan si Mr. Montero sa Hawaii diba!” kibit balikat na sabi nya sakin saka ako inabutan ng tubig na tinanggap ko naman at ininom. “Naiintindihan nya ang dahilan ko kaya ko yon nagawa sa kanya! Eto ang pangarap ko Ges at alam mo yon! Saka alam kong susuportahan ako ni Treyton dito sa ginagawa ko!” matapang na sabi ko sa kanya. Treyton love so much at alam kong hindi nya kayang mawala ako sa buhay nya at ganon din sya sakin.
“Hanggang kelan Annabeth? Hanggang kelan mo pipiliin ang career at pangarap mo kesa kay Mr. Montero?” tanong nya sakin kaya hindi ako makatiis at sinagot sya. “Ano bang gusto mong iparating sakin? Ayaw mo ba na pinili ko ang pangarap ko? Ayaw mo ba na sumikat ako at maabot ko ang mga pangarap ko?” inis na tanong ko sa kanya. “Hindi yon ang punto ko sayo Annabeth! Pinapaalalahanan lang kita dahil sa oras ba pumirma ka sa kontrata mamaya wala ng atrasan ang gagawin mo! Alam ko ang mga consequences nito!” Sabi nya saka lumabas at iniwan ako. Wala akong sinabi na aatras ako! Mahalaga para sakin to at wala ako dapat sayangin na pagkakataon ngayon! Pangarap ko to at hindi ako papayag na may makaagaw nito sakin! Mahal ko ang pangarap ko at matagal na kong nagsisikap para maabot to kaya wala akong gagawin na ikakasira nito!
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa salamin. “I will fight for my dream!” sabi ko sa sarili ko saka ngumiti at nag ayos para sa lakad mamaya. Wala na kong dahilan pa para umatras! I have the support of Treyton at yon lang ay mahalaga na! Speaking of Treyton matagal na noong huli namin pag uusap at simula non hindi na nasundan dahil sa sobrang busy ko at ganon din sya. Parehas kaming may ginagawa kaya hindi kami nakakapag usap. Inabot ko ang phone ko sa bag ko at sinimulan kong idial ang number nya para tawagan sya! I need to tell him to watch my interview and contract signing later. With just a few ring he pick up the phone. “Hi babe!” nakangiting bati ko sa kanya at itinapat sa muka ko ang phone. “How are you?” nakangiting tanong nya sakin. “I’m fine medyo busy today but I make some time to call you because I miss you so much!” lambing ko naman sa kanya kaya hindi mawala ang ngiti sa mga muka nya. “I miss you too!” sagot nya. “Do you still have work?” tanong ko sa kanya dahil naka business suit pa sya kahit gabi na sa kanila. “Yes, but we’re almost done!” sagot nya kaya tumango ako. “By the way I want you to watch the news later for my contract signing and interviews please watch okay! Magtatampo ako pag hindi ka nanood!” paawa effect ko sa kanya na alam ko naman na iiepekto! “I will watch and expect my flowers maybe later or tomorrow! Congrats in advance and I’m so proud of you!” masayang sabi nya na nagpangiti sakin. “Thank you, Babe,! You really are thoughtful!”
“Annabeth, we need to leave!” sabi ni Ges kaya naman agad akong nagpaalam kay Treyton “Babe talk to you maybe tomorrow okay! Bye I love you!” sabi ko and ended the call. Kinuha ko naman na ang bag ko saka sumunod kay Ges at sumakay sa service Van. “Where are we going?” tanong ko sa kanya at sumandal sa upuan. “Sa agency for the contract briefing!” sabi nya kaya tumango ako at nag ayos ng sarili! Hindi naman na nagtagal nakarating na kami sa agency at ang dami agad na tao at mga reporter na nag aabang sa labas kaya naman may mga security guard din na nakabantay. “You really are famous!” sabi ni Ges at sya na ang naunang bumaba kaya sumunod na ko at sa pagbaba ko ganun na lang ang pagdumog sakin ng mga reporters. “Ms. Annabeth what can you say about you are the new raising star?” isa lang yan sa mga tanong ng reporter sakin pero wala ni isa akong sinagot at dirediretsong naglakad papasok ng agency!
I didn’t bother to answers the question because I already have a exlusive interview later at doon ko na lang sasagutin ang mga tanong nila sakin. Dumiretso kami sa conference hall kung saan gaganapin ang contract signing with the big boss! Some of the staffs guided us to where we will seat later and what will happened with the flow of the signing and the interview. Any minute now magsisimula na ang lahat kaya nagpunta muna kami sa backstage to wait. We will be called by the host then the contract signing will be start! “Good evening ladies and gentlemen! We gathered here to welcome one of the newest raising start in our industry let us give Ms. Annabeth Baltazar a round of applause!” sabi ng host at narinig ko na ang masigabong palakpakan kaya confident akong naglakad palabas at pumunta sa pwesto ko. Umupo kaming lahat at nagsimula ng pumirma sa kontrata ng may mapansin akong isang condition na ikinakunot ng noo ko kaya bumulong ako kay Ges pero hindi ko ipinahalata sa harap ng press. “What is this condition?” tanong ko sa kanya at tininuro ang asa papel. “That is what I’m talking about a while ago! Asayo na lang kung aatras ka!” sabi nya kaya pilit akong ngumiti at bumuntong hininga at pikit matang pinirmahan ang kontrata. I know if Treyton will know this sasabog sya sa galit but I don’t have a choice as long as thecontract is valid wala akong magagawa plus this is just a one year contract! Hindi sya ganun katagal kaya alam kong magiging okay din si Treyton sa oras na malaman nya kung ano ang nakasaad sa kontratang pinirmahan ko. “Welcome Ms. Annabeth! You are now part of Star Agency!” masiglang bati sakin ng CEO ng agency at nakipag kamay sakin na malugod ko naming tinaggap.
“Let’s give them a round of applause!” sabi ng host at nagsipalakpakan naman ang lahat.
After we signed the contract nagkaroon muna ng konting picture taking saka sumunod na ang interview. “We would like to ask Ms. Annabeth what she want to say first!” the host said. “First of all I want to show my gratitude to everyone who came here! Thank you very much. As for the Star Agency and the people behind, thank you for accepting me to yor family! For my supporters thank you very much!” sabi ko at nag bow bilang simbolo ng pasasalamat sa kanila. “Now we may move on to the proper interview! Anyone from the audience can ask question!”
“Ms. Annabeth what can you say about you are the new raising star?”
“Well I’m not that famous like the veteran model but I’m flattered!”
“Another question Ms. Annabeth what can you say that you are the very first new model in your agency who will have the lead role in the upcoming product launch of the famous laxury brand?” he ask and I smile because of the question. “I’m thankful of course and yet nervous because this project is really big! I don’t want to screw up.” Sabi ko sa kanya at confident na ngumiti. I’m aiming for this project long time ago! “Okay who still want to ask question?”
“Ms. Annabeth what can you say about the rumors that you already have a long-time boyfriend?” I was caught off guard because of the question. Tiningnan ko silang lahat at lahat sila nag iintay ng isasagot ko kahit na ang mga tao sa agency. Huminga ako ng malalim saka ngumiti at sumagot. “It is just a rumor! I know well that I cannot enter a relationship especially now that I signed the contract! So please don’t mind that rumors! Can we move on to the next question?” sabi ko at inimom ang tubig sa lamesa na nakalaan sakin. “Okay! Anyone?”
“Ms. Annabeth what can you say about the rumored pictures about you and this guy!” sabi ng isang reporter at may pinakitang picture kung saan magkasama kami ni Treyton. Ang galing talaga nilang mag research bilid na ko sa kanila! “He is my friend and nothing special between us! Again, I have no time for relationship right now!” sagot ko sa mga tanong nila! “Did you really reject Mr. Montero?” bulong sakin ni Ges pero hindi ko sya pinansin at itinuon na lang ang atensyon sa mga reporter na nagtatanong.
The next questions are all about my work and my schudeles, I just answer them according to what I know! Tumagal ng dalawang oras ang interview bago natapos at ngayon asa isang welcome party kami ni Ges para sakin na in-organize ng agency. Kasalukuyang kaming asa isang sikat na bar para sa welcome party na ibinigay nila sakin. “Don’t drink to much Annabeth ayokong magsabog ka dito!” bulong sakin ni Ges kaya inirapan ko sya. I need this drink for pete sake! I was waiting for Treyton to call after the interview pero wala akong na receive na tawag galing sa kanya kahit na message wala din! Hindi ko tuloy alam kung masama ang loob nya sakin dahil sa nangyari sa interview pero I will just explain it to him when we talk. Hindi naman pwedeng umatras ako dahil lang don! Saka isang taon lang ang kontrata ko after that it’s either mag rerenew ako o hindi! Hindi ko naman ginusto na itago ang relasyon namin pero kailangan dahil nakalagay sa kontratang pinirmahan ko na hindi ako pwedeng pumasok sa isang relasyon hanggang sa matapos ang kontrata. Tulad nga ng sabi ko hindi ko hahayaan na may humarang sa pag abot ko ng pangarap ko, kahit pa nga mahal ko si Treyton mahalaga sakin to!