Chapter 20
His POV
Pagkaalis ni Samantha at pagkatapos nyang sabihin ang gusto nya sakto naman na may tumawag sakin at yon ay si Annabeth kaya agad kong sinagot ang tawag nya, sa totoo lang ngayon na lang sya tumawag sakin simula noong huling pag uusap naming dalawa. Parehas na kaming nawawalan ng oras sa isa’t isa hindi tulada dati. “Hi babe!” masiglang bungad nya sakin pag kasagot ko sa tawag. “How are you?” nakangiting tanong ko sa kanya.“I’m fine medyo busy today but I make some time to call you because I miss you so much!” lambing nya sakin kaya napangiti ako. “I miss you too!” sabi ko sa kanya dahil sa totoo lang na mimiss ko na sya dito sa tabi ko. “Do you still have work?” tanong nya sakin at tiningnan ang suot ko. Hindi pa pala ako nakakapag palit ng damit dahil agad naming inasikaso ang mga kontrata. “Yes, but we’re almost done!” sagot ko sa kanya. “By the way I want you to watch the news later for my contract signing and interviews please watch okay! Magtatampo ako pag hindi ka nanood!” sabi nya at may himig na lambing ang boses. “I will watch and expect my flowers maybe later or tomorrow! Congrats in advance and I’m so proud of you!” sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya. “Thank you, Babe,! You really are thoughtful!” masayang sabi nya. “Annabeth, we need to leave!” narinig kong sabi ni Ges sa kanya at nilingon naman sya ni Annabeth pagkatapos humarap sakin. “Babe talk to you maybe tomorrow okay! Bye I love you!” sabi nya at biglang pinutol ang tawag. As usual busy na naman sya at wala ng bago don. Kaya nga nya ako nagawang iwan sa Hawaii dahil sa trabaho nya. Ibinulsa ko na ang phone ko ng matapos ang tawag at pinagmasdan ang dinaanan ni Samantha kanina. Hinayaan ko na lang syang umalis dahil tama naman ang mga sinabi nya na hindi na dapat pa kami magkita! Parehas lang kaming mahihirapan sa sitwasyon kung patuloy pa kaming magkikita! May girlfriend ako at hindi ko dapat yon kinakalimutan, dapat si Annabeth na lang ang pag tuunan ko ng pansin. Huling araw na bukas na mag kikita pa kami ni Samantha dahil pagbalik namin ng Maynila sa isang araw wala na kong nakilalang Samantha. Dalawang beses na kong nagkakasala kay Annabeth at Samantha, ayoko nang maulit pa yon. Masyado akong nagpapadala sa damdamin ko at nakalimot ako sa mga bagay na hindi dapat. Naglakad na ko pabalik sa living room kung asaan sila Alex. “Boss umalis na si Ms. Samantha!” bungad nya sakin ng makita ako. Wala na din pala ang mga empleyado ko at tanging kami na lang ni Alex ang natira. “Alam ko!” sagot ko sa kanya at akmang aakyat na ng pigilan nya ko! “Uy hindi ka ba manonood ng interview ni Annabeth?” tanong nya kaya natigilan ako. Saglit lang na pumasok sa isip ko si Samantha nakalimutan ko na ang pangako ko kay Annabeth na papanoorin ko ang interview nya ngayon kaya naman humarap ulit ako kay Alex at naglakad patungo sa sala saka naupo sa sofa.
Nilakasan naman ni Alex ang TV para marinig naming dalawa dahil hindi sya ganung kalakas kanina. “Treyton sa tingin mo sasabihin ni Annabeth na may relasyon kayo?” biglang tanong ni Alex kaya napalingon ako sa kanya. “Bakit mo naman natanong yan?”
“Well sa nababalitaan ko kasi na karaniwan sa mga modelo ng Star agency bawal silang pumasok sa isang relasyon!”
“Annabeth called me a while ago at wala naman syang nabanggit saka why would she agree to that nonsense! Alam ko na hindi nya ako itatangi kung sakali man maungkat ang relasyon namin sa interview mamaya!”
“Sabagay!” kibit balikat na sabi nya at itinuon ang atensyon sa panonood at ganon na din ako. Hindi pa naman nagsisimula ang contract signing at puro mga advertisement pa lang ang pinapalabas na kung saan si Annabeth ang modelo. Nag intay lang kami ng sampung minute saka nagsimula na ang press con para sa contract signing nila pero hindi ko pa nakikita si Annabeth tanging ang CEO pa lang ng Star Agency at si Ges ang asa stage. “Good evening ladies and gentlemen! We gathered here to welcome one of the newest raising start in our industry let us give Ms. Annabeth Baltazar a round of applause!” the event started ng magsalita ang host kung saan pinakilala nya si Annabeth at lumabas naman ito galing sa backstage na nakasuot ng fitted dress na talagang hapit na hapit ang katawan nya. Nakangiti nyang sinabulong ang mga tao at naupo na sya sa pwesto nya at nagsimula na silang pumirma. “Treyton bakit natigilan si Annabeth?” tanong ni Alex kaya tiningnan ko si Annabeth na palihim na nakipag usap kay Ges saka ngumiti sa camera. She stops for a second and sigh then she continues signing tha contract. After that tumayo na sila sa gitna at binati sya ng CEO ng agency “Welcome Ms. Annabeth! You are now part of Star Agency!”
“Let’s give them a round of applause!” sabi ng host at nagsipalakpakan naman ang lahat. “We would like to ask Ms. Annabeth what she want to say first!” the host said. “First of all, I want to show my gratitude to everyone who came here! Thank you very much. As for the Star Agency and the people behind, thank you for accepting me to yor family! For my supporters thank you very much!” pasalamat nya sa lahat at nag bow saka bumalik sa upuan nya.
“Now we may move on to the proper interview! Anyone from the audience can ask question!”
“Ms. Annabeth what can you say about you are the new raising star?”
“Well I’m not that famous like the veteran model but I’m flattered!”
“Another question Ms. Annabeth what can you say that you are the very first new model in your agency who will have the lead role in the upcoming product launch of the famous luxury brand?” someone from the audience ask.
. “I’m thankful of course and yet nervous because this project is really big! I don’t want to screw up.” Sagot nya saka tumawa ng bahagya. She wants that project so much kaya nga iniwan nya ko sa Hawaii noon!
“Okay who still want to ask question?”
“Ms. Annabeth what can you say about the rumors that you already have a long-time boyfriend?” biglang tanong sa kanya ng isang reporter kaya natigilan sya. Iniintay ko naman ang magiging sagot nya! “Eto ang sinasabi ko sayo!” sabi ni Alex sa isang tabi pero hindi ko sya pinansin at itinuon lang ang atensyon kay Annabeth at sa isasagot nya. Hindi pa kami umaabot sa punto na idedeny nya ko at ganun din ako sa kanya kaya gusto kong malaman ang isasagot nya sa tanong sa kanya. “It is just a rumor! I know well that I cannot enter a relationship especially now that I signed the contract! So please don’t mind that rumors! Can we move on to the next question?” parang isang bomba ang naging sagot nya na sumabog sa puso ko! “Boss!” hindi makapaniwalang sabi ni Alex sa tabi ko pero nanatili lang akong tahimik.
“Okay! Anyone?”
“Ms. Annabeth what can yu say about the rumored pictures about you and this guy!” another reporter asks a question about that topic pero ngayon may picture ng pinakita at kahit pa nakatalikod kami alam kong ako ang kasama nya! What will be your answer this time Annabeth? Talaga bang itatanggi mo ko?
“He is my friend and nothing special between us! Again, I have no time for relationship right now!” sagot nya!
Gusto kong magpaparty sa tuwa sa naging sagot nya kaya padabog akong tumayo at pinatay ang TV. “Treyton!”
“Not now Alex!” inis na sabi ko at umakyat sa taas. Talaga lang Annabeth? Nothing special between us? Anong tawag nya sa anim na taon namin pagsasama? She just denies me in the international television! For what? Para sa career nya? Pinili pa din nya ang career nya kesa sa mararamdaman ko!
Nahiga na lang ako at pumikit! Ayoko ng mag isip pa, sobra na ang nangyari sa araw na to! From Samantha to Annabeth Interview! I’m exhausted. Napadilat ako ng mag ring ang telepono ko kaya bumangon ako at umaasang si Annabeth yon para magbigay sya ng explenasyon sa ginawa nya pero bigo ako dahil hindi sya ang tumawag. “Hello!”
“My dear cousin I saw the interview!” bungad sakin ng tumawag kaya nakilala ko na sya dahil isa lang naman ang pinsan ko.
“Zico if you will just pest me, I don’t have time to talk to you!” inis na sabi ko saka pinatay ang tawag. But again, dahil nga makulit sya tumawag ulit! “What?” sigaw ko sa kanya.
“I just want to say that expect Abuela’s call tomorrow morning!” sabi nya at sya naman ang pumatay sa tawag. Right! Si Abuela, paniguradong sermon ang aabutin ko sa kanya! Hindi pa kami nakakapag usap simula nong pinagalitan nya ko tungkol sapag iwan sakin ni Annabeth sa Hawaii, what more kung ngayong itinaggi nya ko. Bumalik na lang ako sa pagkakahiga at natulog ., bukas ko na poproblemahin lahat!
Kinabukasan nagising ako dahil sa katok at tawag ni Alex kaya naman bumangon ako at pinagbuksan sya ng pinto. “What?”
“The chairwoman wants to talk to you!” sabi nya kaya naglakad ako pabalik sa higaan at kinuha ang cellphone ko para tawagan si Abuela. “Treyton asa baba si Chairwoman!” sabi nya kaya nilingon ko sya. “Ano?”
“Asa baba si Chairwoman hinahanap ka!” sabi nya at lumabas ng kwarto. Napasapo naman ako sa ulo ko! Bakit pa pumunta si Abuela dito! Ibinagsak ko sa kama ang cellphone ko at naghilamos sa banyo saka binaba si Abuela.
Naabutan ko syang sumisimsim ng tsaa nya sa living room at nang makita nya ko agad nyang binaba ang tasa saka ako iginaya para maupo sa harap nya. “Abuela---” she stops me by pointing her finger kaya hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. “Alex, please leave us for a moment!” baling nya kay Alex. “Yes, madam!” sabi nya saka lumabas ng bahay kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Abuela. “I’m so disappointed, Treyton!” matigas na sabi nya at seryosong tumingin sakin habang umiiling. “She maybe has a reason, Abuela.”
“Matagal ko ng sinabi sayo na hindi nya bibitawan ang pangarap nya para sayo kaya hanggang maaga pa Treyton gumawa ka na ng hakbang para iwan sya!”
“Abuela!”
“Treyton mag isip kang mabuti! Why would she deny you in front of everyone kung mahal ka talaga nya kesa sa career nya!”
“Ayokong mag talo tayo Abuela para lang sa bagay na to! I will handle my own relationship kaya please Abuela wag mo ng pakielaman!” sabi ko sa kanya, ayokong mag away kami dahil lang dito.
“Fine pero this is my very last warning to you Treyton!” sabi nya at tumayo. “Ihahatid na kita Abuela!” sabi ko sa kanya. “Babalik tayong dalawa sa Maynila ngayon din!” sabi nya sakin at naglakad palabas ng bahay.
Hinayaan ko na lang si Abuela at umakyat na ko sa taas para ayusin ang gamit ko at maligo. Paglabas ko ng banyo nag bihis agad ako at aalis na dapat hanggang sa dumako ang tingin ko sa isang red velvet na box at dinampot ko yon. Eto ung pinaglagyan ng singsing! bumuntong hininga ako at iniwan na lang ang lalagyanan na yon sa kama. Wala naman na syang laman dahil na kay Samantha na! Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na puntahan o tawagan sya, dito ko na tinatapos ang lahat.
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba kung asaan si Alex na nag iintay sakin. “Tara na!” sabi ko saka inabot ang gamit ko sa kanya saka lumabas at sumunod naman sya. Sumakay na ko sa kotse ni Abuela at umalis ng resort saka nag tungo sa airport para bumalik sa maynila. “When we return focus on your work and the contracts! For the mean time don’t call your so-called girlfriend!”
“Abuela!”
“Do what I say! Hayaan mo syang siya ang tumawag sayo at magpaliwanag hindi ikaw ang laging nag hahabol sa kanya!” sabi nya at hindi na ko kumibo. Alam kong may point si Abuela sa sinabi nya. Buong byahe papunta sa airport wala ng nagsalita samin hanggang makarating kami sa airport at makabalik sa maynila.
Naghiwalay na kami ng sasakyan ni Abuela pagdating sa maynila dahil dumiretso ako sa kompanya at sya naman ay umuwi na. “Alex contact Attorney Cy to finalize the contracts and send it to us as soon as possible and give this feedback to him!” sabi ko kay Alex at mabilis na pumasok sa opisina ko at naupo sa swivel chair ko at tumingala saka hinilot ang sintido ko.
I sigh and continue working. “Alex come inside!” sabi ko sa kanya sa intercom at bumukas naman ang pinto saka iniluwa non si Alex at lumapit sakin. “Bakit boss?” tanong nya ng makalapit sakin. “Send this paper to the finance department and ask them to make an updated report!” sabi ko saka inabot ang tatlong folder sa kanya. “Okay boss!”
“Give this to the production team and ask them to do their job as fast as they can with no single mistake!”
“Okay boss” sabi nya at akmang lalabas ng pigilan ko sya. “Hindi pa ko tapos!” sabi ko saka may inabot pang folder sa kanya. “Abuela need to sign those and send it to the factory!” sabi ko “Okay na ba boss?” tanong nya at tumango ako saka sya umalis. Buong maghapon akong nagtrabaho at walang inintindi kung hindi trabaho hanggang sa gumabi na kaya tumayo ako at tumingin sa labas ng opisina ko kung saan tanaw ang buong maynila. “Still no call from Annabeth!” sambit ko at pinagmasdan ang buong paligid.
Kinalimutan na yata talaga ko!
LUMIPAS ang ilang araw puro trabaho ang inatupag ko at walang inintindi kung hindi ang trabaho ko. “Boss according to Attorney Cy ready na daw po ang contracts!” sabi ni Alex sakin.
“Good! Dumaan na tayo don bago bumalik sa kompanya, kindly notify him.” Sabi ko sa kanya kaya doon kami nag punta. It took us about twenty m,inutes before we arrive because of the traffic. Dirediretso kaming pumasok ni Alex at sumakay ng elevator para pumunta sa opisina ni Clyde. “Did you nofity him that we’re coming?”
“Yes boss, iniintay na daw nya tayo sa opisina nya!” sabi nya. Lumabas na kami ng bumukas ang elevator at bumungad samin ang secretary ni Clyde at pinapasok kami sa loob. “Mr. Montero!” bati nya ng makita kami ni Alex. “Have a sit!” sabi nya at iginaya kami sa mini living room nya.
“We came here to have the documents” sabi ko at umupo, ganun din si Alex.
“The documents are ready! But can I offer you a coffee or tea?”
“I’ll have coffee” sabi ko
“Same!” sagot naman ni Alex.
Ngumiti sya samin at tinawagan ang kung sino saka tumayo para lapitan kami at umupo sa kaharap na sofa na inuupuan namin ni Alex. “Eto na lahat ng mga kontrata na binigay sakin ni Samantha na nang galing sa Palawan.” Sabi nya at inilapag sa lamesa ang mga kontrata. Kinuha naman yon ni Alex saka tinabi.
Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok ang secretary nya na may dalang kape saka inilapag yon sa lamesa sa harap namin. “Thank you for trusting Samantha with this thing!” sabi nya at ngumiti samin. “She did her job and she’s good with it!” sabi ko at ininom ang kape ko. “Muka nga kaya nga pag balik nya dito sa ospital sya dumiretso Maybe she did a lot of work to accomplish the given task.” Sabi nya kaya kumunot ang noo ko saka tiningnan sya. “What are you talking about?”
“Don’t get me wrong Mr. Montero hindi ko sinasabi na napagod sya dahil sa inyo. May tendency kasi na ganun si Samantha pag nasosobrahan sa trabaho nag bablack out na lang bigla.” Kibit balikat na sabi nya.
“Is she okay?” curious na tanong ko sa kanya. Alam kong hindi dapat ako mag tanong pa pero gusto ko lang malaman kung ano ang lagay nya. “She’s fine don’t worry asa baba sya nag tatrabaho if you want pwede natin syang ipatawag!” sabi nya pero tumanggi ako. “No need!” sabi ko.
We both agree to cut the connection with each other. “Boss may nag iintay daw sa inyo sa opisina!” bulong sakin ni Alex kaya tumayo ako at nagpaalam na kay Clyde. “Thank you for these and we will go” sabi ko at nakipag kamay, tinanggap naman nya yon.
Lumabas na kami ng opisina nya at sumakay ng elevator. “Dapat pala hindi na natin tinawag nung gabi si Ms. Samantha!” sabi ni Alex sa gilid ko kaya tiningnan ko sya. “She’s fine!” sabi ko at naunang lumabas sa kanya ng elevator ng bumukas yon sa ground floor. Dirediretso lang akong naglakad ng may mabungo ako at nalaglag lahat ng dala nya kaya tinulungan ko syang pulutin yon without knowing kung sino ang nabungo ko. “Sorry!” sabi nya at nanlaki ang mata ko ng mabosesan ang tao na yon pero bago pa man ako makapagsalita ay dumako na ang tingin ko sa dalawang bagay na nahulog sa lapag at agad na dinampot yon at tiningnan mabuti.
Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita kung ano ang nakasulat sa black and white na litrato at sa isang bagay na kasama nito. “Uy akin na yan!” sabi nya at inagaw sakin ang hawak ko at nabigla sya ng makita ako. “T-treyton!” gulat na bulalas nya at tumingin sa hawak naming dalawa na ultrasound at pregnancy test kit. Doon pa lang alam ko na ang ibig sabihin ng mga ito.