Chapter 21

3140 Words
Chapter 21 Her POV Tulala ako sa kwarto ko habang tinitingnan ang singsing na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Treyton para ibigay sakin to at tinanggap ko naman. Bumuntong hininga ako saka tumayo para gumayak dahil kailangan kong pumunta sa OB ko ngayon para mag pacheck up kaya nag paalam ako sa firm na hindi papasok ng umaga at mamayang hapon na lang papasok dahil may emergency. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pupunta ako ng OB kaya ako mag hahalf day. Ang oras ng check up ko ay ten o’clock kaya binilisan ko ang kilos dahil eight thirty na ng umaga eh baka ma-traffic pa ako kaya mainam ng maaga akong umalis dito sa bahay kesa naman malate ako sa appointment ko. Pagkatapos kong magbihis at maigayak ang gamit ko lumabas na ko ng apartment at pumara ng taxi papunta sa ospital. Tama nga ang naging desisyon ko na maagang umalis dahil nakarating ako sa clinic ng OB ko ng saktong ten o’clock kaya naman pinapasok na ako ng nurse na naka assign. Pagpasok ko sinalubong agad ako ni Doctora at iginaya sa ultrasound room. “Pakinggan mong mabuti ang heartbeat ni baby!” sabi ni Doctora at sinimulan na nyang gawin ang ginawa nya sakin katulad ng dati nyang ginawa. Tulad ng sabi nya pinakinggan kong mabuti ang heat beat ni baby. “Malakas ang baby mo!” masiglang sabi ni Doktora ng marinig namin ang heart ng bata. Unti unti ng nang gigilid ang luha ko dahil don. “Look at the screen, ayan ang baby mo!” sabi ni doktora at itinuro ang maliit na bagay sa screen. Ngumiti naman ako habang pinagmamasdan.  “Okay tulad ng dati bibigyan kita ng print out ng ultrasound picture!” sabi nya at inayos na ako at inalalayan para tumayo. Sumunod ako sa kanya palabas ng kwarto at pumunta sa lamesa nya. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ni Doktora. “Doc, Normal lang po ba na halos araw araw ay nag susuka ako saka nakakaranas ng pagkahilo?” tanong ko kay Doktora dahil nitong mga nag daan na araw wala akong ginawa kung hindi ang sumuka at lagi akong nahihilo sa trabaho buti na lang wala pa naman nakakahalata sa mga ka ospisina ko. “Normal lang yon pero bibigyan pa kita ng reseta ng gamot para don!” sabi nya at nag sulat saka inabot sakin yon. Pumasok naman ang isang nurse at may inabot kay doctora. “Eto na ung ultrasound picture ni baby mo!” sabi ni Doc at inabot sakin yon na malugod ko naman tinanggap. Nagbilin lang si Doktora ng mga bawal kong gawin at kainin saka nagpaalam na ko at umalis. Sa opisina na ako dumiretso ng sumakay ako sa taxi. Habang asa daan patungo sa opisina tinititigan ko ang ultrasound picture ni baby. “Congrats po Ma’am sa baby!” bati sakin ng driver ng taxi. “Salamat po manong.” Ngiting sabi ko sa kanya. Nakarating ako ng ligtas sa firm at pinagbuksan pa ng pa ako ng pinto ng sasakyan ni Manong. Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa loob ng firm itinago ko naman sa bag ko ang ultrasound picture ni baby kasama ng pregnancy test ko habang inilagalagay ko yon sa bag ko hindi ko sinasadya na may makabunggo kaya nalaglag ang bag ko pati na ang laman non.  Mabilis ko naman yong pinulot sa lapag at humingi ng paumanhi sa taong nabunggo ko. “Sorry!” hingi ko ng paumanhin sa kanya at tumulong naman sya sa pagpulot ng gamit ko ng maamoy ko ang isang pamilyar na amoy. Mabilis kong pinulot lahat ng gamit ko at nang makita ko na nakalaglag din pala ang ultrasound picture at pregnancy test ko agad ko yong dinampot pero naunahan ako ng taong nabangga ko kaya naman kinuha ko yon sa kanya at tayo ko “Uy akin na yan!” sabi ko sa kanya at ganun na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko kung sino ang nakabangga ko at may hawak ngayon ng ultrasound at ng pregnancy test ko. “T-treyton” gulat na sambit ko at tiningnan ang ultrasound picture at pregnancy test na hawak namin parehas. Mabilis kong inagaw yon sa kanya at itinago sa bag ko. “Sorry!” hingi ko ng paumanhin sa kanya saka yumuko at naglakad palayo pero pinigilan nya ko kaya napalingon ako sa kanya at sa kamay kong hawak nya ngayon. Hindi tama to! Bakit sa dinami dami ng tao na pwede kong makabangga ngayon bakit si Treyton pa?  kahit itanggi ko sa sarili ko na hindi nya nakita ang ultrasound picture at ang pregnancy test wala ding silbi dahil sa higpit ng hawak sakin ni Treyton ngayon alam kong may gusto syang malaman. Magsasalita na sana ko para bitawan nya ko ng biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya buong lakas ko syang tinulak at tumakbo papunta sa banyo dito sa ground floor at pumasok sa isang cubicle para doon sumuka ng sumuka. Halos maisuka ko na ata lahat ng kinakin ko kaninang umaga pati na din noong sa hapunan. Nang wala na kong maisuka napasandal ako sa pader habang hinahabol ang hininga. Nag flush na ako ng toilet saka lumabas ng cubicle at nagmumog. Buti na lang walang tao ngayon dito, dahan dahan akong lumabas ng banyo at nagulat ako na ang unang bumungad sakin paglabas ko ay si Treyton kaya naman napaatras ako pero napigilan nya pa din ako. Sa totoo lang natatakot ako sa mga mangyayari ngayon, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari! “Samantha!” sambit nya. “Mr. Montero I need to leave and with all due respect sir we are not that close for you to hold my hand that tight so please let go of me!” tinapangan ko ang sarili ko kahit na sa totoo lang ay nangangatog na ang mga tuhod ko sa kaba pero kailangan kong umalis dito! “We need to talk!” seryosong sabi nya na lalong nag pakaba sakin. “Wala po tayong dapat pag usapan. Regarding about the contracts I already did my job and Attorney Cy will be the one who will handle it!” sabi ko at pilit inaalis ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ko dahil walang dumadaan dito ngayon kaya hindi kami nakikita o walang nakakapansin saming dalawa. “Alam mong hindi yan ang gusto kong pag usapan natin Samantha!” mariing sabi nya pero umiling ako. “Wala po dapat tayong pag usapan pa!” sabi ko sa kanya at buong lakas na binawi ang kamay ko at ng mabawi ko yon tumalikod na ko sa kanya at naglakad papunta sa elevator ng magsalita sya ulit na nagpatigil sakin ng tuluyan. “Buntis ka Samantha at dapat lang na mag usap tayo tungkol sa batang dinadala mo dahil malinaw sakin na ako ang ama ng batang asa sinapupunan mo base sa ultrasound result mo!” sabi nya kaya kahit na may kaba sa dibdib ko dahan dahan ko syang nilingon at sinalubong ang mga mata nyang nakatingin sakin. Iniyukom ko ang kamao ko saka nagsalita. “We both agree to act like stranger and never meet again kaya wala akong alam sa sinasabi mo Mr. Montero!” “Cut the act Samantha! Kailangan nating mag usap tungkol sa bata! Wag mong paaubutin na gumawa ako ng paraan maisama ka lang ngayon kahit na labag sa loob mo! Makakagawa ako ng eksena dito kapag hindi ka sumama sakin ngayon at nakipag usap!” pananakot nya sakin. “Hindi mo yon gagawin!” “Try me Samantha!” sabi nya at unti unting lumapit sakin kaya naman umatras ako hanggang pader na ang naatrasan ko at na corner nya na ko. “Let’s talk and we’re done!” sabi nya kaya bumuntong hininga ako bago nag salita. “May trabaho ako!” sabi ko sa kanya at kinuha nya ang phone nya at may tinawaga. “Attorney Cy can you please excuse Ms. Villareal for a while I just need to talk to her…. She’s with me!” sabi nya sa kausap nya so tinawagan nya si Attorney Cy para ipagpaalam ako, ipinapanalangin ko na wag sanang pumayag si Clyde ng makaalis na ako. “Okay Thank you Attorney!” sabi nya at ibinaba ang tawag saka bumaling sakin. “He agreed!” sabi nya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya palabas ng opisina at sumakay sa kotse nya. Ngumiti sakin si Mr. Romeo at nagsimula ng mag drive. Tahimik lang ako buong byahe kahit na din sya hindi nagsasalita hindi ko alam kung saan ako dadalin ni Treytom at kung ano ang balak nyang gawin sakin. Biglang huminto ang sasakyan sa isang building at bumaba si Treyton kaya bumaba na din ako. “Leave the two of us and handle the person in the office waiting for me, I need to deal with this important matter!, We will talk later!” sabi nya kay Mr. Romeo at hinila ako papasok ng building at isinakay sa elevator hanggang sa huminto yon sa isang floor at lumabas kami saka pumasok sa isang condo unit na hula ko ay sa kanya. Naglakad sya papasok at nakasunod lang ako sa kanya hanngang sa huminto sya at pinaupo ako sa sofa. “Kelan mo pa nalaman?” tanong nya agad ng makaupo sya sa harap ko at tiningnan ako sa mga mata pero nag iwas ako ng tingin. “Treyton, we have a deal na hindi na tayo mag kikita or mag uusap, kaya please hayaan mo na lang ako!” sabi ko sa kanya at kinuha ang mga gamit ko saka tumayo pero hinawakan nya ko sa braso para pigilan. “Samantha, this is a serious matter! Buntis ka!” “Hindi ko itatangging buntis ako Treyton pero this is none of your business anymore!” sabi ko at inalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko. Wala naman na dapat kaming pag usapan dahil tinapos na namin lahat sa Palawan. “Hindi Samantha dahil alam kong ako ang ama ng ipinagbubuntis mo!” madiing sabi nya. “Paano ka nakakasiguro na ikaw ang ama nito? Gaano mo ba ko kakilala para masabi yan Treyton?” tanong ko sa kanya “Samantha, kahit na maigsing panahon lang tayo nagkasama alam kong hindi ka ganung klaseng babae! Birhen ka ng maangkin kita at hindi lang isang beses ang nangyari sating dalawa!” sagot nya sakin pero ayoko talaga syang makausap sa totoo lang. “Basehan ba yon Treyton?” “Para sakin oo, Samantha! Don’t make it hard for the two of us.” “Kaya nga diba sabi ko paalisin mo na ko! Okay sige, ikaw nga ang ama nitong dinadala ko pero Treyton may girlfriend ka at hindi ko kayang sirain ang relasyon mo sa kanya dahil lang na buntis mo ko!” “That is the reason why we’re here to talk!” sabi nya at hinawakan ako sa balikat at pinaupo ulit. Tumabi sya sakin at hinawakan ako sa mga kamay. “Treyton isipin mo na lang na wala kang nakita at wala kang alam, kaya ko naman buhayin ang bata na wala ka sa tabi! Hindi nya kailangan na makilala ka.” “That is ridiculous! Anak ko yan Samantha tapos ayaw mong makilala nya ko!” sabi nya at tumayo. “Kasi nga magiging komplikado lang ang lahat, lalo na sayo! You have your own life to live with.” “Kahit na Samantha! Sa sinabi mo para mo na ding sinabi na hindi na lang ako makielam at walang gawin!” “Yon nga Treyton! Wala ka dapat gawin, pabayaan mo na lang ako dahil yon naman ang dapat! Hindi kailangan ng bata na makilala ka pa.” “Samantha alam mo ba kung gaano kahirap ang lumaki ng walang ama? Bata pa lang ako namatay na ang mga magulang ko at tanging is Abuela lang ang nagpalaki sakin kaya alam ko kung paano mangulila sa magulang lalo na sa ama! Kaya Samantha wag mong ipagkait sa anak natin na maging parte ako ng buhay nya!” tumayo na din ako at tiningnan sya sa mga mata. “Sige papayag ako Treyton pero kaya mo bang iwan si Annabeth para samin ng bata? Kaya mo ba syang bigyan ng buong pamilya? Kasi Treyton kung hindi wag na lang!” Ayokong lumaki ang anak ko na mahihirapan lang dahil may ibang pamilya ang ama nya! Ayokong dumating ang araw na magtatanong sya kung bakit hindi kami magkasama ng tatay nya! Okay lang sakin na lumaki sya ng walang ama at hindi na kikilala si Treyton kesa naman balang araw masaktan lang sya dahil walang oras ang ama nya sa kanya. “Masyadong mabigat ang gusto mo Samantha!” “I’m not demanding anything Treyton! Ikaw ang may gusto na makilala ka ng bata!” “Oo gusto ko syang makilala pero hindi tayo aabot sa punto na makikipag hiwalay ako kay Annabeth! And how did you know na sya ang girlfriend ko?” “I overheard Alex while watching the news but don’t worry walang makakaalam! Ayoko din naman na maghiwalay kayong dalawa kaya pwede hayaan mo na lang ako sa gusto ko na lumaki sya na wala ka! Gugulo lang ang lahat hindi para sating lahat, lalo na sa inyo ni Annabeth! She’s a superstar at hindi maganda na malaman ng lahat kung magiging mag asawa kayo na may anak ka sa labas!” mariing sabi ko sa kanya at binalot kami ng katahimikan parehas kaya nag desisyon na kong umalis at tinalikuran sya. We live in one world with different path but never meant to interact! Magkaibang magkaiba ang daan na tinatahak namin! Mag kaiba kami ng mundong ginagalawan at malayong malayo ako sa kanya kaya hindi dapat mag krus ang landas namin pero anong magagawa ko pinaglaruan kami ng tadhanang dalawa at eto ang naging bunga! Hindi ko naman kayang baguhin ang lahat ng nangyari na. “We will have an agreement!” biglang sabi nya na nagpahinto sakin kaya nilingon ko sya. “Anong ibig mong sabihin?” “We will have a deal!”  sabi nya. “Legally?” tanong ko. “Yes! Everything will be done in a legal process and we will both sign it!” sagot naman nya. “Sabihin mo ang gusto mong mangyari at makikinig ako.” Sabi ko sa kanya at umupo, ganon din sya. “Kung ayaw mong pumayag na makilala ko ng bata sana naman kahit makalapit at makita sya pwede!” “Ganon din yon Treyton! Kung makakalapit ka sa kanya.” Sabi ko saka umiling. “Hindi ganon Samantha, Malalapitan ko sya at mahahawakan pero hindi ko sasabihin na ako ang ama nya. Asa tabi nya lang ako pero hindi bilang ama kung hindi bilang kaibigan mo! Masakit man para sakin na hindi ako kilalanin ng anak ko bilang ama nya pero sana naman kahit ito lang pagbigyan mo ko! Alam mong hindi ko kayang bitawan si Annabeth kaya kahit ito lang!” paliwanag nya. Alam ko naman na mas matimbang sa kanya si Annabeth at wala ng hihigit pa don, lalo nya lang pinatunayan ngayon. “Payag ako! Apelido ko ang dadalin ng bata.” Sang-ayon ko sa gusto nya. Mukang eto lang ang paraan para magkasundo kami sa sitwasyon naming lahat. As long as walang makakaalam nito, maayos ang lahat. “You do the written agreement saka natin pirmahan!” sabi nya at inabutan ako ng papel at ballpen. “Hindi, Parehas nating gawin. Magbibigay ako ng condition at ganon ka din para fair sating dalawa.” Sabi ko sa kanya saka tinanggap ang papel na inabot nya saka nagsimula ng mag sulat, ganon din ang ginawa nya. Sinulat ko lang ang mga gusto kong mangyari para saming dalawa. Ayokong maging komplikado ang lahat ang importante sa ngayon ay hindi ung nararamdaman ko! Hindi ako selfish na tao para gamitin ang pagkakataon na to para sa nararamdaman ko sa kanya dahil ngayon pa lang pinipigilan ko na kung ano ba tong namumuo sa puso ko. Nang matapos ko ng isulat inilapag ko sa lamesa at ganon din sya. “In my condition, simple lang naman ang gusto kong mangyari Treyton. Una hindi dadalin ng bata ang apelido mo, Pangalawa wala tayong dalawang magiging koneksyon bukod sa bata, pangatlo papayagan kita na makita o makausap sya without knowing that you are his/her father, third walang pakielaman sa personal life ng bawat isa! Magtatrabaho ako until I can at hanggang hindi halata ang tyan ko,lastly no feelings involve with the two of us dahil parehas lang tayong mahihirapan!” yan ang mga kondisyon ko pero sino ang niloko ko sa huling kondisyon ko kung ako may namumuo ng feelings sa kanya na nilalabanan ko lang. “Eto naman ang akin, First you will let me see the kid every time I want to see him/her, Second no one will know about this condition and about the child, Third I will be part of your pregnancy journey and I can decide on your safety and everything!, fourth if the condition number two does not happened, automatically this deal is null and void! And lastly no feelings involve!” sabi nya saka namin pinagsama ang papel at parehas na pinirmahan. “Ikaw ang magtago at mag ayos nito dahil alam ko naman ka ikaw ang may kaya!” sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at itinago ang papel, inayos ko na ang gamit ko saka tumayo para umalis. Wala naman ng dahilan para manatili pa ko dito. Tapos na ang pag uusap naming dalawa tungkol sa bata. “Saan ka pupunta?” tanong nya. “Magtatrabaho!” sabi ko sa kanya. “You can rest today at bukas na pumasok!” “Nag usap na tayo diba asa deal natin---” hindi nya ko pinatapos sa sasabihin ko “Alam ko pero sinabi din sakin ni Clyde na pwede ka ng hindi pumasok ngayon! Kaya rest okay!” sabi nya. “Okay uuwi na ko!” “Ihahatid kita ng makasiguro ako at ng malaman ko na din kung saan ka tumutuloy!” sabi nya kaya hindi na ko nakipagtalo pa para hindi na humaba ang usapan. Lumabas kami ng condo unit nya at bumaba sa parking lot at doon kami sumakay sa isa nyang sasakyan! Itinuro ko na lang sa kanya ang daan papunta sa apartment ko at hindi na nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay na tinutuluyan ko. “Dito ka talaga nakatira?” takang tanong nya at inilibot ang paningin sa paligid. “Isang simpleng empleyado lang ako kaya don’t expect to see me in a nice village!” sabi ko sa kanya at bumaba na pero sinundan nya ko. “what?” “I’m just checking the place if it is safe!” sabi nya at nauna pang pumasok sa apartment ko kaya sinunda ko sya. Naabutan ko syang tinitingnan ang buong paligid ng apartment. “Expect tomorrow that you will leave this place!” “We have a deal na walang pakielaman diba? Walang pang 24 hours ang deal natin sumusuway ka na!” matapang na sabi ko at lumapit naman sya sakin saka ako tinitigan sa mata. “Parte din ng deal natin na pwede akong mag desisyon ng gusto ko at pumayag ka don!” “Treyton sobra na!” sabi ko sa kanya at umiling. “Hindi Samantha, Para sa inyo to! So, pack your things and I will fetch you tomorrow morning at sa maayos na bahay ko kayo ititira ng anak ko!” sabi nya saka umalis. Napaupo na lang ako sa upuan dahil sa gusto nyang mangyari! Sana maging okay ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD