Chapter 11
Her POV
“I’m Zico Montero Legaspi” pagpapakilala nya at inilahad ang kamay na tinanggap ko naman. “Samantha Vera Villareal” pagpapakilala ko sa kanya. “What a beautiful name for a beautiful lady.” Nakangiting sabi nya kaya lumabas ang dimples nya.
Tiningnan ko ang sasakyan ni Treyton pero hindi ko na nakita kaya laglag ang balikat ko at napabuntong hininga. Nakita ko na sya at may pagkakataon na sana kong maibalik sa kanya ang singsing nya. “Bakit parang malungkot ka? Hindi ka ba masaya na niligtas kita?” nagulat ako sa kanya dahil ang lapit ng muka nya sakin kaya napaatras ako pero namali ako ng tapak kaya hinila nya ulit ako para hindi ako mahulog kaya napayakap sya sakin at ganun din ako para kumuha ng suporta. “I save you twice!” he said then wink kaya agad naman akong umayos ng tayo at lumayo sa kanya.
“Salamat sa pagligtas sakin!” sabi ko sa kanya at tinalikuran sya para pumasok na sa hotel ng pigilan nya ko. “Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Pwede ko bang malaman ang cellphone number mo?” tanong nya sakin.
“Hindi ko binibigay ang number ko sa kakikilala ko pa lang!” sabi ko at dirediretsong pumasok sa loob ng hotel at pumunta sa venue.
“Samantha saan ka ba nag punta? Hinahanap ka ni Ma’am Lisa” salubong sakin ni Erica.
“Bakit daw may problema ba?” kinakabahan na tanong ko sa kanya at hinanap si Ma’am Lisa.
“Wala naman pero hinahanap ka!” sabi nya kaya iniwan ko muna sya don at hinanap na si Ma’am Lisa, Nakita ko sya na kausap si Attorney Cy at sila sir Rolly kaya dahan dahan akong lumapit sa kanila at binate sila. “Good evening po” bati ko saka yumuko. “Good thing that you’re here Samantha! Gusto ka namin i-congratulate dahil ang ganda ng naging flow ng event! You did a great job!” sabi ni ma’am Lisa at inabutan ako ng isang baso ng champagne at nakipag toast.
“Thank you po” sabi ko sa kanila at ngumiti. Para sakin isang malaking achievement ang nagawa ko para sa event na to. Masakit man na nadaya ako ni Sally sa ginawa nya pero may isang magandang pangyayari naman ang pumalit.
Ininom ko ang ibinigay sakin ni Ma’am Lisa na champagne saka nag paalam na sa kanila. Ayokong masyadong magtagal na kausap sila dahil asa akin na naman ang mga mata ng mga ka workmates ko! “Samantha wait!” pigil saki ni Clyde. “Bakit?” takang tanong ko sa kanya at lumingon sa paligid.
“Can I have this dance with you?” tanong nya at biglang nagbago ang tugtog sa isang sweet na kanta. “Clyde!” mahinang sabi ko saka umiling sa kanya pero hinawakan nya lang ang kamay ko a dinala ako sa gitna para isayaw.
Narinig ko naman ang ilang bulungan ng tao kaya napayuko ako! “Don’t listen to them” sabi nya habang sumasayaw kami. May ilan na din na sumasayaw kasama namin dito sa gitna.
“Hindi ka pa din nagbabago magaling ka pa din magsayaw” sabi nya sakin “Ikaw magaling ka pa din mangbola” umiiling na sabi ko sa kanya kaya tinawanan nya lang ako.
Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw ng bigla nya akong iikot at napunta ako sa ibang kapareha at paglingon ko sa kanya may iba na din syang kasayaw. Nilingon ko kung sino ang taong magiging kasayaw ko at nagulat ako ng makita ko kung sino yon. “Mukang pinagtatagpo tayo ng tadhana Samantha!” sabi nya at isinayaw ako.
“Treyton” pabulong na sabi ko! “Ako nga!” nakangiting sabi nya. Diba umalis na sya? Nakita ko syang sumakay ng sasakyan kanina at umalis kaya paanong andito sya ngayon sa harap ko at isinasayaw ako.
“Mukang hindi ka ata masaya na makita ako?” tanong nya.
“Hindi, nagulat lang ako na makita ka dahil wala naman dahilan para magkita pa tayo” sabi ko sa kanya “Wala na nga pero anong magagawa natin kung pinagtatagpo tayong dalawa! Who whould have tought na dito pa kita makikita!” nakangiting sabi nya at isinayaw ako hanggang sa matapos ang tugtog.
Iginaya nya ko sa may veranda kung saan wala masyadong tao, Tahimik lang kaming dalawa at nakatingin sa kalangitan nang magsalita ako.
“Treyton”
“Samantha!”
Sabay namin sabi “Ikaw muna” sabi nya kaya nauna na kong magsalita pero bago yon kumuha muna ko ng isang wine sa waiter na nagdaan saka ininom yon. “Treyton may gusto akong sabihin sayo!” sabi ko sa kanya.
“Go on” sabi nya at kumuha din ng isang baso ng alak sa isang waiter na nag daan. “Gusto ko sana sayong ibigay to” sabi ko saka kinuha sa maliit kong bag ang singsing nya. “Hindi ko alam kung paano sya napunta sa kamay ko pero alam kong hindi yan para sakin kaya gusto kong isoli sayo!” mahinahong sabi ko sa kanya saka kinuha ang kamay nya at isinoli ang singsing na hawak ko. “You could just have keep it!” sabi nya pero umiling ako. “Gaya nga ng sabi ko, hindi para sakin yanTreyton! Para yan sa girlfriend mo! Kung iniisip mo na ibigay sakin yan bilang kabayaran sa nangyari wag na! We both know na aksidente lang ang nangyari at walang may gusto sa ating dalawa non!”
“Tama ka! Pero kasalanan ko kung bakit na punta sayo tong singsing na to!” sabi nya saka inangat ang singsing. “Ha?”
“Hindi mo na siguro maalala pero ako naalala ko ng makita ko ang mga litrato natin!” nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. May litrato kami? “Wag kang kabahan ung picture na sinasabi ko sayo ay nung napunta sayo ang singsing! Hanggang don lang” sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag, akala ko may ibang pang litrato noong araw na yon.
“Paano nga ba napunta sakin ang singsing?” Tanong ko sa kanya saka sya nilingon at tiningnan sa kanyang mga mata. “Well parehas tayong lasing at dahil nawala sa isip ko na sabihan ang hotel na hindi na tuloy ang proposal, noong magkasama tayo sa may dalampasigan ang akala ng manager ikaw ang girlfriend ko nung makita tayo kaya tinawag nya tayo sa stage! Sa dala na din ng kalasingan kaya nag propose ako sayo nung mga oras na yon!” natatawang sabi nya at ako naman pilit na inaalala ang mga nangyari pero wala talaga kong maalala. “Kung hindi mo maalala wag mo ng alalahanin pa!” sabi nya.
“Pasensya na hindi ko talaga maalala!” hingi ko ng paumanhin sa kanya. “I we could be friends”
“Bakit mo naman naisip na maging kaibigan ako? Hindi ba ang awkward para satin?” sabi ko sa kanya pero umiling sya.
“Sabi mo ibaon na natin sa limot ang nangyari kaya wag mo ng isipin yon! Ipagpalagay na lang natin na hindi tayo sa Hawaii nagkakilala kung hindi dito sa party na to!” sabi nya at inilahad sakin ang kamay. “I’m Treyton Duke Montero and I would like to be friends with you” nakangiting sabi nya kaya iiling iling na tinanggap ko ang kamay nya. “Samantha Vera Villareal!” nakangiting sabi ko at pinakawalan ang kamay naming magkahawak. “Let’s drink for that!” sabi nya at inangat ang basong hawak at ganon din ako.
Who would have known na magkikita nga kami ulit na dalawa pagkatapos ng nangyari! Mabait na tao si Treyton at walang babaeng hindi mahuhulog sa kanya sa unang tingin pa lang lalo na pag nakilala pa sya ng lubusan, pero alam kong wala akong karapatan na mahulog sa kanya dahil may ibang babae syang minamahal. Gulo lang ang mangyayari kapag nahulog ako sa kanya.
“Bumalik na tayo sa loob” sabi ko sa kanya saka nag iwas ng tingin. “Sige” sabi nya at sabay kaming bumalik sa loob. Nagkahiwalay kaming dalawa ng may lumapit sa kanyang isang businessman at ako naman nilapitan ni Erica. “Kanina ka pa nawawala tapos susulpot na lang bigla! Saan ka ba pumupunta?” tanong nya.
“Wala dyan lang! Bakit may problema ba?”
“Walang problema! Hinahanap lang kita! Tara at samahan mo kong uminom” sabi nya saka ako hinila sa may bar counter kung saan andon ang ilang mga kaopisina namin kagaya ni Sally. “Uy Erica! Samantha join kayo!” sabi nila kaya lumapit kami ni Erica don.
Naabutan namin silang nakapalibot at nakaupo kaya humila kami ng upuan ni Erica at sumali na din. “Ano bang ginagawa nyo?” tanong ni Erica.
“Katuwaan lang saka wala naman masyadong tao dito kaya pwede tayong maglaro!”
“Sige join kami ni Sam” sabi nya at sinimulan na nila ang laro na hindi ko man lang alam kung ano! Ang nakikita ko lang ay may bote sa gitna ng lamesa at mga alak sa paligid. “Ipaiikot mo na yan!” sigaw ni Sally kaya lumingon ako sa paligid dahil nakakahiya kung may mga client’s kami tapos ang ingay namin. Buti na lang at malayo kami sa mismong event kaya kahit sumigaw si Sally o sino man samin walang makakarinig.
Sinimulan ng paikutin ni Eric ang bote ng may tatlong taong lumapit samin. “Mukang nagkakasayahan kayo ah!” Nahinto kaming lahat ng makita namin si Attorney Cy at ang kasama nya ay si Treyton at may isa pang lalaking hindi ko kilala. “Attorney sali kayo!” sabi ng magaling kong kaibigan na mukang may tama na yata ng alak dahil nagawa nyang yayayin ang boss namin! “Why not” sabi ni Clyde at bumaling kila Treyton.
“Mr. Montero why not let us join them! Ikaw din Alex!” sabi nya kila Treyton at kumuha ng upuan at tumabi kay Erica. “Okay!” sabi ni Treyton at tumabi sakin at ung isang kasama naman nila ay tumabi naman sa pagitan namin ni Erica.
“Okay simulan na natin!” sabi nila kaya pinaiikot na ulit ang bote at huminto yon kay Erica. Tiningnan ko sya at game na game naman sya! “So ano na gagawin?” tanong nya!
“Truth or Drink?” tanong ni Eric kay Erica, so bali Truth or Dare pala pero instead of dare ang gagawin ay iinom na lang ng alak na pinaghalo halo! “Drink para masaya!” sabi nya kaya inabot sa kanya ni Erica ang isang baso ng alak na puno at ininom nya yon. Seryoso ba sya? Pero knowing her mataas ang alcohol tolerance nya kaya medyo sisiw lang un sa kanya. “So ganun lang ang game?” tanong ni Clyde
“Yes, attorney so game na po ulit” sabi ni Sally at sya naman ang nagpaikot ng bote at tumapat yon kay Kely at pinili nya ay Truth kaya napaamin sya ng wala sa oras tungkol kay Eric kaya ayon hiyang hiya sya. Nagpatuloy lang ang laro hanggang sa silang lahat ay natapan na at ako na lang ang hindi. Tiningnan ko si Treyton na tatlong beses ng natatapatan at tatlong beses na din nyang iniimom ang halo halong alak. “Okay ka lang?” bulong ko sa kanya at tumango lang sya.
Nilingon ko naman ang mga kasama namin sa lamesa at lahat sila nakainom na nung alak ako na lang ang hindi! “Game na ulit! Nadadaya tayo ni Samantha hindi tumatapat sa kanya!” natatawang sabi ni Eric saka pinaikot ang bote at para bang lahat sila nagdadasal na sakin tumapat ang bote dahil lahat sila sakin nakatingin saka doon sa bote na unti unti ng humihinto at saakin tumapat!
Tiningnan ko sila at para silang nabuhayan ng loob! “Yon oh! So, Samantha Drink or Dare?” tanong ni Eric na ikinakunot ng noo ko! Anong dare? “Uy walang dare kanina!” sabi ko.
“Mas maganda kung Dare and Drink! So ano Samantha!”
Inisip ko muna ang pwedeng mangyari sakin pag pinili ko ang dare o iinumin ko na lang ung alak. Napabutong hininga ako saka sumagot. “Drink” sabi ko at si Sally ang nagsalin ng mga alak sa baso saka inabot sakin. “Happy drinking!” nakangiting sabi nya kaya nag aalangan tuloy ako kung iinomin ko ba.
“Inumin mo na!” Sabi nila kaya pikit mata kong inimon yon at ang pangit ng lasa. Nang maubos ko na pinaiikot naman na ulit ni Sally ung bote pero kung minamalas ka nga naman sakin pa talaga tumapat ulit! “Hala ikaw na naman!” sabi ni Erica.
This is not good. “Dare” sagot ko sa kanila kahit hindi pa nila ako tinatanong. “Excited ka Samantha?” natatawang tanong ni Kely.
“So dahil nag dare ka Samantha eto na lang ang ipapagawa ko sayo para naman hindi masyadong daring tulad ng sa iba kanin” sabi ni Sally at iniintay ko kung ano ang balak nya. “Sam sayaw ka na lang pero in a sexy way” sabi nya kaya nagsigawan ang mga kasama namin pwera na lang kila Erica, Clyde, Alex at Treyton!
I know how to dance pero sa harap nilang lahat! No way! “Iinom na lang ako!” sabi ko sa kanila at akmang kukunin ang baso ng alak ng pigilan ako ni Sally. “Don’t be shy Samantha! Show us your talent kung meron!” sabi nya saka tumawa.
Nakuha ko ang gusto nyang iparating at yon ay mapahiya ako. Walang nakakaalam na sumasayaw ako at member ako ng dance group noong college pwera na lang kay Clyde dahil nga batchmate kami. “Wag nyo ng pilitin si Samantha!” sabi ni Clyde.
“Uy pinagtatanggol ni Attorney” kantsaw nila kaya wala sa loob akong pumayag para lang hindi na humaba ang usapan. “Gagawin ko na!” sabi ko at nag simula ng magpatugtog ng kanta si Sally.
Dahan dahan akong tumayo sa upuan ko at dinala yon sa may gilid kung saan may space na pwede akong sumayaw at hindi kita ng ibang tao.
I started to dance and feel the music hanggang sa makuha ko na ung beat nya at sinayaw ko na sya na sya na naayon sa tugtog. Tumagal ng isang minuto ang kanta bago yon matapos. Tiningnan ko silang lahat at kung ano ang reaksyon nila at base sa nakita ko nagulat sila sa ginawa ko. “Samantha woah!”
Bumalik na ko sa pwesto ko at nagpatuloy na ang laro pero sa kalagitnaan nag paalam na si Clyde dahil kailangan na sya sa labas at may naghahanap sa kanya kaya kami na lang ang naiwan dito. “Hindi ko alam na magaling ka palang mag sayaw” bulong ni Treyton sa tenga ko. “Sakto lang naman”sabi ko sa kanya at ibinalik na ang atensyon sa laro.
Huminto ang bote at ako na naman ang tinapatan nito. “Bet ka ata nung bote” medyo lasing na sabi ni Erica. “Drink!” sabi ko at inabot sakin ni Eric ung baso at inimom ko agad yon.
Nakailang beses pa kaming naglaro bago sila nag desisyon na umuwi na at itigil na dahil halos lahat kami lasing na. Anim na beses na tumapat sakin ang bote at sa anim na yon limang beses akong uminom kaya nararamdaman ko na ang hilo.
Dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas ng venue! Hindi ko na inintay pa si Erica at iba pa namin mga kasama. Alam kong hindi ko na kayang umuwi kaya kesa mapahamak pa ko dumiretso na ko sa front desk ng hotel at nag book ng hotel room. Nang makapagbook ako at ng makuha ko ang susi dumiretso na ko sa elevator at pumasok don saka sumandal sa pader ng mapindot ko kung anong floor ako.
Ako lang naman ang sakay ng elevator kaya ng huminto yon agad akong lumabas at hinanap ang room ko at nang makita ko yon agad akong pumasok at dumiretso sa kama saka humiga.
I need to rest!