Chapter 10
Her POV
Pinunasan ko ang mga luha ko at tinuyo ang muka saka lumabas sa banyo. Niisa wala akong pinansin sa mga kaopisina ko at patuloy ko lang ginawa ang trabaho ko. Pag hindi ka gusto ng mga tao sa paligid mo kung ano ano ang maririnig mong masasakit na salita tungkol sayo kahit na wala ka naman ginagawang masama.
Hanggang sa dumating ang uwian lahat sila umalis na pero nanatili pa din ako sa opisina para tapusin ang lahat ng trabaho ko kahit na ba matagal pa ang deadline ng iba. Ayokong umuwi sa apartment at mag isip dahil masasaktan lang ako! Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nagiging ganito ako ka sensitive kahit dati hindi namna, siguro dahil sa patong-patong na ang mga problema ko kaya hindi na mapigilan ng emosyon ko ang lumabas na lang.
Dahil subsob ako sa ginagawa kong trabaho hindi ko namamalayan na inabot na pala ako ng eight o’clock ng gabi bago matapos ang ginagawa ko. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid ako na lang mag isa at patay na halos lahat ng ilaw kaya nag pasya na akong umuwi dahil tapos na din naman ako. Habang nag lalakad ako sa hallway may isang kamay ang bigla na lang pumigil sakin kaya napalingon ako kung sino yon. “Attorney?” gulat na turan ko ng makita ko sya.
“Bakit andito ka pa? Sobrang late na dapat kanina ka pa naka-uwi! Saka kamusta na yang paso mo?” tanong nya saka tiningnan ang kamay ko. “May tinapos lang po ako Attorney at uuwi na po ako ngayon” sabi ko at tinalikuran na sya at naglakad na papasok sa elevator.
“Sabay na tayo” sabi nya at pumasok din, tinanguan ko lang sya saka ngumiti.
Kung sigurong may makakakita samin na magkasama ngayon paniguradong pag uusapan na naman nila ako at kung ano anong masasakit na salita na naman ang maririnig at matatanggap ko galing sa kanila. Nauna na kong lumabas kay attorney at mabilis naglakad palabas ng opisina para makapara ng sasakyan pauwi. Habang nag iintay ako ng taxi may biglang pumarada sa harapan ko na isang kotse at nag baba ng salamin. “Samantha, sumabay ka na sakin” sabi nya pero umiling lang ako.
“Samantha wala akong gagawin sayo saka late na at wala ka ng masasakyan nyan ngayon”pagpilit nya “Mag aabang na lang po ako Attorney may dadaan naman po siguro” sabi ko at tumingin na ulit sa daan kahit na wala na akong nakikita kahit na isang taxi sa daan at bigla pang bumuhos ang malakas na ulan. Pag nga naman minamalas ka ngayon pa umulan! Paano na ko uuwi nito.
“Samantha sakay na! wag mong intayin na bumaba pa ko para isakay lang kita” sabi nya kaya kahit ayoko dahil baka kung ano na naman ang isipin ng mga ka-opisina ko ay sumakay na ko dahil alam kong walang pag asa na makauwi ako kung hindi ako sasabay sa kanya. “Bakit ba ayaw mo pang sumakay para kang ibang tao!” sabi nya.
“Ayoko lang pong magkaroon ng issue sa inyo nakakahiya po.” Sabi ko sa kanya “Samantha wag mo na nga akong i-po parang hindi tayo magkaedad at matagal na magkakilala” sabi nya.
“Okay attorney!” sagot ko sa kanya at tumingin na lang sa daan. “Also, pag tayong dalawa na lang wag mo na kong tawagin na attorney! Parang hindi tayo naging magka-batch noong College!”
“Anong itatawag ko sayo Clyde lang eh attorney ka na saka boss kita” sabi ko sa kanya saka sya tiningnan. “Oo! Wala naman masama don ako nga tinatawag kitang Vera!”
“Boss kita saka ayokong may masabi ang mga ka-opisna ko at empleyado mo sating dalawa!” sabi ko saka sya inirapan.
Attorney Clyde Cy is my former batchmate noong nag aaral ako sa college dito sa maynila at naging block mates din kami sa ilang law subject. Mayaman ang pamilya nya at kilala bilang mga abogado. Matagal na kaming magkakilala pero hindi ko yon sinasabi sa iba kahit na kay Erica dahil ayoko ng issue lalo na sa trabaho. Noong una hindi ko din inakala na sya pala ang may ari ng firm na pinasukan ko.
“Malalim na naman ang iniisip mo kaya hindi mo namalayan na andito na tayo sa apartment mo” sabi nya kaya napatingin ako sa labas at tama nga sya, andito na nga ako sa apartment ko. “Ano ba iniisip mo?” tanong nya sakin.
“Sa susunod kung maririnig mong may sinasabi sakin ang mga katrabaho ko wag mon a lang pansinin kasi baka lumalala lang” sabi ko sa kanya at inayos na ang mga gamit ko. “Hindi naman at tama na pagsalitaan ka nila ng ganun saka pinapalagpas ko lang ang mga ginagawa nila sayo dati pero ibang usapan na ung kanina dahil iniinsulto ka na!”
“Hayaan mo na lang sila saka tama naman sila eh”
“Anong tama? Mali yon! Pwede ko silang kasuhan ng paninirang puri sa ginawa nila saka ung boyfriend mo nabalitaan ko din ang ginawa kanina dahil yon ang usap usapan sa buong firm kahit sa opisina ko nakarating!”
Napakabilis talaga ng tsismis! “Wag mo na lang pansinin” sabi ko sa kanya at akmang baba na ng pigilan nya ko. “Bakit?”
“Pinagsabihan na kita sa Greg na yon pero hindi ka nakinig sakin kaya tingnan mo nangyari! Ano pa ginawa nya sayo?”
“Clyde pwede ba sawang sawa na kong pag usapan ang topic na yan. Salamat sa pag hatid attorney!” sabi ko saka bumaba na at naglakad papunta sa apartment ko.
Agad akong pumasok sa loob ng mabuksan ko ang pinto. Kung may makakaalam na matagal na kaming magkakilala ni Clyde paniguradong isang malaking tsismis ang mangyayari kaya hanggang maari ayokong mainvolve kami sa isa’t-isa. Para ko na syang kapatid at ayoko na masira yon dahil sa mga sabi sabi ng iba.
Mabilis na dumaan ang araw at ngayon sobrang abala ako sa pag aayos ng event na ibinigay sa akin ni Ma’am Lisa na anniversary ng firm. Lahat ng mga ka-opisina ko maagang umuwi para mag handa pero eto ako nakatutok pa din sa laptop para ifinalize ang program na mangyayari mamaya.
“Samantha Vera bakit andito ka pa? Umuwi ka na para makapag ayos” sabi ng kadadating lang na si Erica na may dalang mga paper bags. “Hindi pa ko tapos saka mabilis lang naman akong gumayak” sabi ko sa kanya at iprinit ang last copy ng program.
“May damit ka na ba?” tanong nya kaya napalingon ako sa kanya at hindi kumibo. May damit na ko pero hindi ko alam kung okay lang yon pero bahala na dahil wala naman akong panahon para bumili pa ng damit. “Seriously Samantha!” sabi nya at biglang ibinagsak sa harapan ko ang hawak nyang paper bag!
“Pasalamat ka mahal kitang bruha ka! Ayan isuot mo yan mamaya” sabi nya kaya nanlaki ang mata ko. “Paano ka?”
“May damit na ko ikaw lang ang inaalala ko dahil alam kong hindi mo pag aaksayahan ng panahon ang sarili mo mamaya. Kaya patayin mo na yang laptop na yan at umalis na tayo” sabi nya kaya yon ang ginawa ko saka kami umalis.
Sa condo nya kami dumiretso at doon mag ayos dahil malapit lang don ang venue namin. “Isuot mon a tong robe na to para maayusan na kita”
“Mauna ka na kahit mamaya na lang ako saka hindi ko naman na kailangan mag ayos okay na tong muka ko na to!” sabi ko sa kanya saka naupo sa sofa nya. “Hindi mag aayos ka ngayon!” sabi nya at ipinagtulakan ako sa banyo at inabost sakin ang robe kaya wala akong nagawa kung hindi ang sundin sya at nagpalit.
Nang mapalitan ko ang damit ko lumabas na ko at naabutan ko sya sa lamesa kung saan naka ayos na lahat ng mga make up nya at accessories na gagamitin. “Maupo ka na” sabi nya at umupo na ko at nag simula na syang gawin ang muka ko. Inabot sya ng kulang isang oras sa pag aayos sa muka ko at sa buhok ko. “Wow! Samantha tingnan mo na ang sarili mo.” Sabi nya at inabot sakin ang salamin.
Kahit ako ay namangha din sa ginawa nya sa muka ko, ngayon ko na lang ulit nakita ang sarili kong nakaayos pagkatapos ng ginawang pagtulong sakin ni Treyton sa Hawaii noon. “Salamat” sabi ko sa kanya. “Wala yon! Oh, sige mag bihis ka na at ako naman ang mag aayos” sabi nya kaya pumasok ako sa kwarto nya at nagsimula ng isuot ang damit na binigay nya.
Paglabas ko ng damit sa paper bag ay namangha ako sa ganda nito. Isang kulay emerald green na fit sa katawan at pa v shape sa harap na sleeve less. Dahan dahan kong isinuot ang damit at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi ako makapaniwala na sarili ko ang nakikita ko dahil hindi naman ako sanay na nag susuot ng ganitong klase ng damit.
“Sabi na eh bagay sayo” napalingon ako sa may pinto at nakita ko don si Erica na naka-ayos na din. Nakasuot sya na isang fitted tube na gown na kulay itim na bumagay sa kanya. Lumapit sya sakin at may inabot. “Suotin mo tong accessories na to dahil bagay yan sa sayo”sabi nya at inabot sakin ang alahas. “Erica kahit wala na neto! Sapat na itong damit at sapatos” sabi ko sa kanya pero umiling lang sya at isinuot sakin ang kwintas at ikinabit sa tenga ko ang hikaw.
“Tingnan mo ang sarili mo ngayon sa salamin” sabi nya kaya humarap ulit ako sa salamin. “Diba mas maganda” sabi nya at tumango ako. “Salamat talaga Erica” sabi ko sa kanya saka sya niyakap.
“Ano ka ba, para saan pa’t kaibigan kita!” sabi nya. “Thank you!”
“Tara na at baka mahuli pa tayo! Kailangan maaga tayo don dahil aayusin pa natin ung program na ibibigay sa host” sabi nya na sinangayunan ko. Sabay kaming lumbas ng condo nya at nag book ng sasakyan papunta sa venue. Nang makarating kami sa venue hindi pa ganon kadami ang tao kaya may oras pa kami paara ayusin ang iba pang kulang.
Inabot ko sa host ang program para mamaya saka ako lumabas kung saan andon ang ilang usherettes na kausap ang mga dumadating na guess. “Excuse me” tawag ko sa isa at lumapit naman sakin. “Malapit nag magsimula ang program please escort them to their respective seats” sabi ko at tumango namna sya at inaya ang ilang guess papasok sa loob. Unti unti ng dumadami ang tao kaya pumasok na ako sa loob at nakasalubong ko si Sally. “Woah! Nag muka kang tao Samantha!” sarcastic na sabi nya pero hindi ko na lang sya pinansin at yumuko saka nag lakad palayo.
“Uy diba sya ung sinasabi mo sakin last time sa cr? Ang ganda nya!”
“Oo nga, Samantha!”
Lumingon ako sa tumawag sakin at lumapit sa kanila. “Bakit?” tanong ko sa kanila.
“Hindi lang kami makapaniwala na ikaw yan!” sabi nya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Kayo din ba?” napalingon kami sa nag salita. “Oo, Sally mukang nag aayos yata si Samantha”
“Kaya nga eh pero ang tanong bakit kaya? Hmmm?” nag iisip na sabi ni Sally saka umikot sakin at habang tinitingnan ako! “Ah alam ka na baka nag papaganda sya dahil kay Attorney Cy! Uy Samantha wag kang masyadong mangarap!” sabi nya at tinapik ako sa baraso kaya napayuko ako at naglakad palayo pero naririnig ko pa din ang mga tawa nila. Pumunta na lang ako sa backstage at dito na malagi. Wala akong lakas para lumabas kung puro ganon lang ang maririnig ko sa mga workmates ko.
The whole duration ng event hindi ako lumabas sa backstage hanggang sa mag salita si Clyde at may inannonce na nagpalabas sakin.
“Good evening everyone! Gusto kong ibalita sa inyo na dahil anniversary ng firm nagkaroon ng pa-contest ang bawat department at ngayon ipepresent ko sa inyo ang nanalo per department” masayang sabi nya at isa isang tinawag ang mga nanalo.
“Lastly may we call on Ms. Sally Reyes for having the best idea for the new project proposal ng firm! Congrats to the winner!” sabi nya na nagpakunot ng noo ko.
Project proposal? Napatingin ako sa stage sa may LD screen at doon lumabas ang sinasabing project proposal na ginawa ni Sally! Napanganga na lang ako sa nakita ko, ako ang gumawa non! Napayukom ako ng kamao!
Ako nag hirap sa proposal na yon tapos sya ang kumuha ng credit? Malungkot na tumalikod na lang ako at naglakad palayo sa stage! Pag sinabi kong ako ang gumawa non wala naman maniniwala sakin at kung ano anong salita lang na hindi maganda ang maririnig ko.
Nakayukong naglakad ako palayo pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko ng may makabangga akong isang lalaki. “Sorry Miss” sabi nya at naglakad na palayo, pamilyar ang boses ng lalaki na yon kaya nag angat ako ng tingin at hinanap sya.
Doon ko nakita si Treyton na mabilis na naglalakad palabas ng hotel kaya agad kong hinabol sa labas. “Treyton!” sigaw ko at umaasang maabutan ko sya ng may biglang humila sakin at may dumaan na sasakyan.
“Miss okay ka lang?” tanong ng lalaking humila sakin at sinundan ng tingin ang kotseng muntik na kong sagasaan dahil sa pag habol ko kay Treyton. “Thank you” sabi ko sa kanya at binawi ang kamay ko at tiningnan sya.
Kung hindi dahil sa kanya baka nasagasaan na ko. “Walang anuman!” nakangiting sabi nya! “I’m Zico Montero Legaspi” pagpapakilala nya at inilahad ang kamay na tinanggap ko naman. “Samantha Vera Villareal” pagpapakilala ko.