Chapter 9

1975 Words
Chapter 9 Her POV Buong magdamag kaming nagtrabaho ni Erica at hindi naman na nya inungkat pa ang tungkol sa singsing at kung ano nangyari sa Hawaii kaya nagpapasalamat ako. Maaga akong gumising para mag luto ng umagahan naming dalawa. Binuksan ko ang bigasan ko at napabuntong hininga ko ng makita ang laman non. Konti na lang sya at hindi ko alam kung aabutin to sa sweldo ko. “Wag ka ng mag luto nag padeliver na lang ako ng pagkain natin” sabi nya at umupo sa upuan sa may lamesa. “Salamat” sabi ko sa kanya. “Wala yon at para saan pa’t kaibigan kita! Nga pala may extra pa kong pera papahiramin kita para naman makabili ka ng pagkain mo” sabi nya at naglabas ng pera sa wallet at inabot sakin yon. “Hindi ko na to tatanggihan! Salamat talaga.” Sabi ko sa kanya at tinggap yon. “Basta sa susunod wag ka ng nagpapakatanga ha!” sabi nya at inakbayan ako. “Opo” sagot ko sa kanya saka ngumiti saka sya niyakap. “Oh, wag ka ng mag drama dyan andyan na ata ung order natin!” sabi nya kaya humiwalay ako sa yakap at naglakad sya papunta sa pintuan at binuksan yon. “Ma’am here is your order” sabi nung delivery guy at inabot kay Erica ang pagkain na pinadeliver nya at umalis na. “Oh, eto na ung food natin! Let’s eat para makapasok na atyo ng maag” sabi nya at inilapag sa lamesa ang mga pagkain, kumuha naman ako ng plato saka ng kutsara at tinidor. Nagsimula na kaming kumain at ng matapos kami pinauna ko na syang maligo at ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Kasalukuyan akong naghuhugas ng mga plato ng tumunod ang cellphone ko, senyales na may nag text kaya nag punas ako ng kamay at tiningnan kung sino yon. From: Greg Sam let’s talk Yan ang laman ng mensahe na agad kong binura. Wala na kaming dapat pag usapan pa, I block his number para wala na kong matanggap na kahit anong mensahe o tawag sa kanya! Hindi ako ganun Katanga para maniwala sa kung ano man ang idadahilan nya sakin! Malinaw na malinaw na niloko nya ko. “Sam hindi ako makakasabay pala sayong pumasok dahil kailangan kong pumunta sa korte ngayon!” sabi nya ng makalabas sya sa kwarto at bihis na bihis. “Okay lang sige mauna ka na baka mahuli ka pa!” sabi ko sa kanya at tumango lang sya saka umalis na. Pumasok naman na ko ng kwarto at inayos ang mga gamit ko saka naligo. Pagkatapos kong maligo nag ayos lang ako ng sarili at naghanda na para sa pagpasok. Siniguro ko na bago ako umalis ay nakasara ang mga pintuan ko. Hindi nag tagal nakarating na ako sa opisina at walang pinagbago ako pa din ang pinaka maaga. Ibinaba ko lang ang gamit ko sa lamesa saka nag tungo sa pantry namin para igayak ang mga kape ng mga ka-opisina ko. Nang masigurado kong okay na lumabas na ko at bumalik sa pwesto ko para simulan ang trabaho ko. “Samantha your early today” agad akong napatayo ng makita ko si Attorney Cy, ang may ari ng firm na ito at binate sya “Good morning po Attorney!” masiglang bati ko sa kanya. “Good morning too, hindi na kita iistorbohin and just continue your work” sabi nya saka umalis. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa ginagawa ko at nagsimula na ulit sa pag encode. Makalipas ang kalahating oras unti-unti ng dumadating ang mga kaopisina ko at unti-unti na din dumadami ang trabaho ko dahil sa mga utos nila. “Samantha pwedeng pakibilisan naman kasi kailangan ko na talaga ung pinapagawa ko sayo” “Teka lang Sally kailangan ko kasing isend to kay Sir Rolly ngayon.” Sabi ko sa kanya at pinagpatuloy ang ginagawa ko. “Okay pero isunod mo na agad ah” sabi nya at umalis sa harap ko. Hindi ko alam kung anong oras na naman ako matatapos nito hay! “Samantha ung pinapagawa ko?” sabi ng kadadating lang na si Sir Rolly. “Sir isesend ko na po sa inyo” sabi ko sa kanya at isinend na sa mail nya. “Okay good! Mamaya may ipapagawa ako sayo!” sabi nya saka umalis, araw araw naman syang may ipinapagawa sakin wala ng bago don. Ginawa ko na lang ang pinapagawa ni Sally at ng matapos ko ibinigay ko agad sa kanya. Makakapahinga naman ako ng kahit sandali dahil natapos ko agad ang mga ipinapagawa nila at sa tingin ko naman wala na silang ibang iuutos sakin dahil halos ako na ang gumawa ng gawain nila. Tumayo ako sa desk ko at pumunta sa pantry para mag timpla ng kape. Habang nagtitimpla ako ng kape may narinig akong ingay sa labas kaya lumabas ako at doon ko naabutan si Greg na hinahanap ako. Anong pumasok sa isip nya na puntahan ako dito? “Samantha!” galit na tawag nya sakin kaya lahat ng mga katrabaho ko natingin sakin at nagbulungan. “Greg anong ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kanya ng makalapit ako. “We need to talk.” Sabi nya at bigla akong hinila kaya tumapon ang mainit na kape sa kamay ko. “Aray!” daing ko pero wala syang pakialam at patuloy akong hinila hanggang sa makarating kami sa labas ng opisina. Tiningnan ko ang kamay kong namumula dahil sa paso.  “Anong kailangan mo sakin?” tanong ko sa kanya at binawi ang kamay kong hawak nya. “Pay me!” sabi nya naikinagukat ko naman. Pay him? “Anong babayaran ko sayo?” “Iniwan mo ko sa Hawaii at ng mag check out ako hindi mo pa pala bayad lahat!” galit na sigaw nya kaya tumingin samin ang mga taong nagdadaan pati na din ang ilang kong kaopisina na andito sa labas. “I pay for everything and left we without a single penny! Baka ung binayaran mo ay ang ginastos mo ng babaeng kasama mo! Hindi ka man lang mahiya sakin mo pa pababayaran yon eh hindi naman ako ang gumamit kung hindi ang babae mo saka ikaw sa kwarto pa natin!” inis na sabi ko sa kanya! “Sumasagot ka na sakin ngayon ha? Sino ang pinagmamalaki mo ung kasama mong lalaki don? Ano kayo na kaya ganyan ka at hindi mo na ko pinapansin?” “Pwede ba Greg wag kang mandamay ng ibang tao! Saka wala na tayo! Hiwalay na tayo simula noong niloko mo ko” sabi ko sa kanya saka sya tinalikuran pero hinila nya ko sa braso na muntik ko ng ika tumba. “Lumalaban ka kasi may lalaki ka ng iba! Ganyan ka ba kalandi?” sabi nya kaya hindi ako nakapag pigil at sinampal sya. “Hindi ako malandi Greg, Ikaw ang malandi at manloloko sating dalawa” sabi ko saka tumalikod at pumasok na sa loob ng firm. “Kuya wag nyo pong papasukin ang lalaki na yon” sabi ko kay manong guard at tinuro si Greg saka naglakad na. Bago ko bumalik sa opisina namin dumaan muna ko sa banyo para basain ng tubig ang napaso kong kamay at pagkatapos non bumalik na ko sa trabaho ko. Pagpasok ko pa lang lahat sila nakatingin sakin at nagbubulungan kaya napayuko na lang ako at mabalis na naglakad papunta sa desk ko. “Ija, okay ka lang ba?” tanong ni Mang Eddie at tiningnan ang kamay ko habang nililinis nya ang kapeng natapon. “Opo” sagot ko saka bumalik na sa ginagawa ko kanina. “Alam mo Samantha hindi ko masisi ang boyfriend mo kung ipagpalit ka alam mo yon” sabi ni Sally saka tumawa at ganun din ang iba kong mga ka-opisina. Napayuko na lang ako lalo sa sinabi nya. “Wag kang ma-offend ah pero kasi Samantha sa itsura mo na yan talagang iiwan ka ng boyfriend mo! Look at you manang na manang ka! Asa 21st century na tayo Samantha pero kung mag bihis ka parang asa sinaunang panahon” sabi nya saka tingnan ako mula ulo hanggang paa saka umiling at tumawa. Bigla naman pumasok si Attorney Cy kaya natigil si Sally sa pagtawa ganun din ang iba kong ka-opisina. “What happened here, anong nakakatawa?” tanong nya at lumapit samin. Hindi ako nagsalita at nakayuko pa din sa totoo lang gusto ng tumulo ng luha ko sa mga sinabi ni Sally pero pinipigilan ko lang. “Wala po Attorney” sagot ni Sally. “Samantha paki gawa nga to” sabi ni Attorney at may inabot na folder kaya nag angat ako ng tingin at tinanggap yon. “Teka anong nangyari dyan sa kamay mo?” takang tanong sakin. “Napaso po pero okay na” sabi ko at tumango lang sya “Dalin mo sa clinic and forget about this folder” sabi nya at binawi sakin ang folder na hawak ko. “Sally ikaw na ang gumawa nito! Isend mo sakin ngayon din” sabi ni Attorney at umalis hindi naman naka angal si Sally at bumalik sa pwesto nya. Tumayo naman ako para pumunta sa clinic para patingnan ang paso ko ng nakasalubong ko si Erica nakakapasok lang. “Oh san ka pupunta?” tanong nya. “Sa clinic natapunan kasi ako ng kape kanina ng bigla akong hilahin ni Greg” kwento ko sa kanya kaya agad syang lumapit sakin at tiningnan ang kamay ko. “Asan ang gago na yon?” inis na tanong nya at balak pa atang sugurin si Greg. “Wala umalis na” sabi ko sa kanya. “Tara na sa clinic at kailangan na yan magamot dahil pulang pula na” sabi nya at sinamahan ako sa clinic. Pagdating namin sa clinic agad kong ipinatingin ang kamay ko at pinahiran naman nila ng ointment at nagbilin na linisin ko saka ko pahiran ng ointment na ipinahid nila kanina. Lumabas na kami ng clinic ni Erica pagkatapos non. “Okay ka lang ba? May ginawa ba sayo si Greg?” tanong nya. “Okay lang ako saka hayaan mo na si Greg!” sabi ko sa kanya! “Kasuhan natin ng physical injury” sabi nya kaya umiling lang ako. “Wag na! Hindi naman na ganun kasakit.” Paninigurado ko sa kanya. “Sige! Babalik na ko sa pwesto ko at ikaw wag na muna kung ano ano ang gawin mo! Tandaan mo injured ka!” sabi nya kaya tumango ako sa kanya at bumalik na sa pwesto ko. Halos lahat pa din ng ka-opisina ko nakatingin sakin na para bang may ginawa akong hindi maganda sa kanila. Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik na sa trabaho ko. Wala akong mapapala kung iintindihin ko sila at pag aaksayahan ng panahon. Buong maghapon na walang nag utos sakin kahit na si Sir Rolly hindi din ako inutusan kahit na sabi nya may ipapagawa sya sakin. Tumayo ako at nagpunta sa CR para umihi, pagpasok ko sa cubicle may narinig akong nagbukas na pinto at mga yabag sa labas. “Sa tingin ko tama nga ang sabi sabi nila na asa loob ang kulo ni Samantha!” “Ha? Ung administrative assistant sa department nyo?” “Oo!” “Bakit naman eh muka naman mabait yon ah!” “Un ang akala mo! Kanina ung boyfriend sumugod dito at kung ano ano ang pinasasabi sa kanya sa baba tapos kanina si Attorney Cy parang kinakampihan sya dahil pag alis nya kanina noong nag punta ng clinic sinabon kami ni Attnorney dahil narinig nya pala ung mga sinabi ni Sally kanina!” “Talaga? Eh ang gwapo ni Attorney tapos parang sinasabi mo na gusto nya ung babae na yon?” “Ewww! Baka ginayuma nya si Attorney! Yuck” Yan ang usapan sa labas at nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto senyales na wala na sila. Unti unting tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Pag pala may tumulong sakin na tao kung ano anong masasamang salita ang ibabato nila sakin. Ano ba ang nagawa ko sa kanila para tratuhin nila ko ng ganito? Lumabas ako ng cubicle saka tumapat sa salamin at naghilamos ng muka. Kahit na anong gawin mong maganda sa iba kung ang nakikita nila ay pangit wala pa din silbi lahat ng ginawa mong maganda. Nag ayos na ako ng muka ko saka lumabas at bumalik na sa trabaho na parang walang nangyari kahit na sa loob ko nasasaktan ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD