Chapter 8

2128 Words
Chapter 8 Her POV Maaga akong pumasok sa firm para gawin ang mga inaiwan kong trabaho. Pagpasok ko ako pa lang ang tao kaya agad akong umupo sa pwesto ko at sinimulan ng gawin ang tambak na papeles sa desk ko. Hindi naman na ko magugulat dahil paglapag ko pa lang sa Pilipinas kahapon ang bumungad agad sakin ay ang samut saring email at text nila na nagbibilin ng gagawin pagbalik ko. Hindi uso sakin ang salitang pahinga pagdating sa trabaho ko. Inayos ko lahat ng papel sa desk ko at nilagyan yon ng mga tanda. Inuna ko munang iphotocopy lahat ng mga urgent documents at inilagay sa bawat desk nila, sunod ko namna ginawa ay amg mag encode at gumawa ng narrative report for the clients at isinend sa mga email nila. Halos dalawang oras na din akong nagtatrabaho at hindi pa ako kumakain ng umagahan kaya nagdesisyon na kong bumaba para bumili ng pagkain. Nang nakababa na ko nakasalubong ko si Erica at ng makita nya ko agad nya kong tinawag. “Sam!” sabi nya at sinalubong ako. “Erica” tawag ko din sa kanya. “Ang aga mong pumasok saka diba dapat asa Hawaii ka pa with Greg?” taking tanong nya. “Mahabang kwento” sagot ko sa kanya at naglakad na sinabayan naman nya ko sa paglalakad. “Saan ka pupunta?” “Bibili ng pagkain! Hindi pa kasi ako kumakain dahil maaga akong pumasok para asikasuhin lahat ng naiwan kong trabaho” sabi ko sa kanya at inakbayan nya ko. “Sasamahan na kita!” sabi nya kaya sabay kaming nag lakad palabas ng office at pumasok sa coffee shop sa tabi para bumili ng kape. Umorder lang ako ng akin saka ng kay Erica saka umupo sa tabi nya. “I’m all ears! Anong nangyari sayo sa Hawaii at umuwi ka agad?” tanong nya. “Nahuli ko si Greg na niloloko ko” malungkot na sabi ko sa kanya. “Ano? Asan sya ha? Mapapatay ko ang bwisit na yon!” inis na sabi nya at tumayo pero pinigilan ko sya. “Hayaan mo na sya Erica!” Umupo sya at hinawakan ako sa kamay “Hindi ko na tatanungin kong okay ka dahil alam kong hindi pero--- oh my gosh kanino galing yan?” gulat na tanong at inangat ang kaliwang kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa nakita at napatutop ako ng bibig ko. Bakit hindi ko namawalan na may suot akong singsing. Binawi ko ang kmay ko kay Erica at tiningnan mabuti ang singsing na suot ko at doon ko napagtanto na eto ung singsing ni Treyton! Bakit asa akin to? Agad ko syang tinanggal sa daliri ko pero hindi ko sya matanggal! “Uy bakit mo inaalis? Galing ba yan kay Greg?” tanong nya at umiling ako. Alam kong alam nya na hindi ako bumibili ng kahit anong alahas para sa sarili ko kaya nagtataka din sya na may suot akong ganito! “eh bakit may engagement ring ka? Ano ba nangyari sayo sa Hawaii? Don’t tell me nag pa engage ka don?” gulat na tanong nya pero hindi ko sya masagot dahil kahit ako naguguluhan! Bukod sa nangyari samin ni Treyton noong gabi wala na kong maalala kaya hindi ko alam kung paano na punta sakin ang singsing na to! This ring is not supposed to be with me! Para to sa kasintahan ni Treyton! “Samantha uy!” gulat na napalingon ako kay Erica ng magsalita sya. “Ha?” “Bigla ka na lang natulala dyan hindi mo na din napansin na ayan na ung pagkain mo! Ano ba kasi nangyari sayo sa Hawaii?” Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Erica pero nangako ako kay Treyton na walang makakaalam ng nangyari samin. Ang kailangan ko lang gawin ay maisoli sa kanya etong singsing pero ang tanong paano? Wala nya kong number dahil alam kong hindi naman kailangan. Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan nya! Hindi ko din alam kung sino ba talaga sya. Kung ano lang ang pagkakakilala ko sa kanya sa Hawaii yon lang ang alam ko sa kanya. Alam ko din na mayaman sya base sa mga kilos nya at sa singsing na asa daliri ko ngayon pero sino nga ba talaga sya. Bumaling ako kay Erica na nag iintay ng sagot ko. “Erica bumalik na lang tayo sa firm, hindi pa ko handang mag kwentotungkol sa nangyari samin ni Greg at tungkol naman sa singsing wag mon a lang pansinin.” Sabi ko sakanya at tumayo na. “Uy teka lang!” sabi nya at agad na sumunod sakin. Habang pabalik kami sa firm hindi na sya nag tanong pa at hinayaan na lang ako. “Usap tayo mamaya ah” sabi nya at nagpaalam na. Ako naman bumalik na sa department namin at naabutan ko don ang mg aka-opisina ko na nakatingin sakin kaya napayuko na lang ako. “Muka kang tao infairness” sabi ng isang ka opisina ng makasalubong ako. Wala nga pala akong salamin at hindi pa ko nakakapag pagawa ng bago. “Samantha, I need you in my office now” sabi ng head namin ng makita ako. Agad naman akong tumayo at pumunta sa opisina nya. “Ma’am?” “May importante akong event na ipapahawak sayo this upcoming week and it was approved by our head attorney! Maasahan ba kita dito?” tanong nya sakin at agad namna akong tumnago. “Yes, po Ma’am” “Good this are the list of clients and I will let Attorney Erica help you with that! Feel free to ask me, you can go now” sabi nya at masaya akong umalis sa opisina nya at nag tungo sa desk ko. This is the first time that our head department assign me to do an important task kaya dapat pagbutihan ko. Sinimulan ko ng ayusin ng mga listahan ng kliyente na binigay sakin ni Ma’am. “Sam baka pwedeg paki singit muna to kailangan kasi to ngayon eh” sabi ni Sally saka biglang nilapag sa harap ko ang isang tambak na papel! “L-lahat to?” gulat na tanong ko sa kanya. “Oo! Matagal na sana dapat yan kaya lang nag leave ka kasi kaya ayan natambakan ka! Unahin mo muna yan dahil kailangan yan mamaya para sa meeting!” sabi nya saka umalis. Tiningnan ko ulit ang isang tambak na papel na asa harapan ko. Paano ko to matatapos within the day? Breath in, breath out! Kaya ko to! Para saan pa ang itinagal ko sa trabaho ko na to kung kung dito lang susuko ako diba! Kaya ko to! Sinimulan ko ng gawin ang binigay sakin ni Sally at paminsan minsan may mga katrabaho ako na nagpapasingit at tintanggap ko naman. Inabot na ko ng mahigit tatlong oras sa ginawa ko nang matapos din ako at last! Ung binigay sakin ni Sally na mga papel ay tungkol pala sa project proposal para sa firm at talagang from the scratch ang nangyari dahil wala naman nasimulan si Sally kahit isa don. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang mga papel pati na din ang flash drive na naglalaman ng proposal.  “Sally eto na, tapos na sya” sabi ko sa kanya. Tiningnan nya ko saka inabot ang mga papel kasama ng flash drive “Good” sabi nya at bumalik na sa ginagawa. Wala man lang thank you! Tss! Sabagay sanay naman na ko sa kanya dahil pag may ipinapagawa sya sakin hindi naman sya nag pasalamat kahit kelan. Bumalik na lang ako sa pwesto ko at ininom ang kapeng hindi ko pa din nauubos buhat kanina. Hindi na to hot coffee dahil kanina pa to! “Samantha!” agad naman akong napatayo ng sumigaw ang boss ko, Ang boss na tinitukoy ko ay ang manager namin. “Sir!” sagot ko saka lumapit agad sa kanya. “Finish this report asap!” sabi nya at inabot sakin ang isang folder saka umalis. Napabuntong hinga naman ako, Akala ko kung ano nanaman ang iuutos nya o kaya may nagawa akong kasalanan. “Kung makasigaw naman si Sir Rolly wagas” nagulat ako ng bigla na lang sumulpot sa harap ko si Erica kaya napahawak ako sa dibdib ko. “Wag kang nang gugulat” sabi ko sa kanya at ipinatong sa desk ang folder na ibinigay ni Sir kanina. “Sorry naman, nga pala nag usapan na kami ni Ma’am Lisa tungkol doon sa event kaya ako andito para kunin ang listahan at ako na ang gagawa kawawa ka naman baka hindi ka na makaahon sa tambak na papeles na to! Kulang na lang gawin nilang tambakan to ng papel!” sabi nya inilibot ang paingin sa desk ko na puro papel na dapat iencode at ayusin. “Thank you, Tutulungan kita mamaya pagkatapos ko dito” sabi ko sa kanya at inabot ang papel na binigay sakin ni Ma’am Lisa. “Sige! Bye” sabi nya at umalis na. Inilibot ko naman ang paningin ko sa lahat ng papel na nakapalibot sakin. Pwede na ata akong mag swimming dito! Hay. Buong maghapon akong subsob sa trabaho at hindi ko na naisip na kumain pa. Nang dumating na ang uwian maaga akong nagligpit at umalis dahil tutulungan ko pa si Erica sa event na pinapagawa samin ni Ma’am Lisa. Nagkita kami ni Lisa sa may baba at sabay na umalis at umuwi sa apartment ko. “Dito ako matutulog ngayon! Ano pagkain mo?” tanong nya pagpasok pa lang namin sa apartment at ref na agad ang binuksan nya. “Wala kang pagkain?” tanong sya saka humarap sakin. Dahil sa sobrang occupied ko at sa mga nangyari sakin hindi ko na naisip na bumili ng stock saka wala na din pala kong pera dahil naubos ko dahil sa bakasyon namin saHWaii at maxed out ang dalawang credit card ko. “Pasensya na nakalimutan ko na saka wala pa kasi akong pera matagal pa ang sweldo may can goods naman dyan un na lang muna, Sorry.” sabi ko sa kanya at ibinababa ang gamit sa lamesa at umupo. “What happened to your new credit card saka sa ipon mo?” takang tanong nya saka lumapit sakin at umupo sa tapat ko. Tiningnan ko sya saka ako nag salita “Naubos ko ung limit ng credit card ko pati na din ang tinatabi kong pera para sa Hawaii trip namin ni Greg.” Nakayukong sabi ko sa kanya. “Ano?” nagulat ako ng bigla nyang hinampas ang lamesa at sumigaw. “Samnatha naman! Dapat hindi mo ginawa yon tapos ano ngayon ang nangyari?” sabi nya sakin. “Alam ko naman pero may magagawa pa ba ko eh nangyari na.” sabi ko sa kanya at tiningnan sya. “Mag kwento ka na sakin kung ano ang ginawa sayo ng gagong Greg na yon!” Sinabi ko sakanya na unang araw pa lang namin sa Hawaii ay nagloko na si Greg at nagdala ng babae sa kwarto namin at kung ano anong masasakit na salita ang sinabi sakin hanggang sa umalis ako kinabukasan inuwi pa din nya sa kwarto namin ung babae pero hanggang don lang ang ikinuwento ko sa kanya. “Tarantado talaga sya! Hindi ka man lang nya naisip? Tapos ikaw pa ang gumastos ng lahat na yon tapos ganun lang ginawa nya!” inis na inis na sabi ni Erica. Wala na kong naramdaman na sakit kung hindi galit na lang dahil sa panloloko nya! Hindi ko na din nakuhang umiyak habang kinukwento ko dahil naibuhos ko na lahat kay Treyton noong asa Hawaii kami. “Teka kung dinala nya sa kwarto nyo ung babae kahit na nung gabi saan ka nag stay?” biglang tanong nya sakin at nag iwas naman ako ng tingin sa kanya. “Nagpalipas ako ng gabi sa lobby ng hotel” pagsisinungaling ko sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung ano ang nagyari samin ni Treyton. “Ang gago talaga nya!” “Sana hindi ko na sya makita” sabi ko dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan ko si Greg. “Wag talaga syang magpapakita dahil makakatikim sya sakin” galit na sabi nya at hinawakan ako sa kamay! “Okay ka lang ba?” biglang tanong nya at lumambot ang ekspresyon ng muka. “Oo, okay na ko” sabi ko sa kanya. “Teka may hindi ka pa sinasabi sakin! Kanino galing to?” sabi nya at inangat ang kamay kong hawak nya. Akmang babawiin ko ang kamay ko pero hinigpitan nya ang pagkakahawak dito. “Basta! Saka hindi akin to at ibabalik ko din sa may ari” sabi ko sa kanya at binawi na ang kamay ko buti na lang binitawan na nya. Bahala na kung paano ko to maibabalik kay Treyton. Alam kong nangako ako sa kanya na hindi na ko magpapakita pero kailangan ko sa kanyang isoli itong singsing na to! Tumayo ako at iniwan sa kusina si Erica at pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Umupo ako sa kama at hinawakan ang singsing. “Hindi ako ang may ari sayo at hindi ka para sakin” sabi ko at pilit na inalis ang singsing kahit masakit. Nang matanggal ko inilagay ko na sya sa drawer sa tabi ng higaan ko at doon tinago. Wala na dapat akong alalahanin pa sa nangyari sa Hawaii! My life must go on!                                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD