Chapter 6
Her POV
Hindi ko alam kung paano ko to tatanggapin! Una si Greg niloko ko at ang masakit pa non nakita ko pa sila kanina sa kwarto namin na walang saplot! Hindi man lang nya ko naisip at umasta na sya na hiwalay kami, pangalawa itong nangyari na to sa amin ni Treyton na isang maling pagkakamali na sana hindi na lang nangyari! I was too stupid to drink too much last night and to let him take me.
Sana kahapon pa lang umalis na ko at bumalik ng maynila edi sana walang nangyaring ganito. Sabi nga nila asa huli ang pagsisi at ngayon sising sisi ako sa mga nangyari. Pagbumabalik sa alaala ko ang nangyari kagabi gusto ko na lang saktan ang sarili ko nab aka panaginip lang ito at pag gising ko okay na ang lahat pero hindi ganon eh! Kung may kapangyarihan lang ako na bumalik sa nakaraan babaguhin ko ang nangyari pero wala eh! Hindi ko na mababago pa ang nangyari na samin. Sa totoo lang nandidiri ako sa sarili ko dahil ibinigay ko ang pinakaiingatan kong p********e sa taong hindi ko mahal at sa taong may kasintahan na.
“Samantha” Napalingon ako nang may tumawag sakin at nagulat ako nang makita ko si Treyton kaya mabalis kong kinuha ang bag ko at akmang aalis ng pigilan nya ang mga kamay ko “Samantha wait” sabi nya at agad ko naman binawi sa kanya ang kamay ko ng may naramdaman akong kakaibang init mula don. Nilingon ko sya at unti unting sumisikip ang dibdib dahil naaalala ko na naman ang nangyari samin. Gustong gusto ko ng makalimutan yon pero hanggang hindi namin nakaklaro ang lahat alam kong hindi yon mangyayari.
“I’m so sorry Treyton, sorry kasi hindi ko alam ang ginagawa ko kagabi sorry” umiiyak na hingi ko ng sorry sa kanya dahil sa nangyari. May girlfriend sya at aware ako don kaya mas lalong masakit sakin ang mga nangyari. Patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko kahit na anong gawing kong pigil dito kusa na lang silang tumutulo. “Samantha, stop crying” sabi nya at pinunasan ang mga luhang tumutulo galing sa mga mata ko. Napayuko na lang ako.
“Kasalanan ko ang nangyari! Sana hindi ako nagpakalasing hindi sana tayo umabot sa ganon! Paano na lang pag nalaman ng girlfriend mo to? I’m sorry! Pasensya na talaga, ang tanga tanga ko kasi! Wala na kong nagawang tama. Sorry! Okay lang sakin kahit anong masasakit na salita ang sabihin mo tatanggapin ko dahil kasalanan ko!” sabi ko sa kanya saka tumalikod at pinunasan ang mga luha ko. Sobang tanga ko kasi eh! Niloko na nga ako ng boyfriend ko naibigay ko pa ang p********e ko sa taong may kasintahan sino pa ang hindi mas tatanga sakin ngayon?”
Hinawakan ako sa balikat ni Treyton at hinarap sa kanya “Samantha pag usapan natin ang nangyari wag mong isisi sa sarili mo ang lahat!” sabi nya at inalalayan akong maglakad patungo sa kotse nya ta binitbit ang dala kong bag saka nilagay sa loob pagkatapos inalalayan nya kong sumakay sa loob at ganon din sya.
He starts the engine at nagdrive. Nakayuko lang ako at hindi sya tinitingnan. Sobrang hiyang hiya ako sa kanya. Alam kong kung ano ano na ang iniisip nya tungkols akin dahil sa nangyari. Hindi pa kami gaanong magkakilala tapos may nangyari na saming dalawa! Lagi ko pa man din inaalala kung ano ang laging sinasabi nila Mama at Papa tuwing uuwi ako sa probinsya at pagluluwas ako nang maynila na ang bilin nila sakin ay wag iinom at ibibigay ang pagkababe sa taong hindi ko naman mahal pero anong ginawa ko lahat yon hindi ko nasunod dahil nagpadala ako sa damdamin ko na gusto kong makalimot.
Hindi ko namalayan na nakahinto na pala kami kung hindi lang hinawakan ni Treyton ang kamay ko. “Samantha” tawag nya sakin kaya nilingon ko sya at binawi ang kamay kong hawak nya. “Treyton patawain mo ko alam ko----”
“Enough of those sorry Samantha hindi na natin mabubura ang nangyari! I’m here because I want us to talk about what happened”
“I’m still sorry” sabi ko saka bumuntong hininga. “I’m the one who should be sorry for what happened to the both of us! First of all, if I didn’t force you to drink hindi ito mangyayari”
“No Treyton hindi mo ko pinilit na uminom! Ginusto ko din kasi gusto kong makalimutan ang ginawa ni Greg sakin dahil hanggang ngayon masakit pa din pero hindi ko naman ginusto na umabot tayo sa puntong may mangyayari satin” nag simula na naman tumulo ang mga luha ko “Wag mo ng sisihin ang sarili mo Samantha dahil parehas tayong may pagkukulang lalo na ko dahil ako ang lalaki sating dalawa dapat hindi kita pinabayaan! I should protect you but I’m the one who did not control myself and took advantage of you”
“Hindi ako nag isip ng tama at nagpadala masyado sa damdamin ko kaya to nangyari” nakayukong turan ko.
We’re both drunk last night at parehas namin hindi alam ang mga ginagawa namin “You were virgin last night, and I took it from you! I’m so sorry Samantha isang malaking pagkakamali ang nangyari sa atin kagabi at hindi ko alam kung paano ako babawi sayo” sabi nya saka ako hinawakan sa kamay “I gave my virginity to someone I just met at ang masakit non sa taong hindi ko pa mahal at may kasintahan” umiiiyak na bulong ko.
“Ang tanga ko! Tama nga si Greg ang tanga ko” sabi ko sa kanya at lalo pang umiyak.
“Samantha I’m so sorry at pwede ba hindi ka tanga! Oo nagkamali tayo kagabi pero hindi mo yon kasalanan parehas natin hindi ginusto yon” sabi nya at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko. “Pumunta ka dito para magpropose sa taong mahal mo at alam kong dyan sa loob mo frustrated ka na dahil sa nangyari sating dalawa at sana patawarin mo ko kasi hindi ako nag isip nung gabi na yon at nagpadala ko sa tama ng alak”
“Samantha” he holds my hand tighly at binawi ko yon sa kanya saka pinunasan ang luha ko. “Let me finish first” sabi ko sa kanya at hinayaan nya lang akong magsalita. “You’re a good person Treyton, tinulungan mo ko ng lokohin ako ni Greg hindi mo ko iniwan at ipinakita mo sakin kung sino ba talaga ko at nagpapasalamat ako sayo dahil don. Ikaw ung unang taong nakilala ko na hindi ako ginawan ng hindi maganda kahit na ngayon lang tayo nag kakilala. Dahil sakin may nagawang hindi maganda sa babaeng mahal mo na makakasama mo sa pagtanda at sobrang sama ng loob ko sa sarili ko dahil don. Alam ko kung gaano mo kamahal ang girlfriend mo base sa mga kwento mo at kahit kelan hindi mo sya nagawang lokohin at hindi ka tumingin sa ibang babae pero dahil sa nangyari kagabi nakagawa tayo ng isang malaking pagkakamali na sana hindi na lang nangyari! I’m really really sorry Treyton!”
Ayokong masira ang relasyon nila ng girlfriend nya dahil sakin! Alam kong sobra nya syang mahal kaya mali talaga ang nangyari samin. “Treyton, I wish you all the best at sana kung ano man ang nangyari dito ibaon na lang natin sa limot”
“Hindi mo ba naisip ang sarili mo? Alam ko kung gaano kahalaga sayo ang kinuha ko-” I cut him off “Kung may makikilala akong lalaki na talagang mahal ako dapat tanggap nya ang nangayri sakin. Wag mo na kong alalahanin pa Treyton dahil hindi naman na tayo magkikita pa at wala akong balak na guluhin kayo ng girlfriend mo. Isang pagkakamali lang ang nangyari sating dalawa.” Sabi ko sa kanya at kinalma ang sarili. “Kahit na Samantha, anong pwede kong gawin para makabawi man lang sayo?” tang pero umiling lang ako sa kanya.
“Treyton wala, kalimutan na lang natin na nagkakilala tayo dito at isipin na lang natin na isang masamang panaginip ang nangyari sa ating dalawa at kung may pagkakataon na magkikita tayo sana ituring nalang natin ang isa’t-isang hindi mag kakilala kasi sobrang awkaward ng nangyari satin.”
Kung ano ang nangyari dito sa Hawaii dapat hindi na namin dalin sa pagbalik namin. May girlfriend sya at papakasalan nya yon walang dahilan para pag usapan pa namin ang nangyari samin. Malinaw sakin na ang nangyari kagabi ay isang pagkakamali.
“Kung yan ang gusto mo payag ako”
“Salamat” sabi ko sa kanya at akmang baba na ng sasakyan nya ng pigilan nya ko. “Ihahatid na kita pabalik sa hotel kahit yon man lang magawa ko para sayo” sabi nya at hindi na ko kumontra pa.
Nagsimula na syang mag maneho at wala na niisa sa amin ang nag salita pa hanggang sa makarating kami ulit sa hotel. Nauna na kong bumaba sa kanya at kinuha ko na ang mga gamit ko. “Samantha, thank you and nice to meet you” nakangiting sabi nya at inabot sakin ang kamay nya. “Salamat din!” sabi ko at tinanggap ang kamay nya ng may ngiti sa labi. Eto na ang huli naming pagkikita sana maging maayos ang lahat para saming dalawa. I wish him the very best.
“Goodbye” nakangiting sabi nya at pinakawalan ang kamay ko, ngumiti lang ako sa kanya at tumalikod at sumakay na sa service van na maghahatid sakin sa Airport.
Nagkakilala kami sa hindi sinasadyang pangyayari, tinulungan nya ko at dinamayan umabot pa kami sa puntong may nangyari samin at ibinigay ko sa kanya ang p********e ko. Sabi nga we don’t meet a person by an accident because there is always a reason, a lesson and a blessing that is why we are destined to meet them. Sa pagkakakilala ko kay Treyton may natutunan ako yon ay dapat matuto tayong maniwala sa sarili nating kakayahan, always believe in yourself no matter what.
Muli ko syang tiningnan hanggang sa unti-unti na syang nawala sa paningin ko. We are destined to know each other but not destined to be with. Hindi ko masasabi na pwede ko syang maging kaibigan dahil alam kong mag kaiba ang mundo naming dalawa, wala ding kasiguraduhan kung pagtatagpuin pa kami.
Ang pagkakamali namin na yon kagabi ay dadalin ko hanggang sa nabubuhay ako. Masakit para sakin ang nangyari at alam kong ganon din sa kanya. Sana kung magkikita kami sa mga dadating na panahon parehas ng magaan ang loob namin sa nangyari.
Nakatanaw lang ako sa paligid buong byahe hanggang sa makarating ako ng airport. Bahala kung ano ang mangyayari sakin pagbalik ko ng Maynila. Life must go on!
Bumaba na ako ng van saka diredirestong pumasok sa airport para mag check in ng bagahe at mag inaty ng flight. I waited for almost one hour then tinawag na ang flight ko pabalik ng manila. Sa buong byahe wala akong ginawa kung hindi matulog at abalahin ang sarili sa kung ano ang pwedeng pagkaabalahan dahil pag inisip ko ang nangyari sa Hawaii hindi ko na naman mapipigilan ang emosyon ko at ang pag tulo ng mga luha ko.
Paglapag ng eroplano sa manila alam kong babalik na ang lahat sa realidad at sa kung ano ang tama. I will start my wife with a new one.
Walang sakit at parang walang nangyari! There are people who come in our lives in the most unexpected way, katulad ng nangyari sa amin ni Treyton! Destiny know how to play tricks well at sana huli na yon para sakin.