TAHIMIK ako habang nasa loob na ng sasakyan ni Charles. Nasa likuran kami at magkakatabi nila Nicole at Mommy. Nasa passenger naman si Charles dahil may driver siyang bitbit. Si Tito Chard ay sumunod sa amin. He wants to know where Charles would take us. Mula sa gilid ng aking mga mata. Nakapikit na si Mommy. Alam kong hindi siya tulog. Marami siyang iniisip. Nagkatinginan kami ni Nicole pero nahiya siya at tumingin sa ibang direksyon. Nagpasya na lang akong ibaling ang mga mata sa labas ng bintana. Bumaba kami sa sasakyan at pinagmasdan ang malaking bahay. It's a three storey modern house. Napapalibutan ng mga puno at bamboo. Nakatulog na kami sa biyahe at paggising ay nasa Antipolo na kami. It was a fresh looking view. Napakaaliwas at saglit kong nakalimutan ang problema dahil sa magan