Sa pag mulat ng aking mata sa umaga ay agad ako tumingin sa tabi ko para tignan ang babaeng mahal ko. Pero wala akong nakita. She's not here. Umupo ako ng maayos at hinanap ko din ang anak ko pero wala sila. Nag simula na kong kabahan at mabilis kong tinignan ang closet at nakita kong nandon pa naman ang gamit nila. Nakahinga ako ng maluwag at umupo sa kama. May pakiramdam ako na balak n'ya kong iwan, balak nya kong iwan ulit. Ang mga salitang binitawan n'ya kahapon, ang mga ginagawa nya. Pati ang anak namin ay nakakaramdam na. Mabilis akong lumabas ng kwarto para hanapin sya. Pumasok ako sa kwarto ni Tian at wala na sila don. Mabilis akong napakamot ng ulo at tumingin sa orasan. It's Seven in the morning and today is friday. Madalas hindi pumapasok ang bata tuwing friday dahil madalas