Gangis ng dagat at pag galaw ng aking kinahihigaan ang nagpamulat sa akin. Nahimatay ako noong nasa sasakyan ni Leon. Pakiramdam ko, pagod na ako sa lahat. Gusto ko nalang ng tahimik na buhay. Ayokong isugal ulit ang buhay ng mga mahal ko. Pero ayoko ring talikuran ang mga nasimulan ni Leon. Ayon sa nalakap ko, hindi iyong simpleng organisasyon ang kanilang tinatag. Nabuo iyon ng mga kasapi na tinulungan ng mga ninuno nila hanggang sa napunta sa kamay ni Marco ,ni Leon ,at ni Diego. Binubuo iyon ng mga tinulungan nilang inabuso, mga walang mapuntahan, mga ulila dahil sa karahasan, mga pulubi, at lalo na't mga naulila dahil sa mga nakaaway nila. Lahat ng iyon, ay kinupkop, pinag aral, binigyan ng bagong buhay at naging myembro ng Mtrion. Alam ko ang posisyon ko sa buhay ni Leon. Pero w

