Sobrang sakit ng likod ang una kong naramdaman ng nagising. Mabilis kong naproseso ang mga nangyari. Nakidnap si Felix! Muntikan na siyang mabaril! Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit sa aking likod. Nararamdaman ko rin ang benda na nakaikot sa aking dibdib mula saking likod. "H'wag ka munang gumalaw Angel.." narinig ko ang boses ni ate Sabrina. Napatingin ako sa gilid ko kung nasaan siya. Nasa kwarto kami ng mansyon. Wala ako sa hospital. "Nasaan si Leon? Ang anak ko?" pag aalala ko. Nilapag ni ate ang sopas sa gilid ko. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Maayos si Felix , natutulog parin siya hanggang ngayon." Tumango ako pero hindi ako nakuntento, "Si Leon ,Sabrina? Saan siya?" Tinulungan niya akong umupo dahil hindi ko kaya ang sakit ng aking likod. "Angel,

