Naisatupad ang plano nila Leon sa Casinong iyon. Kailangan nila maisalba ang mga kawawang kababaihan na minamaltrato at ginagawang hayop doon. Gusto ko mang tumulong pero ayaw ni Leon na masangkot pa ako. "Mama, I want toys." Nakabusangot si James Felix. Tiningnan ko ang mga laruang baril niya na sobrang dami na. Nagkalat na ang mga iyon sa sahig, at kulang pa? Bumuntong hininga ako, "Want toys again? Ang dami na nang toys mo oh." Marahan na sabi ko. Mas lalo itong ngumuso. "But I want another one." "Okay, lalabas tayo. Bibilhan ka ni mama ng guns." Ngumisi ito at yumakap sakin. Sa mga panahon na magkasama na kami sa isang bubong pakiramdam ko kulang parin ang mga pag aalaga ko at pagmamahal ko sa kanila ni Leon. Gusto ko pang itodo at gusto kong bumawi. Nasa misyon n

