Hindi ko pinansin si Sabrina na nasa sala. Gusto sana nitong bumati nang makarating kami sa mansyon pero ng makita ang hilam kong mukha ay hindi na naituloy. Hindi na ako nakapasok at iniuwi nalang ni Leon. "Leon sagutin mo’ko!" Sumusunod ako sa likod niya habang paakyat kami sa hagdan. Hindi niya ako nilingon at pumasok sa aming kuwarto. "Angelica I'm tired hindi pa ako nakatulog!" Gusto ko siyang sampalin! How dare him act like this?! Ano 'yung mga narinig ko? Gusto ko nang eksplinasyon! "Leon sabi ng p-pulubi s-sa akin you killed my family! You killed my father and mother!” kumikirot ang puso ko. “Anong gusto mong maramdaman ko? Ni hindi ko nga alam na may magulang ako. Magulang na pinatay mo!" Hinubad nito ang t shirt at hinagis nalang basta basta. He's topless habang pagod

