Ano 'yung mga alaalang 'yun? Bakit ako at si Leon ang nandoon? Marami nang alaala at mga eksena ang biglang lumilitaw sa aking isipan na hindi ko maintindihan. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Nilulukob ako ng kakaibang damdamin. I am damn smitten. Gusto ko ang akin ay akin. Why am I like this? Masakit ang ulo ko nang magising. Nasa kuwarto kami ni Leon. Ang huling naalala ko ay sumakit ng sobra ang aking ulo kagabi. Ang babaeng kumandong sa kanya at sinugod ko 'yung babae bago ako nawalan ng malay. Napansin ko na bago na ang aking bestida. Isang suklay sa aking buhok sa pamamagitan ng aking daliri ay tumayo na ako para lapitan ang pinto. "Ma'am Angelica! Baka mapaano po kayo. Binilin ni Senyor Leon na sa kuwarto na kayo muna." Sabi ng katulong na sana ay papasok sa

