NAPANGITI ako nang makita ko ang hubad baro at malapad na likod ni Leo habang nagluluto sa may kusina. Nandito kami ngayon sa bahay na nasa niyugan dito sa may farm, kasama ang kambal. Dito kami natulog kagabi. Kahit nasa forty na hindi maipagkakailang mayroon siyang napakagandang katawan na siyang na-maintain niya. Guwapo, maganda ang katawan, mabait at mahal na mahal ako. Saan ka pa? "Busog ka na?" biro niya bago niya ako lingunin. Nakataas ang isa niyang kilay. Hindi ko namang mapigilang mapangisi sabay kagat ng aking labi habang nakatingin sa kaniya. Those perfect abs! Natawa siya at nailing-iling. Kinuha niya ang nakasalang na kawali sa may gas range at nilipat sa bandehado ang laman nitong sinangag. "Kumain na tayo habang naglalaro pa sila," sabi niya. Naupo ako sa tapa