PAGKAGALING sa hospital para sa aking monthly check up, dumiretso na muna ako sa supermarket upang mamili ng ilang stock para sa baby namin. Bumili din ako ng paboritong hopia ni Leo para mabawasan na ang pagtatampo niya. Naiiling na lang ako habang naaalala ang mukha niyang busangot kanina bago pumasok sa trabaho. Kung noon daw, kahit pagod na pagod ang katawan nakakarami pa. Ngayon kahit gusto hindi man lang daw makaisa. Natatawa na lang ako. Pagkatapos dumede ng isang anak namin, sunod naman ang isa. Pakiramdam ko nga wala na akong gatas, kaya kahit hatinggabi kumakain ako at humihigop ng sabaw upang makapag-produce ng madaming gatas nang sa ganon ay mabusog sila. Nag-text ako kay Leo pero hindi pa din niya sinasagot. Siguro nasa meeting pa din siya. Nasa aisle ako ng mg