Mabagal na lumipas ang isang linggo. Bumalik kami sa doktor na unang tumingin sa akin bago kami bumalik ng Cotabato. Dahil hindi na gobernador si Leo, bantay sarado niya ako. May negosyo siya pero hindi siya araw-araw pumapasok. Minsan nagtatrabaho lang siya sa kaniyang laptop. O kaya naman sasaglit sa labas upang um-attend ng meeting. Ilang beses na akong sumuka ngayong araw. Mas mahirap palang maglihi ng kambal lalo pa kung may edad ka na. But as long as my babies are healthy, ayos lang kahit mahirap. Kung palarin pa kami sa sunod na taon o sa susunod pa. Gusto ko pang mag-anak ulit. Binuhat ako ni Leo palabas ng banyo. Hiniga niya ako sa kama. Dahil nanghihina at nilalamig ako, agad niya akong kinumutan. Nahiga din siya sa aking tabi at niyakap ako ng mahigpit. Tahimik siya p