DAHIL nga buntis na ako at sa kambal pa, hindi na namin tinuloy ang dapat trip namin abroad. Saka na lang kapag nakapanganak na ako. "Magpahinga lang po muna ako sa kuwarto ko," paalam ko sa mga magulang ko pagkatapos naming mananghalian. Dinalaw namin sila ni Leo dito sa mansyon. Na-surprise pa sila nang dumating kami kanina dahil wala kaming abiso na dadating kami. Basta na lang kasi nag-aya si Leo na magpunta kami dito. Halos walang pinagbago ang aking kuwarto, mula nang iwanan ko ito at piniling tumira na mag-isa sa pinatayo kong bahay ilang taon na ang nakakaraan. Naglakad si Leo papunta sa aking kama at nauna nang mahiga roon. "Isa ito sa pangarap ko nang mga bata pa tayo," aniya na kinabungisngis ko. "Ang makapunta dito sa silid mo. At mahiga sa kama mo." Tuluyan na