"Mag-reply ka naman." Heto na naman ako sa pangungulit kay George. Hindi ko na alam ang gagawin ko upang pansinin niya ang mga text at mga tawag ko. Hindi talaga siya sumasagot. Dapat malaman ko kung ano ang number ng telepono sa opisina niya sa farm para doon ako tumawag sa araw. Kahit hindi nagre-reply, nagpa-deliver ulit ako ng bulaklak para sa kaniya. Kahit isang thank you wala man lang akong natanggap. Bumuntong hininga ako, hindi naman niya kailangang mag-thank you, dahil doon. Nagsimula akong maburyong sa aking trabaho. Kinukuwestyon ko tuloy kung masaya pa ba ako sa aking ginagawa. Ang isip ko ay wala ng ibang laman kung hindi si George. Naalala ko si Alex. Kasama niya ito sa farm. Ano kaya ang ginagawa nila sa mga oras na ito? PAGSAPIT ng alas sais, dumiretso ako sa ba