Tumawag ako kay Lilienne bandang alas-dos ng hapon. "Kumusta, Anak?" "Ayos naman po, Dad. Hindi pumasok si Mommy sa work. Nanood kami ng movie kasama si Rhiannon." Hindi pumasok sa farm? Then why the hell is she texting Lilienne then? Unless may iba pa siyang anak. Anak ba ang tawag niya sa mga pamangkin niya? Or. . . Hindi talaga siya wrong send. Huh! I knew it! Mahina akong natawa nang ma-realize ko ang kaniyang ginawa. Hindi ko talaga siya ni-reply-an. Baka bandang gabi mag-text na naman siya at ma-wrong send. "Dad," tawag ni Lilienne sa aking atensyon. "Yes, Anak..." "Pupunta po ako ng Manila. Opening ng isang branch ng business ni Camila." Ilang araw na pero hindi pa din bumabalik si Darius kaya siguro balak na niyang sundan sa Manila. Sana lang ganiyan din ang gawin