"NASAAN si Dexter?!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang galit na boses ni Leo. Nakatulog ako habang nagpapamasahe. Sa pagkagulat napabangon ako mula sa pagkakadapa. "Leo!" naiinis na sigaw ko sa kaniya. Nakahubad ako at tanging panty lang ang saplot ko sa katawan. "A-Ako po si Dexter, Gov..." nauutal na sagot ni Dexter. Inayos ko ang tuwalya at agad pinulupot sa aking katawan bago ko inabot ang bath robe na nakasampay sa upuan sa gilid. Matalas kong tinignan si Leo pero sinuklian lang niya ako nang masamang tingin. "Are you sure?" "Opo." Duda niyang tinignan ang babaeng masahista. "Can I see your ID?" "Ano bang ginagawa mo dito?" inis kong sambit. At bakit hinayaang makapasok ang lalakeng ito sa pamamahay ko? "Ito po, Gov." Pinakita sa kaniya ni Dexter ang ID niya.