KITA ang gulat sa mukha ni Doña Elena nang makita niya akong pumasok sa malaking bulwagan sa kanilang mansyon. "Good evening po, Ma'am..." bati ko. Kalaunan ay ngumiti din naman siya. "Good evening din. Nasa study room sila ni Solomon," tukoy niya kay Don Bustamante. Nauna na siyang maglakad at umakyat ng hagdan, nakasunod naman ako sa kaniya habang palinga-linga sa paligid. Napangiti ako nang makita ko ang malaking painting ng mukha ni George na nasa taas. Bata pa siya dito, hula ko nasa fifteen years old lang siya. Parang kailan lang. Hindi ko tuloy mapigilang maging emosyonal habang nakatitig sa kaniyang painting na para bang nakatitig din sa akin. Kung puwede lang sana tayong bumalik sa nakaraan. I would do better. Binuksan ni Doña Elena ang pintuan ng study room. "Ma