"Leo," tawag ko sa pangalan niya habang pilit ko siyang tinutulak pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap niya sa akin. Ang himbing ng tulog ko pero naalimpungatan ako dahil sa kaniyang presensya. At labis pa na kinagulat ko ang kaniyang pag-iyak ngayon. Ano kaya ang problema niya? "Ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong ko. "I'm sorry, Love..." Patuloy siya sa paghingi ng sorry. "Sorry, saan?" tanong ko naman dahil wala talaga akong maunawaan. Bumuntong hininga ako. Sinuklian ko ang kaniyang yakap. Hinaplos ko ang kaniyang likuran, sakaling kumalma siya at sabihin sa akin ang dahilan nang pagpunta niya dito. At dahilan ng iniiyak niya. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Nangangalay na ako at dahil sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin, halos mapisa na ang dib