MELANCHOLY

2606 Words

Nagpaalam ako kay Daddy na sasama ako kay Brad na gumala sa mall. "Okay, ilang buwan ka din na nasa bundok kaya maglibang ka," sabi ni Daddy. Mukhang maganda ang mood niya ngayon. Akala ko pa man din makakarinig pa ako ng mga kung ano-anong salita mula sa kaniya bago niya ako payagan. December ngayon. Isang buwan ko nang hindi nakikita si Lilienne. Hindi pa ako pumapasok sa eskwelahan, pero nagtatrabaho na ako sa farm. Akala nga ni Daddy nagbibiro lang ako nang sinabi ko na magtatrabaho ako. Pero nang inabot ako ng isang buwan, nagtatanong na siya kung ano ang pinaplano kong gawin. Mukhang wala pa din siyang tiwala sa akin hanggang ngayon. Wala na din akong magagawa pa. Basta ang alam ko, wala akong ginagawang masama. Ang ginagawa kong pagsusumikap ay para sa anak ko, na kada lin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD