SINUNDAN ko ng tingin ang ilang mga sasakyan ng mga Bustamante na magkakasunod na dumaan. Nakita ko ang tatlong sasakyan nila at dalawang SUV na gamit ng kanilang mga bodyguard. Bigla na lang sumikdo ang aking puso sa hindi ko maunawaang dahilan. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglakad, papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ng isang negosyante, na magtatayo ng negosyo at magbibigay ng trabaho para sa mga tao sa aking mga nasasakupan. PAGSAPIT ng weekend, nagpasya akong magpunta sa aming lupain. Miss na miss ko na si George. Isang dekada na mahigit ang nakalipas mula nang kami'y pagkaitan ng tadhana pero heto pa din ako, matiyagang naghihintay ng tamang pagkakataon para sa amin. Una kong dinaanan ang kubo nina Kuya na isang beses naming pinuntahan ni George noo