"MOMMY..." Kunot noo kong tinignan ang aking ina na nakaupo sa sofa dito sa aking silid. Sa kaniyang mga hita ay nakapatong ang aking bag pack. Kinakabahan man, nagmamadali ko siyang nilapitan. Kinuha ko ang bagpack ko saka pinatong sa aking study table. "What are you doing here?" tanong ko. Pinaseryoso ko din ang aking mukha. Naiinis ako dahil pinakialaman niya ang aking gamit. "Tapusin mo ang relasyon niyo ng bunsong anak ng mga Bustamante," sambit niya na kinatigil ko. Nanigas ako saglit. At nang makahuma ako, bumuntong hininga ako. Tinignan ko si Mommy na malungkot na nakatingin sa akin. "Kapag nalaman ng daddy mo, ipapadala ka niya sa ibang bansa. Ngayon na lang kita nakasama dito, Anak..." Bumuntong hininga ulit ako. "Naririnig mo ba ako, Leo?" "Mom, mahal ko po siya...