"PATINGIN ng celphone mo," sabi ko kay Leo nang maalala ko ang pinagsasabi kanina ni Alaiza nang sagutin niya ang tawag ko. Walang alinlangang binigay ni Leo ang celphone niya sa akin. Napataas ako ng kilay. "Alam niya ang password mo?" naiinis kong tanong. Agad na namang bumalik ang inis at galit ko. "Hinulaan. Alam naman niyang mahal na mahal kita, kaya malamang iyon agad ang sumagi sa isipan niya." Huminga ako nang malalim. Sa totoo lang, hindi ko naman alam ang password niya. But to check if he's telling me the truth, I unlocked it using my birthday. At nagbukas nga. Tumaas ang isang kilay ko. Ngumisi naman si Leo sabay siksik ng kaniyang mukha sa aking balikat. Picture ko ang wallpaper. At picture namin nang mga high school kami ang kaniyang lock screen wallpaper. Ang c