"TARA, Brad!" aya ko sa aking kaibigan nang mag-ring na ang bell. Natapos na ang huling subject para ngayong umaga.
Nagbaon ako ng lunch at meryenda para sa amin ni Brad, para hindi na kami kumain sa canteen.
Iiwasan ko na si Leo, kaya hindi na muna ako puwedeng magpunta sa parte ng eskwelahan na puwedeng nandoon siya. Pati sa library.
"Sa may mga puno sa likod ng school building na lang tayo kumain," aya ko. Puro oo lang siya. Mabuti at hindi matanong ngayon ang bakla. Wala siyang ideya dahil wala pa akong kinukuwento sa kaniya.
"Wow! Ang daming baon, huh..."
Ngumiti ako. "Syempre, pinahanda ko ang lahat ng iyan," sagot ko naman.
Pagkatapos naming kumain, hindi muna kami agad bumalik sa classroom. Nahiga kami sa nilatag kong blanket habang nagpapalipas ng oras.
Nang may sampung minuto na lang bago ang unang klase sa hapon, saka pa lang kami bumalik.
SA HULING subject nagkaroon kami ng activity. Dahil doon, kami ang pinakahuling natapos among other section or classes.
Habang nagliligpit ako ng aking mga gamit, bigla na lang nag-ingay ang mga kaklase naming mga babae.
"Si Leonardo Cervantes!" tili ng isa sa mga kaklase ko.
Bigla na lang kumalabog ang aking dibdib. Pati si Brad nakisali din.
"Girl!" Hindi ko siya pinansin. Nagmamadali kong inayos ang aking bag saka nilingon si Brad na mukhang kanina pa ako pinagmamasdan.
Nagtaasan kami ng kilay.
Tumango ako saka siya inaya. "Tara na," sabi ko sa kaniya.
Ilang sandaling napako ang tingin niya kay Leo. Pagkatapos ay binalik niya sa akin.
Humakbang siya palapit sa akin sabay kuha ng tote bag na pinaglagyan ko kanina ng baon ko.
Paglabas namin ng classroom, tinawag ako ni Leo.
Nag-init ang aking mukha sa hiya. Ni hindi ko siya sinulyapan. Inignora ko siya, lalo at nakita ko ang kaniyang mga kaibigan, kasama na din si Alaiza na nasa kabilang dulo ng classroom, nakahalukipkip at matalas ang tingin sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa akin. Wala naman akong ginagawa.
"Ano'ng nangyayari?" tanong ni Brad habang sinasabayan akong maglakad.
Narinig ko ulit ang boses ni Leo sa aming likuran. Talagang hindi yata ako tatantanan ng lalakeng 'to!
Mabuti na lang at nasa labas na ng gate ang sundo ko pagdating ko doon. Kung hindi, baka maghabulan kami ni Leo sa kalsada.
Nang makasakay kami ni Brad sa loob ng sasakyan, napatingin ako kay Leo. Nakatayo siya sa labas ng gate. Nasa likod naman niya ang kaniyang mga kaibigan. Mukha siyang malungkot. At ang aking damdamin parang nakikisimpatya din sa kaniyang nararamdaman.
"Ano'ng nangyari?" tanong ulit ni Brad.
"Huwag mo akong masagot-sagot na wala dahil hindi ako naniniwala."
Pasimple akong umiling sabay tingin sa driver. Tinikom naman niya ang bibig at saglit na nag-isip bago niya ako siniksik sa gilid.
"Bukas na lang," sabi ko.
Inirapan niya ako sabay hila sa dulo ng aking buhok.
"Hindi ako makatutulog kakaisip niyan..."
Tumawa ako. "Hindi ko na problema iyan," sagot ko naman.
"Hindi ka din sana makatulog," aniya.
At iyon nga ang nangyari.
Ano'ng oras na, hindi pa din ako dalawin ng antok.
Naiisip ko si Leo. Iyong pagpunta niya sa labas ng classroom. Pagtawag niya sa akin. At pati na din ang paghabol niya sa akin hanggang sa may gate.
Ano ba ang pumasok sa isip ng lalakeng iyon? Cervantes siya at isa akong Bustamante. Tapos ang lakas pa ng loob niya na lapitan ako kahit ang daming mga mata sa paligid. Alam ng mga tao kung sino kami.
INAGAHAN kong pumasok kinabukasan. Kung dati, ten minutes bago ang alas-otso nasa klase na ako.
Ngayong araw, alas-siete pa lang bumaba na ako ng sasakyan sa labas ng eskwelahan.
Hindi ko kasama si Brad. Naliligo pa lang siya nang daanan namin siya sa kanilang bahay. May maghahatid naman sa kaniya kaya hindi ko na lang siya hinintay.
Gaya kahapon, nagpa-pack ulit ako ng lunch para sa amin ni Brad, para lang iwasan si Leo.
Sana lang tumigil na siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya iiwasan. Kung hanggang kailan bago siya titigil. Huwag naman niya akong pahirapan.
AKO ang unang estudyante na dumating sa aming section. Habang naghihintay, nagwalis na lang muna ako ng sahig. Maglalampaso pa sana ako, kaso baka pagpawisan ako.
Seven thirty nang dumating si Brad. Maaga ito kaysa sa usual na pasok niya. Halatang nagmadali ito dahil magulo-gulo at basa pa ang kaniyang buhok.
Padabog niyang nilapag ang kaniyang bag. Naupo siya sa kaniyang silya na katabi lang ng akin.
Mapanuri niya akong tinignan. Dinaan ko naman sa biro ang lahat.
"Ang ganda ko ba ngayon?" tanong ko. Inikot niya ang kaniyang mga mata.
"May nangyari, no?!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya, kaya tinampal ko siya sa braso.
"Sabihin mo na sa akin," nakasimangot niyang aniya.
"Sabi mo kahapon, ngayon mo sasabihin..."
Huminga ako nang malalim. "Isa siyang Cervantes."
Nabigla siya pero halatang peke.
"Alam mo?" tanong ko.
"Malamang, alam ko. Tinawag siyang Cervantes kahapon," sagot naman niya. "Kaya may duda na ako kung bakit todo iwas ka sa kaniya."
"Oo. Kaya iwasan na lang natin siya, okay?"
Ngumiwi siya. "Bakit pati ako? Eh, ikaw lang naman ang gusto niya."
Masama ko siyang tinignan. "Hindi mo ako sasamahang kumain ng lunch, ganoon?"
Maarte siyang nag-iwas ng tingin sabay halukipkip. Hinampas ko siya ng papel.
"Ikuwento mo muna ang ibang detalye..." aniya. "May iba pang nangyari, sigurado ako. Naglilihim ka na sa akin."
"Oo na. Pero huwag dito."
"Eh saan? Kailan?"
"Georgina!" tawag sa akin ng isa sa mga lalake kong kaklase, kaya natigil kami sa pag-uusap ni Brad.
"May nagpapabigay sa'yo," aniya sabay abot ng isang papel.
"Kanino galing?" tanong ko, imbes na tignan ang nilalaman ng papel.
Nagkibit balikat siya.
Hinablot sa akin ni Brad ang papel na nakatiklop. Sininghot niya ang papel.
"Amoy mamahaling pabango," aniya.
"Akin na iyan!" sabi ko sa kaniya, dahil baka buksan niya at basahin. May kutob pa man din na ako kung kanino ito galing.
"Mamaya mo na basahin. Kapag nag-lunch tayo," sabi niya sabay lagay sa loob ng kaniyang bag.
Hindi ako makapag-focus sa klase dahil sa sulat. Inip na inip ako at parang gusto ko ng mag-lunch time agad.
Kaya nang matapos ang huling klase namin, nagmamadali kami ni Brad na nagtungo sa likod ng school building.
Siya ang naglatag ng maliit na blanket. Ako naman ang naglabas ng mga pagkain sa loob ng tote bag na dala ko.
"Kung ganito nang ganito hanggang matapos ang school year, malaki na ang ipon natin, " sabi niya na kinabungisngis ko. Nakabuti pa ang pag-iwas ko kay Leo. Makakapag-ipon kami ng kaibigan ko.
"Ano'ng uunahin mo? Ang kumain o ang basahin ang love letter na galing sa anak ng kaaway?"
Natawa ako. Inumang ko ang bukas kong palad sa kaniya.
Nagsubo ako ng pagkain saka ko binuksan ang papel. Ang bango-bango nga ng papel, mukhang in-spray-han niya ito ng sarili niyang pabango.
Pagkakita ko pa lang ng kaniyang penmanship, nag-iinit na agad ang pisngi ko.
"Ano'ng sabi?" tanong ni Brad.
"Hindi ko pa nababasa!"
"Hindi mo pa nababasa pero kinikilig ka na! Walastik!"
"Naman, e!"
Ginaya niya ako. "Nakakaarte pala makatanggap ng love letter sa crush mo..."
"Hindi ko siya crush, no!"
"Talaga lang huh? Hindi pa sa lagay na iyan!"
"Bahala ka nga, hindi ko na lang babasahin."
"Basahin mo na! Excited na akong malaman ang laman ng sulat niya."
Kinakabahan ako. Kainis!
Inabot ko kay Brad para siya na lang ang magbasa.
"Sure ka?"
"Ganoon din naman iyon, e..."
Huminga siya nang malalim bago binasa ang sulat.
"Dear George. Dear George?" Halos tumili ang bakla.
"George ang tawag sa'yo? Wow ha!"
"Nakakainis naman, binibitin mo pa. Basahin mo na!" singhal ko sa kaniya.
"Dear George, wala na yatang mas sasaya pa nang mapansin mo ako, pagkatapos ng ilang mga araw ng pagiging mailap mo sa akin. Lagi kitang pinagmamasdan at nakaabang na sulyapan mo kahit saglit man lang." Napakagat ako ng labi ko. Si Brad naman ay may pahawak -hawak pa sa kaniyang dibdib.
"Kaya nang magkaroon ng tiyansa na malapitan kita sa library..." Mapanghusgang tumingin sa akin si Brad, dahil wala siyang alam tungkol sa library.
"Labis kong kinatuwa. Sinusungitan mo ako pero atleast kinausap mo ako."
Umiling-iling si Brad.
"Nagkita ulit tayo sa may batis... I was so mesmerized looking at you from the other side. You look so beautiful. Your george-ous."
"Last Sunday, was the best moment of my life. And it's because of you. Eventhough, it was ruined by my annoying brothers..."
Tinigil ni Brad ang pagbabasa saka masama akong tinignan.
"Masasabunutan na talaga kita!" aniya.
Tumawa lang ako saka sinabing ituloy na niya ang pagbabasa.
"Finally, you smiled back at me. I really like you, George."
Tumili si Brad. Parang gusto ko ding tumili pero naunahan ako ng hiya.
"I thought were okay, then. But the next day, you've been ignoring me. What did I do? Did I upset you or something? O masyado ba akong mabilis? Sorry, ayaw ko kasing magpaligoy-ligoy pa. Baka kasi maunahanan pa ako ng iba. I hope you could write me back. —Leo"
Nang akmang titili ulit si Brad, mabilis kong tinakpan ang kaniyang bunganga.
"May makarinig sa atin, mahanap pa niya tayo..."
"Kinikilig ako kahit na naiinis ako sa'yo, dahil naglihim ka." Ngumuso ako.
"Nag-date kayo sa batis?"
"Hindi, no?" mabilis kong tanggi.
Hinila niya ang buhok ko. "Huwag ka ng mag-deny, huling-huli ka ng sinungaling ka!"
Nagtawanan kami. "Oo, kaso nalaman ko na Cervantes siya."
"Kaya mo siya iniiwasan?"
"Dapat ko siyang iwasan!" asik ko.
"Gusto mo ba siya?" tanong niya. Alam kong manunulsol na naman siya, e.
"Hindi ko alam. Pero kung susukatin, nasa forty percent siguro..." sabi ko. That's true.
Sabay kaming bumuntong hininga at ilang segundo na napatulala.
"Okay. Bahala ka sa buhay mo," sabi niya sabay bigay ng sulat sa akin. Sinimulan na niyang kumain.
Tahimik kami hanggang sa matapos kaming mag-lunch.
PAGDATING ng uwian, nilapitan ulit ako ng kaklase ko, upang mag-abot ng panibagong sulat.
Binasa ko na ito pagdating ko ng bahay. Ni-locked ko pa ng husto ang aking kuwarto, upang masigurong walang makapasok na iba.
"Dear, George. Hindi na ako mapakali dahil sa ginagawa mong pag-iwas sa akin. Kung masyado akong mabilis... I'm sorry. Let's take everything slowly, then. Please stop ignoring me. Talk to me, please... —Leo."
Hindi ko maunawaan ang aking sarili. May kung ano sa aking tiyan. It keeps on stirring. Hindi naman ako natatae. Tapos ang puso ko, ganoon na lang ang bilis ng pagtibok. Sumasakit na tuloy ang dibdib ko.
Gusto ko man siyang sulatan pabalik, pinigilan ko ang sarili ko. I don't think I'm at the right age to accept suitors. At mas lalong hindi puwedeng magpaligaw kung sa isang Cervantes pa.
Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ko kapag malaman nila? They would probably get mad.
Baka grounded na naman ako. Mabawasan ang allowance. Hindi ba't parang ang pangit para sa isang fifteen years old na kagaya ko na sumuway sa magulang dahil lang sa lalake?
Para namang ang landi-landi ko kapag ganoon.
Babastedin ko ba? Should I write him a letter too?
Hindi ako binigyan ni Brad ng advice. Iyong ibang nagbibigay ng love letter sa akin last year, hindi niya pinapabasa sa akin. Pinapabalik niya ang mga ito sa mga kaklase namin.
Sinabi ko na masyado siyang rude.
"Hindi mo din naman sila gusto, bakit mo pa tatanggapin ang sulat nila..." sabi niya. "Huwag kang paasa, girl..."
He has a point.
Pero ang mga sulat ni Leo, hindi niya pinabalik. Siya pa mismo ang nagbasa. Kinikilig pa siya.
KINAUMAGAHAN may bagong sulat na naman si Leo. He's telling me how frsutrated he was.
PAGBALIK namin ng classroom ni Brad, after lunch time. Nasa corridor siya at naghihintay.
Nayayamot na tumingin si Brad sa akin. Hindi na kasi kami makapaglakad-lakad ng malaya sa school campus, kakaiwas ko kay Leo.
"Alam mo, mas mabuti pa na kausapin mo siya o kaya sulatan mo din pabalik para tumigil na siya sa pagsunod-sunod," sabi ni Brad sa akin.
Ilang minuto na lang, mag-start na ang first subject ngayong hapon.
Pumasok si Brad sa room, hinintay ko naman si Leo na lumapit sa akin. Inabot lang niya sa akin ang kaniyang sulat, saka nagmamadaling bumalik sa kanilang classroom.
Napapagod na akong umiwas. Kung bakit kasi siya nag-transfer sa school na ito? Mas okay pa dati nang nag-iinisan kami dahil kay Alaiza.
Nakakairita na.
Hindi ko binasa ang sulat niya. Pinabalik ko ito sa kaklase kong taga-abot niya ng sulat.
Tingin ko, ito ang makabubuti.
"Huwag mo ng sabihin," sabi ko kay Brad pagpasok namin sa loob ng sasakyan. Alam ko, nakita ko ang bigong mukha ni Leo kanina nang ibalik sa kaniya ang sulat niya.
Sana ma-realize niya na ayaw ko sa kaniya. Sana ma-realize niya na hindi kami puwede. Bakit hindi siya nag-iisip?
Nakakayamot siya.
"PRINCESS," tawag sa akin ni Mommy nang maghapunan kami. Alam ko na kapag ganito ang tawag niya sa akin.
Tamad ko siyang tinignan. Nakangisi naman ang mga kapatid ko.
"Ni-register na kita para sa beauty contest..."
Napamaang ako. "Mom?"
Tinignan ko din si Dad. "Dad, may swimsuit category po ang patimpalak na iyon."
Nagkibit balikat naman ang Dad. Sa mga ganitong bagay, hindi na niya kasi kinokontra ang mommy.
Aburido akong tumingin kay Mommy.
"Don't worry, princess. May kinuha na akong trainer mo galing pa ng Manila. Bring the crown, okay? Make mommy proud. Make us proud."
"Hindi ko po alam," tamad kong sagot.
"You can do it! Isa ka yatang Bustamante," sabi naman ni Daddy.
Pati siya nakisali na din.
"Wala po akong talent," pagdadahilan ko ulit.
"Mag-ballet ka..." sabi ni Kuya. Nang three to five years old pa lang ako, sinali ako ni Mommy sa ballet class sa Manila.
"Hindi naman po pang-talent iyon."
"Piano... You're also good at that..."
"Kaya nga," sang-ayon din nina Daddy at mga kuya ko.
"Anak, you're talented."
Goodluck na lang talaga sa akin na ayaw ng atensyon.
PAGPASOK ko sa school kinaumagahan, naging usap-usapan ng ibang mga estudyante ang tungkol sa beauty contest, na gaganapin in three months.
Ilan sa mga estudyante sa eskwelahang ito ay sumali din.
Isa sa second year, isa sa third year at kami ni Alaiza.
"Georgina, buti pumayag ka?" sabi ng isa sa kaklase ko. Hindi kami close pero nakasama ko na siya since elementary, kaya alam niya na wala akong hilig sa mga ganitong bagay.
Noong elementary ako, kahit anong pilit sa akin ng adviser namin hindi talaga niya ako napasali. It's really not for me. Kaso...
Nagtaas ako ng balikat.
"Galingan mo, huh? Mag-chi-cheer ang buong section natin para sa'yo."
"Di ba, guys?"
"Oo naman!"
"Go, Georgina!"
Nahihiya ko silang inawat, kasi parating na ang teacher namin. Nakakahiya.
Halos kasabay lang ng teacher namin ang kaklase kong taga-abot ng sulat ni Leo. Napatingin siya sa akin kaya buong akala ko may iaabot na naman siyang sulat.
Napa-thanks, God! ako nang diretso siya sa kaniyang upuan.
Titigilan na din ako ni Leo. Puwede na akong kumain sa canteen bukas.