"MAY meeting pa kami sa team, mauna ka na lang," sabi ni Brad pagkatapos ng huling klase namin.
"Dadaan lang muna ako sa library," sagot ko naman. Sinukbit ko ang aking bagpack sa isa kaliwang balikat ko, saka binitbit ang totebag.
Isasauli ko ngayon ang libro at hihiram
ako ng bago. May nakita ako nang nakaraan na may interesting na teaser, tapusin ko iyon sa weekend.
Habang naglalakad ako papuntang library, may mga kumakausap sa akin na ilang mga estudyante na nakakasalubong at nadadaanan ko.
Nagtatanong sila about sa beauty contest na sinalihannko at ang iba naman ay nag-goodluck sa akin.
Wala pa talaga sa isip ko ang tungkol doon. Dahil madami na ang nakakaalam, doon ko pa lang naramdaman ang pressure.
Bakit ba kasi ako sinali ni Mommy?
Siguro kailangan kong mag-exert ng effort para sa contest. Kahit mag-runner up, ayos na sa akin. Pero... Kasali si Alaiza. Magpapatalo ba ako sa kaniya? Tiyak na mas lalong lalaki ang kaniyang ulo at baka maging tampulan ako ng tuskso dito sa school kapag matalo niya ako.
Dahil sa lalim ng iniisip ko, nagulat na lang ako nang may humablot ng bagpack ko.
"Ano ba?!" asik ko sabay lingon sa loko-loko.
Nagulat ako nang makita si Leo sa aking likuran. Kumaway siya habang may hindi mapuknat na nakakaasar na ngisi sa kaniyang mga labi.
Masama ko naman siyang tinignan at akmang aagawin sa kaniya ang bagpack, kaso mabilis niya itong inangat.
Hindi hamak na mas matangkad siya sa akin kaya kahit ano'ng tingkayad ko, hindi ko ito maabot.
Hinampas ko siya sa braso.
"Akin na sabi, e..." Inirapan ko siya.
"Not until you talk to me..." aniya.
"Bahala ka nga diyan..." Imbes na makipag-agawan, tinalikuran ko siya at nauna nang humakbang patungo sa library.
"Baka gusto mo ding bitbitin ito?" sabi ko sabay angat ng tote bag. Dinig ko ang kaniyang pagngisi.
Kinuha din niya ito. "So, kaya pala hindi kita nakikita sa canteen, nagbabaon ka... Saan ka kumakain?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot.
"At sino ang kasama mo?" Alam naman na niya ang sagot, pero ewan ko ba't kailangan pa niyang itanong. Bahala ka diyan!
Pumasok ako sa library at agad kinuha ang libro na plano kong hiramin. Nakasunod naman sa akin si Leo habang bitbit ang mga gamit ko.
"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ulit niya.
"Bakit hindi mo man lang sinagot ang mga sulat ko?"
"Bakit mo sinauli ang sulat ko kahapon?"
Nayayamot ko siyang tinignan, but still I didn't utter any single word.
Amused naman siyang tumingin sa akin.
"Mas lalo ka pang gumaganda kapag nagsusungit ka," sabi niya. Inirapan ko siya.
Mahina siyang tumawa sabay pisil ng tungki ng aking ilong.
"Ano ba?" sita ko sa kaniya.
"Sinabi ko lang na maganda ka kapag nagsusungit ka, pero huwag mo namang itodo ang pagsusungit sa akin. Nagiging dyosa ka na sa paningin ko. Baka mahulog ako lalo sa'yo, hindi na ako makaahon..."
Tinalikuran ko siya. Corny!
"George, bakit mo ba kasi ako iniiwasan? Akala ko okay na tayo?"
"Alam mo kung bakit, Leo. Tigilan mo na ako. Ilaan mo na lang ang pansin mo para sa iba."
"What? No!"
"Then I'll keep on ignoring you."
"George," bigo niyang tawag sa pangalan ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila hanggang sa dulo.
Hindi ako makasigaw. Pinili kong huwag sumigaw habang nakikipaghilaan ako sa kaniya.
"Saglit lang, may sasabihin ako sa'yo..." sabi niya at mas lalo pang nilakasan ang paghatak sa akin.
Dinala niya ako sa pinakadulo.
"Ano? Dalian mo na at baka nasa labas na ang sundo ko."
Sa halip na magsalita, tinitigan niya ako. Malamlam ang kaniyang mga mata na pinagmasdan ang aking mukha.
"You're making me crazy," aniya. "Ang hirap mong basahin..." bulong niya bago humakbang ng isang beses.
Nanlaki ang mga mata ko, kaya muli kong hinila ang kamay kong hawak niya.
"Leo..." mariing banta ko sa kaniya.
"I like you, George. I really like you. Give me a chance... Hindi pa ako nagsisimulang manligaw, binasted mo na ako agad."
Nagbaba ako ng tingin. I don't want to look into his eyes at baka mahipnotismo pa niya ako.
I can't fall on his charms. I can't like him. I can't love an enemy.
"George..."
Nag-angat ako ng tingin. Seryoso ko siyang tinignan sa mga mata.
"I'm sorry, Leo. I can't..." Umiling ako. "We can't..."
Kinuha ko ang mga gamit ko sa kaniya at nagmamadali nang lumabas.
Hindi na niya ako hinabol pa. Alam naman niya na wala siyang mapapala sa akin.
Ibigay na lang niya ang kaniyang atensyon sa iba.
Kay Alaiza... I'm sure may gusto sa kaniya ito. Hindi naman siya aasta ng ganoon kung hindi.
HINDI na sana ako magbabaon kinaumagahan pero tumawag kagabi sa landline si Brad. Magbaon daw ako, dahil wala siyang baon na pera. Grounded na naman siguro siya. Ano na naman kaya ang ginawa niya?
Nagkasabay kami ni Leo sa gate pagpasok pero hindi namin pinansin ang isa't isa. Kasabay niyang bumaba sa kanilang sasakyan si Alaiza.
Inirapan pa ako kanina ng babae. Wala naman akong ginagawa. Ni hindi ko nga pinansin ang lalake.
Tahimik ako buong klase. Hindi din ako nag-participate. Hindi naman ako malungkot, gusto ko lang ng katahimikan.
"Binasted mo?" tanong ni Brad habang kumakain kami. Tumango ako saka bumuntong hininga.
"Bakit mukhang ikaw ang nabasted?" pang-aasar niya.
Inirapan ko siya at sabay kaming nagtawanan.
"Puwede na tayong kumain sa canteen," sabi ko.
"Huwag na muna, magbaon ka na lang. Mas masarap ang baon mo kaysa mga pagkain doon. Makakapag-ipon pa tayo..."
"Sabagay..."
Nahiga ako sa tabi niya pagkatapos naming kumain. Binasa ko ang libro na dala ko samantalang umidlip naman siya.
Wiling-wili ako sa binabasa ko, hanggang sa mapansin ko ang pares ng mga mata na nakamasid sa amin.
Bahagya akong bumangon upang tignan kung may ibang tao na naririto.
Nakita ko si Leo sa may gilid ng building. Seryosong nakatingin sa akin. Ang mga mata'y matalas.
Kumunot ang noo ko. Pinagmasdan ko siya hanggang sa tumalikod siya at naglakad paalis.
Ano naman kaya ang problema ng lalakeng iyon?
NANG uwian na, nakasabay namin sila ng kaniyang mga kaibigan na maglakad palabas ng gate.
"Hi, Leo!" bati sa kaniya ni Brad pero hindi niya pinansin ang kaibigan ko.
"Papansin," bulong ni Alaiza. Ang epal talaga ng babaeng 'to.
Hinawakan ko ang braso ni Brad.
"Hayaan mo na lang siya," sabi ko. Saka lalake siya, hindi talaga nag-iisip minsan.
"Nakakababa ng uri pumatol sa kaniya," bulong ko at sinadya kong iparinig sa babae.
Napangisi ako nang akmang susugod siya sa amin.
"Di ba? Sabi ko sa'yo, e..." bulong ko. Nginisihan ko si Alaiza na nagngingitngit sa galit.
WALA kaming klase ng Biyernes. Nilaan ko ang buong maghapon na basahin ang hiniram kong libro sa library.
Sabado nang umaga naman ng makatanggap ako ng tawag mula sa landline.
Hindi naman sinabi ng kasambahay kung sino ang tumawag.
"Hello, Georgina speaking..."
"Hintayin kita sa batis," sagot niya mula sa kabilang linya.
Ang lalakeng 'to!
"Hindi ako makakapunta. And we already talked about this!" pagmamatigas ko.
"Hihintayin pa din kita. At wala tayong napag-usapan. Wala akong natatandaan na sinabi ko na pumapayag ako sa sinabi mo."
"Leo..." Iyong feeling na gustong-gusto ko nang sumigaw, pero kailangang magtimpi dahil baka may makarinig sa akin.
"Huwag ka ng magsayang ng oras mo. Hindi ako pupunta."
Bumalik ako sa aking silid. Part of me wants to go there.
Nagpasya na ako. Hindi ko puwedeng baliin ang pasya ko na iyon.
Maghapon akong hindi mapakali. Baka nagpunta siya at maghintay.
Pero hindi ko naman na kasalanan pa kung maghintay siya nang matagal.
Sinabi ko naman na hindi ako dadating.
Kinagabihan, habang kumakain kami ng dinner, nakatanggap ulit ako ng tawag sa landline.
"Ma'am, kaklase mo daw po..." imporma ng maid.
"Sagutin ko lang po," paalam ko.
"Georgina..." tamad kong sambit.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na kauuwi ko lang..." aniya saka binaba ang telepono.
Nagngitngit ako sa inis. Tumawag siya para konsensyahin ako?
Napakagaling na taktika.
"Sino iyon?" tanong ni Mommy.
"Lalake daw..." dagdag din ni daddy.
Kinantiyawan ako nina Kuya.
"Opo, may tinanong lang po tungkol sa assignment namin."
Nagkatinginan sila saka mahinang natawa.
"Kung may manligaw sa'yo, ipakilala mo siya sa amin para makilatis namin, okay?" sabi ng mga kuya ko.
Napangiwi naman ako. May mga senaryo na pumasok sa aking isipan dahil sa sinabi nila.
Dad, Mommy, mga Kuya. Si Leonardo Cervantes po, bunsong anak ng mga Cervantes. Manliligaw ko...
Jusko po! Gulo talaga ang dala nu'n sa pamilya namin.
KINAUMAGAHAN, Sunday, dumating ang trainor na galing ng Manila. Tinuruan niya ako ng mga basic na pagrampa.
Hindi ako sanay na magsuot ng heels na pagkataas-taas kaya nahirapan akong maglakad ng maayos. Sumakit din ang aking mga binti.
Ilang beses akong natalisod at kamuntik madapa.
"It's okay, ilang buwan pa naman ang preparasyon natin. Magaling na magaling ka na noon," pampalubag loob ng trainer nang frustrated akong naglakad sa huling para ngayong araw.
Pinilit din ni Mommy na ngumiti. "Yeah. You can do it, Anak. Balita ko, nag-hire din ang mga Cervantes ng trainer para sa pambato nila."
Bakit kailangan pa niyang sabihin iyon?
Bago ako umakyat sa aking silid, tumawag na naman si Leo. Nayayamot man, pinilit kong maging formal at relax, dahil nakatuon ang tingin ng pamilya ko sa akin.
Dati-rati, wala namang tumatawag sa akin na kaklase, bukod kay Brad na kilala na nila.
"Hello?"
"Galing ulit ako sa batis..."
Napabuntong hininga na lang ako. Gusto ko siyang singhalan, kaso nandito ang mga magulang ko.
"Nakokonsensya ka na ba?" nang-iinis niyang tanong. Makokonsensya na sana ako, kung hindi ka nang-aasar.
"I just want to hear your voice before I go to bed. I miss you. See you tomorrow?" Humalakhak siya.
Lakas ng trip! Binaba ko ang telepono.
"Manliligaw mo ba iyon?" tanong ni Mommy.
Ngumiti ako saka umiling.
"No, Mom. Ni-remind lang niya ako sa assignment."
Hindi ko alam kung naniniwala ba sila sa sinabi ko. Nagkatinginan kasi silang apat.
"Aakyat na po ako. Goodnight po..."
BAGO magsimula ang first subject, nagpunta sa aming classroom ang aming adviser kasama ang principal.
"May bago kayong kaklase."
Nag-ingay ang mga classmates ko.
"Mas madami ang ibang seksyon kumpara sa inyo, kaya nilipat namin ang ilan sa kanila."
Nanlaki ang aking mga mata. Nagkatinginan kami ni Brad.
"Kilala niyo naman na siya..."
Tumili ang mga kaklase kong mga babae nang pumasok si Leo.
"Hi, you can call me Leo," pakilala niya. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit
ang kaniyang daliri.
Iyon pa lang pero halos mag-wild na ang mga kababaihan.
"Okay, Leo. Hanap ka na lang ng upuan," sabi nila. May mga upuan sa likod. Pero ang katabi ko ay absent ngayon kaya doon siya naupo.
Nangingiti ang adviser namin. Umiling siya at tahimik na lumabas ng klase.
"Hi," nakangiti niyang bati sa akin pagkaupo niya.
Hindi ko siya pinansin dahil pumasok na ang teacher namin para sa unang subject.
Kinalabit niya ako kaya matalas ko siyang tinignan.
Istorbo sa pag-aaral!
"Sir! Puwede po bang lumipat ako sa harap? Ang tangkad kasi ni Leo," sabi ng kaklase naming nakaupo sa likuran ni Leo.
Napangiti ako. "Palit na lang kayo ng upuan ni Mr. Cervantes," sabi naman ng teacher.
Napangisi ako. Kakamot-kamot ulo namang tumayo si Leo saka nakipagpalitan ng upuan.
Natawa si Brad kaya sinulyapan ko siya.
Nagsulat siya sa kaniyang notebook.
"Lagot ka. Mukhang patay na patay sa'yo."
Umiling ako.
Nakikinig ako sa discussion ng pangalawang teacher namin nang kalabitin ako ni Leo mula sa likod.
Hindi ko siya nilingon kahit iritang-irita na ako sa kaniya. May inabot na papel ang katabi ko. Pasimple niyang tinuro si Leo sa kaniyang likod.
Tinignan ko ang papel.
May nakasulat na "I"
Nilukot ko ito.
May inabot ulit na papel. "Like"
Nilukot ko ulit kahit na gustong-gusto ko na siyang lingunin at sitahin.
Lumipas ang dalawang minuto. Hindi na siya ulit nag-abot ng papel kaya nilingon ko siya.
Ngiting-ngiti ang lalake habang hawak ang notebook kung saan may nakasulat na "YOU"
Mukhang kanina pa niya ako hinihintay na tumingin sa kaniya.
"Sir, hindi po ako makapag-concentrate, ang ingay po nina Leo at Georgina!" sabi ni Brad.
Nag-ingay ang mga kaklase namin. Seryoso naman kaming tinignan ng aming teacher.
"Mr. Cervantes and Miss Bustamante. Sa likod na muna kayo maupo para hindi kayo nakakaistorbo ng mga kaklase niyo na gustong matuto."
What?
Hindi na ako nakipagtalo pa. Tumayo na ako at nagpunta sa likod. Naupo sa bakanteng silya.
Sumunod din si Leo, naupo siya sa tabi ko.
Masama ko siyang tinignan. Sinipa ko din ang paa niya dahil sa inis.
Hanggang sa panghuling subject ngayong umaga, sa likod kami nakaupo ni Leo. May iba nang naupo sa upuan ko. Mukhang pinaokupa ito ni Brad.
Isa pa 'tong baklang 'to!
"Tigilan mo ako, Leo..." banta ko dahil imbes na makinig sa teacher, sa akin nakatuon ang mga mata niya.
"Ayaw ko. Hindi kita titigilan hangga't hindi mo ako sinasagot."
Nag-init ang aking pisngi. "Hindi mangyayari iyan. Sagot na hindi puwede, iyon pa..." sabi ko.
"Let's see," bulong niya.
"Huwag mo ng tignan. Huwag mo na ding subukan. Wala kang mapapala sa akin."
"Magtatiyaga ako. Liligawan kita hanggang sa sagutin mo ako ng matamis mong oo."
"Asa ka!"
"Oo naman, aasa ako at magtatiyagang ligawan ka."
Umirap ako.
"Ms. Bustamante, inirapan mo ba ako?" tanong ng teacher namin.
Mabilis akong umiling-iling. "Hindi po, Ma'am!"
Kapahamakan ang dala ng lalakeng 'to talaga.
"Si Leo po ang inirapan ko."
Nagtawanan ang buong klase. Tinutukso na kami.
"Makinig kayo," sabi ng teacher. Nagpatuloy ulit siya sa pag-discuss.
"Hindi mo ba ako gusto? Ano'ng hindi mo gusto sa akin?" tanong ulit ni Leo.
Sinipa ko ang paa niya.
"Makinig ka nga!" pabulong kong sita.
"I really like you, George."
"Ms. Bustamante at Mr. Cervantes, mamaya na kayo magligawan. Makinig muna kayo sa akin!" agaw ng teacher sa atensyon namin.
Nakakahiya! Kung puwede lang magpalamon sa lupa ngayon din.