"Papayag ako, dahil gusto ko rin na malinawan." Tugon ni Hyo. "Thank you Hyo-Ji," saad ni Dane at muling niyakap ang asawa. "D-Dane, gusto kong malaman ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Matutulungan mo ba ako?" "Of course, gagawin ko 'yan Hyo-Ji. Dahil gusto ko na bumalik sa normal ang ating buhay. Lalo na ngayong tahimik na ang lahat." "Ano ang ibig mong sabihin? Magulo ba ang buhay natin noon?" "Buhay ko Hyo-Ji. Buhay ng aking pamilya." "Bakit? Paano nganyari?" "Blom, isa kang magaling na bodyguard. Pinagkatiwalaan ka ng aking ama, hindi ko alam na babae ka pala. Dahil, isa kang ninja bodyguard, kayo ni Huang Yong. Bago namatay ang aking ama ay ibinilin niya ako sa'yo. Blom ang pagkakilala namin sa'yo. May nakilala ako noon isang babae. Nasa malayo lang ako at lihim ko siyang