"I know, na hindi talaga titigil si Tony hanggat hindi kayo mababawi. Pero sorry siya, dahil hindi ko hahayaan na makuha ka pa niya sa akin." matapang na pahayag ni Dane at pinaharurot niya ang sasakyan. "Dane, dahan-dahan lang mababangga tayo." Tarantang sabi ni Hyo. At niyakap ng mahigpit ang anak. "Take this," sabi ng lalaki at inabot ang baril sa kaniya. "Huh?! Ano ito?!" "Tanggapin mo Hyo-Ji, kapag nahawakan mo ito baka maalala muna kung sino ka. Akin na ang ang bata." Pansamantalang pinahinto ni Dane ang sasakyan at kinuha niya ang anak. Dali-dali niyang hinubad ang kaniyamg sweet shirt. "Pakitali nito Blom." Utos niya. Para magiging safety ang bata. Nilagay niya ito sa kaniyang dibdib. "Kinakabahan ako Dane," "Wala sa dugo mo ang kabahan Blom, dahil wala kang kinakatakuta