FOR the first time in my life, a huge pressure was lifted off my chest. Bigla ay natagpuan ko ang sarili na hindi aligaga sa kung ano ba ang dapat gawin, o isipin. Unti-unti ay naging malinaw kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko. At sa una ring pagkakataon, naramdaman ko kung paano bang maging matiwasay sa pag-iisip at pakiramdam. “Mom!” I heard Jordan called me from his room across mine. Mabilis akong lumabas ng kuwarto ko at pumunta sa kanyang silid. “Yes!” May pag-aalala sa aking tinig. Iyong sigaw naman kasi niya ay parang nagmamadali. Kaya bigla akong kinabahan, lalo pa at kahit magaling na siya sa kanyang sakit, hindi ko pa rin maiwasang matakot. Sa kanya ay nakararamdam ng kakaibang emosyon—takot, tuwa, lungkot, ngiti, saya, at kung ano-ano pang mga emosyon na