MABILIS na binawi ni Kayla ang kanyang cellphone at itinago iyon sa kanyang likuran na para bang aagawin ko iyon sa kanya. I could feel myself trembling in…I don’t know. Basta ang alam ko, hindi ko nagustuhan ang narinig. But I still acted politely as possibly as I could. Dumiretso nga ako sa silid ng anak namin kahit may mga katanungan akong gustong ibato sa kanya. “Dad!” Jordan quickly left his bed where he was sitting down and hugged me. “I brought your reserved medicine pouch. Sigurado akong naisama ko ang mga gamot sa gamit mo, anak.” Inilapag ko ang dala sa ibabaw ng display cabinet. “Oh, that? Actually…I just found it.” He shrugged his shoulders. Napatitig ako sa kanya. Napakunot ng noo. “What?” That was not really a question, more