Masakit ang aking kamay at may naririnig akong boses na nagbubulungan sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Naramdaman ko ring sobrang lamig.
Nasaan ako?
Ang boses na naririnig ko ay biglang luminaw nang tuluyan akong magkaroon ng malay sa aking paligid.
Nanginig ako nang maramdaman kong umihip nang malakas ang hangin.
Dumampi ito sa aking pisngi na nagpagising sa akin ng tuluyan. The rigid air makes me fully aware of my surroundings.
Malabo ang aking paningin nang imulat ko ang aking mata. Kukusutin ko na sana ngunit hindi ko magawa.
"Ano nang gagawin natin."
"Hintayin natin ang utos ni Nicole."
Malapit lang sa aking ang mga boses na aking naririnig kaya lumingon ako kung saan ko narinig ito.
Nung una ay nagtataka ako kung bakit may naririnig akong boses at bakit may nakikita akong tanawin ngunit nang mapagtanto ko ay narito pala ako sa rooftop.
Nang rumehistro sa akin ang pangalan ni Nicole. Bigla akong nanigas sa aking kinauupuan. Ang nanlalabo kung mga mata ay biglang luminaw.
May nakikita akong mga pigura ng kalalakihan. Mahahalatang lalaki sila dahil sa hugis ng kanilang katawan.
Napansin ko ang apat na pigura ng lalaki na papalapit sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang kanilang mukha dahil nagsisimula ng dumilim ang paligid.
Ana dalawang lalaki ay umupo sa aking tabi. Mukhang hindi nila napansin na gising na ako.
Biglang bumalik sa aking alaala ang nangyari kanina sa pasilyo.
May humawak sa aking lalaki at tinakpan ng panyo ang aking bunganga at ilong.
Nakaupo ako ngayon sa upuan na palagi naming ginagamit ni Kairo. Ang aking mga kamay ay mahigpit nilang tinali sa upuan.
"Oh, gising na pala ang prinsesa," rinig kong sambit ng isang lalaking malapit sa akin.
Bigla silang nagtawanan pagkatapos niyang sabihin iyon. May suot silang maskara ngunit nahihimigan ko kung sino ang nagsalita.
Si Samuel.
Tiningnan ko siya ng masama kahit alam kong hindi naman niya makikita.
"Pakawalan niyo ako!" sigaw ko ngunit nagtawanan lamang sila dahil ungol lang tanging maririnig mula sa akin. "Uhmm!"
Sinubukan kong kalasin ang aking kamay ngunit sobrang higpit ang pagkakatali nila rito.
Gusto kong sumigaw ng malakas ngunit hindi ko magawa dahil may busal ang aking bunganga.
Ang kaninang takot na naramdaman ko ay napalitan ng galit.
Bakit ba nila ginagawa ito sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa kanila, ah.
At si Nicole. Kaya ba sobrang sama ng tingin niya sa akin nung mga nakaraan dahil gagawin niya ito? Ano ang dahilan niya?
"Uhmmmm!" sigaw ko ulit sakaling may makarinig sa akin ngunit wala paring nangyari dahil mahina lamang ang pagsigaw ko.
Lalo lang silang nagtawan.
"Kawawa naman ang prinsesa ni Kairo," rinog kong sambit ng isa sa kanila. Pamilyar ang kaniyang boses ngunit hindi ko lang alam kung saan ko iyon narinig.
"Mukhang hindi na siya maliligtas ng prince charming niya," dagdag ng isa na naging dahilan upang tumawa sila.
Mahina lang ang kanilang tawa at alam ko ang dahilan kung bakit. Baka may makarinig sa kanila puntahan kami rito.
Pilit kong tinatanggal ang pagkakatali sa aking kamay. Naramdaman ko itong lumuwag ng kaunti kaya inulit ko ito nang inulit.
"Ano daw ang gagawin dito?" rinig kong tanong ng isa na may hawak na baseball bat. Nang makita ko ito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.
Kailangan kong makatakas dito dahil baka hinahanap na ako sa amin. Ayokong mag-alala si Mama. Buti na lang at nagpasundo ako kay kuya at sana lang ay hanapin niya ako.
Sa tiyansa ko ay malapit ng mag-alas-sais siguradong tapos na ang ang trabaho ni Kuya. Sana nga ay hanapin niya ako.
Biglang bumalik ang takot sa aking dibdib. Ano ang gagawin nila sa akin? Hindi naman siguro nila ako papatayin lalo na at nasa school premises kami.
May mga CCTV na nakalagay sa bawat sulok ng school kaya malalaman nila kung saan ako sakali mang may mangyaring masama sa akin.
Hindi maaari, kailangan kong makakalas dito.
"Ano daw ang gagawin natin sa kaniya," rinig kong sambit ng isa sa dumukot sa akin. Halatang nababagot na siya dahil sa kaniyang boses.
Malapit na, konti na lang matatanggal ko na ang tali sa aking kamay.
"Pagsabihan daw na layuan si Kairo," sabi ni Samuel.
Bakit ko lalayuan si Kairo? Ano naman sa kanila iyon?
Oo nga pala. Utos ito ni Nicole.
"Hindi ko naman nakikitang lumalapit ito kay Kairo ba't niya ipag-uutos na layuan?" nagtatakang tanong ng isa na malapit sa akin.
Buti at nagagawa namin ni Kairo na iwasan ang isa't-isa sa mga mata ng tao kahit sinasabi ni Janice na halata raw sa mga tinginan namin na may ugnayan kaming dalawa.
"Nahuli ko silang naghahalikan-"
Tumingin ako sa nagsalita at napansing natigilan siya.
Kaya pala pamilyar ang boses niya. Si Alfred pala ito.
Hindi nga niya pinagkalat ngunit sinabi niya naman kay Nicole.
Kaya pala kung makatingin si Nicole sa akin ay parang babalatan niya ako ng buhay. Her stares that send shiver to my nerves. Iyon pala ang dahilan.
Tiningnan ko siya ng masama. Parang napansin niya ito dahil bigla niyang umiwas ang kaniyang tingin.
Sa sobrang galit ko ay hindi ko napansin natanggal ko na pala ang pagkakatali sa aking kamay buti at hindi nila pinansin. Dahil hindi nakatingin ang lalaking malapit sa akin nagawa kong kapain ang aking bulsa kung nasa loob ang aking phone ngunit hindi ko ito maramdaman.
Bahala na! Ang importante ay makaalis ako rito. Saka ko na poproblemahin kapag tumawag na ako ng tulong.
Kailangan kung tumakbo. Kung natatakasan ko ang mga bully dati ay sigurado akong magagawa ko ito ngayon.
"Kaya pala todo kung makatanggol yung lalaking iyon sa baklang 'to noon. May relasyon pala," sambit ni Samuel na may halong panunuya sa kaniyang boses. "Pa'no kaya kapag malaman niyang hawak natin ang pag-aari niya?"
Nang sabihin niya ito ay bigla akong tumayo at sinipa ang lalaking malapit sa akin. Buti at malakas ang pagkakasipa ko kaya natumba siya.
Nagtayuan sila ni Samuel at Alfred at ang isa pa nilang kasama kaya binilisan ko ang aking galaw.
Bigla akong tumakbo papuntang exit ng rooftop. Malapit na sana akong makalabas nang maramdaman ko ang matigas na bagay na tumama sa aking ulo.
Napapikit ako sa sakit na aking naramdaman. Sa sobrang sakit ay nanginig ang aking tuhod. Parang hinahati ang aking ulo.
Lumabo ang aking paningin at napaluhod ako sa sahig. Hinawakan ko ang likod ng aking ulo kung saan ko naramdaman ang sakit.
"Tingin mo matatakasan mo kami?"
Kahit na hindi ko masyadong rinig ay alam kong si Samuel ang nagsalita.
Malakas na tadyak ang aking natanggap mula sa aking likuran na naging dahilan upang mapadapa ako sa malamig na semento.
May naramdaman akong likido na dumaloy sa aking sintido ngunit binalewala ko iyon dahil sa sakit na humahagod sa aking ulo.
"May dugo!"
Napasinghap ako at ang huli kong narinig bago ako kinain ng kadiliman ay ang mga yabag ng paang papalayo.
I CAN hear muffled voices pero hindi ko alam kung bakit ko naririnig ito. Ang ugong ng boses na aking naririnig ay naging dahilan upang sumakit ang aking ulo. I can also hear a beeping sound of machine.
At hindi ko rin gusto ang aking naaamoy sa paligid. It makes me think of the place I despise the most. The place where I don't want to visit cause of some memories I don't want to remember. Can somebody tell me where I am? I hate feeling this way.
What is happening? Bakit hindi ko maigalaw ang aking katawan? Who held me immobile? Anong ginawa nila sa akin bakit parang naninigas ang aking katawan?
At bakit sobrang dilim? Gusto ko ng liwanag. Nasaan ang liwanag. Gabi ba ngayon o nakapikit ba ako?
Bakit may naririnig akong boses?
Ang ingay, sumasakit ang ulo ko.
Ayokong makarinig ng ingay.
Gusto kong takpan ang aking tainga ngunit hindi ko magawa. Gusto kong itaas ang aking kamay at itakip sa aking tainga ngunit sobrang bigat ng aking braso.
Nananaginip ba ako? Isa ba itong bangungot?
Ayoko na.
Gisingin niyo ako!
Gusto kong umiyak dahil mas lalong lumakas ang ingay na aking naririnig na hindi nakatulong sa sakit ng aking ulo.
The beeping sound of the machine keeps ringing louder in my head. Ano itong mga naririnig ko?
At bakit masakit ang ulo ko?
Sobrang sakit.
Gusto kong bumaluktot ngunit naninigas ang buo kong katawan. Kahit ang mga daliri ko'y hindi ko rin maigalaw.
I wanted to block all the noises around me but I don't know how.
Suddenly, all the voices I heard vanished. Ang naririnig ko na lamang ay ang tunog ng machine.
Gusto ko ring mawala ang tunog na yan.
Naramdaman kong may humawak sa aking braso at ang pagtusok ng kung ano sa aking balat. May kaunting sakit akong naramdaman ngunit bigla lang naman nawala.
Para akong maiiyak sa tuwa nang unti-unting nawawala pati ang tunog na aking naririnig at parang hinihila ako sa kadiliman na kung saan wala akong narinig na kahit ano. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari ang alam ko lang ay naging mapayapa ang aking naramdaman.