I blink my eyes for feels like a million times now. Malabo ang aking paningin at walang kahit na sino mang tao ang narito. Kanina pa ako tulala at naiinis na sa tunog ng machine na nasa aking tabi.
I'm staring at the white ceiling. Actually, lahat ng nasa aking paligid ay puro puti. I just don't understand where the hell I am. Though, I have a feeling of what this place like because of the awful smell I inhaled that's so familiar with me but still, I need to make sure if I'm right.
Gusto ko sanang kusutin ang aking mata para luminaw ang aking paningin ngunit para bang naging bakal ang aking braso at hindi ko magawang buhatin ito kaya naghintay na lamang ako ng kung sino man ang makikita kong tao sa paligid at para matanong ko kung nasaan ako.
Goddamn! This machine needs to stop beeping. Nakakainis na. Kanina ko pa naririnig ito, naririndi na ako. At malapit sa tainga ko pa talaga nilagay.
Bumuntong hininga ako.
And the huge question right now is why the h*ll is there a machine beside me?
Gusto ko ng kasagutan!
Ayokong ipikit ang mata ko dahil baka makatulog na naman ako kagaya kanina. Ikaapat na gising ko na ito at hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang tao na pwedeng magpaliwanag kung saang lupalop ako ng mundo nilagay. O baka ako lang mag-isa rito at nawala na ang sangkatauhan. At ako na lang ang natirang tao.
Ha! This isn't a science fiction movie. Kung ano-ano na ang naiisip ko.
You have no idea of how good it felt when I heard a door open and shut. So? I'm in some kind of a room. Well, this makes sense. Maybe, tama iyong iniisip ko kung nasaan ako.
If only I can shout the question right away..
Sinubukan kong ibuka ang aking bunganga para magsalita ngunit hangin lang ang lumabas. May tunog ngang lumabas ngunit magaspang na ahhhh lang naman. Nako, ang malas ko ata ngayon.
Narinig kong lumapit sa akin ang kung sino man ang pumasok at sana mapansin niyang mulat ang aking mata kasi kanina pa ako naiinip.
Ngunit parang nakatalikod siya sa akin. May naririnig kasi akong mahinang ingay mula sa kaniya. Tunog ng cellophane? Maybe. Hindi ko nakikita e.
So? Kailangan ko pang maghintay pa ng ilang sandali bago ako mapansin?
Okay. Kaya ko ngang maghintay ng ilang oras, ilang sandali pa kaya.
"Jasper? Gising ka na?" rinig kong singhap ng kung sino man ang nagsalita.
Obviously, do I need to speak para mapatunayan sa'yong gising na ako? Kung maaari ko lang iikot ang mga mata ko ay ginawa ko na. Pero wala, sabi ko nga ang malas ko ngayon.
Teka nga, bakit hindi ko maigalaw ang ulo ko? Hindi lang ba lumabo ang mata ko at pati narin stiff neck nagkaroon ako? Mukhang na paralyzed na rin ako dahil daliri ko lang ang kayang kong galawin. And for the third time. Ang malas ko nga talaga.
"Gising ka na nga. Tatawag ako ng doktor."
Narinig kong tumakbo siya papalabas. A doctor? I'm in the hospital, I know that, Im aware and he will call the doctor because? May nangyari bang masama sa akin na hindi ko alam?
Wait, let me recall it.
Damn! Why do I have an empty mind right now? What is happening? Pati ba utak ko ay wala na ring laman? Nako, naman. And for the fourth time. Sobrang malas ko ngayon!
Parang maiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon.
Ilang sandali ay maraming yabag ang naririnig ko.
Siguro ay ito na ang tinawag niyang doktor.
Pinainom niya ako ng maring tubig upang makapagsalita ako ngunit wala paring boses ang lumalabas sa akin.
The doctor ask me so many question na mas lalong nagpainip sa akin. Mabuti na lang at iling at tango lang ang ginawa ko. Gusto ko na lang makatulog ulit buti at ilang sandali ay natapos din.
At narinig kong sinabi niya sa babaeng nagpakilalang kaibigan ko ay mayroon daw akong memory loss at huwag daw silang mag-alala at temporary lamang ito. Babalik din daw habang ako ay nagpapagaling.
Okay, memory loss. Kaya pala wala akong maalala kung bakit ako nandito.
Ang babae na kaninang pumasok dito at tumawag ng doktor ay nasa tabi ko na. Janice raw ang kaniyang pangalan. Hmmm, sounds familiar.
Namamasa ang kaniyang mata na parang maiiyak na. Hawak niya rin ang aking kamay. Naramdaman ko ang higpit nito na para bang natatakot siyang maglaho akong biglaan kung hindi mahigpit ang pagkakahawak niya.
Hindi ko alam kung bakit nang makita ko ang dalawa naming kamay na magkahawak ay parang may humaplos sa aking puso ngunit hindi ko iyon pinansin.
"Buti at gising ka na Jasper. Halos isang buwan ka ng walang malay," mahinang sambit niya at rinig ko ang panginginig nito. "Tinawagan ko na sina Tita at Kuya Ezekiel pati kahit kakauwi lang nila. Tinawagan ko na rin si Kairo."
Kahit hindi ko kilala ang mga binanggit niya ay tumango lang ako. At teka! Halos isang buwan? Halos isang buwan na akong nakahiga rito?
Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Siguro ay nababasa niya ang laman ng aking isipan dahil bumuntong hininga siya at saglit na tumahimik.
"Sasabihin ko sa'yo kapag magaling ka na. Baka kasi ma-stress ka. Dapat raw iwasan yun sabi ng doktor."
Nainis ako sa kaniyang sinabi kaya hinablot ko ang aking kamay na hawak niya.
Nakita ko siyang siyang tumingin sa akin at mukhang natatawa dahil sa ngiti na nakikita ko sa kaniyang labi.
Ano ang nakakatawa?
Sinusubukan ata ako ng babaeng 'to.
I don't know but when I saw her like this parang may humaplos ulit sa aking puso ngunit hindi ako nagpadala rito.
Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ako nandito, kung hindi niya sasabihin ay hindi ko rin siya papansinin.
Tumingin ulit ako sa sa kisame at nakipagtitigan sa puting kulay nito. Buti at luminaw na ang aking paningin ngayon. Dahil kung hindi pa ay siguradong sasabog na ako.
Kasi parang lahat nalang sa akin ay nawala.
Mukhang bumubuti na rin ang aking lalamunan dahil hindi ko na ramdam ang pagkatuyo nito.
Ilang saglit lang may narinig akong pagbukas at sara ng pinto kaya tiningnan ko ang kung sino ang pumasok.
Nakita ko ang dalawang lalaki na may hawak na paper bag at isang babae na hindi matigil sa pag-iyak. Hinahaplos ng lalaking kahawig niya ang kaniyang likod. Siguro ay mama niya ito.
Parang nasa middle-aged na ang babae. Ang isang lalaki ay parang mas matanda sa'kin ng ilang taon at ang isa naman ay parang kaedad ko lang.
Naramdaman kong parang gumaan ang aking pakiramdam nang makita sila. Ewan, parang ang saya ko na nandito sila.
Sila ba ang sinasabi ni Janice kaninang tinawagan niya?
Nais kong tanungin si Janice ngunit naalala kong pa pala bumabalik ang aking boses.
Natuon ang atensyon ko sa lalaking kaedad ko dahil sa malalim na pagtingin niya sa akin. His dark eyes did something inside me.
Ngumiti siya sa akin na walang ginawa kundi nagpakabog ng malakas sa aking didbdib. Mukhang nahalata ng lahat dahil sa pagbilis ng tunog mula sa heart monitor na nakakabit sa akin. Naramdaman kong namula ang aking pisngi sa hindi malamang dahilan.
Ngunit hindi ko pa rin magawang iiwas ang aking mga mata mula sa kaniya. Ewan ko ba at bakit napako ang aking tingin.
Lumapit sila sa akin at ilang saglit lang ay kayakap na ako ng lalaking mas matanda sa akin.
"Bunso," rinig kong bulong niya.
Kuya ko ba siya? Teka, may kuya ba ako?
Wala na akong pakialam basta ang sarap sa pakiramdam ng kaniyang yakap.
Ang babaeng umiiyak ay nasa gilid ko na. Hinawakan niya ang aking kamay nang bitawan ako ng tumawag sa akin ng bunso.
"Anak," nanginginig na sambit niya.
Anak? Tinawag niya akong anak. Ibig sabihin siya ang mama ko?
Naramdaman kong uminit ang gilid ng aking mata at hindi nga nagtagal ay biglang gumulong ang likido nito sa aking pisngi.
Pinunasan ni Mama ang luhang dumadaloy sa aking mga mata.
"Ma-ma," magaspang na sambit ko.
Kaya pala ang gaan ng aking pakiramdam nang magtama ang mata namin kanina.
Niyakap niya rin ako. And I can feel her body relaxed.
Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg at inamoy ang pabango niyang hindi ko pagsasawaan.
Ilang saglit kaming ganoon at hindi nagtagal ay naghiwalay rin kami.
Ang lalaking katitigan ko kanina ay tahimik lang na nakamasid sa gilid.
I can't stand his scrutiny but it felt good knowing I'm the only person he's staring inside this room. I don't know but I can't help but to feel territorial towards him.
Nakakahiya buti at hindi nila alam ang laman ng aking isip.
Sa kaniya ulit nakatuon ang aking paningin. It feels like this moment was some kind of witchery and he cast his magic towards me so I can't drew my eyes off him.
If this is a dream please don't you dare to wake me up. Kung ganitong mukha lang ang makikita ko buong buhay ko ay sigurado akong hindi ko 'to pagsasawaan.