MALUNGKOT na pinagmasdan ni Callen si Asia na natutulog ng mahimbing. Sobrang lapit nito sa kanya pero parang hindi niya maabot. Nagalit ba ito sa kanya dahil sa sapilitang kasalan nila? Pero hindi ba mahal siya nito? Naupo siya sa kama at hinaplos ang pisngi nito. Pero hindi man nagtagal, nagising ito at pinalis ang kamay niya. “Take your hands off me!” Umusod pa ito sa gilid. Kaya napilitang tumayo na lang si Callen. Kinuha niya ang unan at pumunta sa couch. Mas lalong lumayo yata ang loob ni Asia sa kanya dahil sa pagsundo niya rito. Pero mas maigi na ito kesa kasama nito ang lalaking iyon. Nagseselos siya. Nagtipa siya nang mensahe kay Ian para makibalita. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung ano ba talaga ang pinakadahilan kung bakit naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.